Chapter 3- Malachite Green

21 0 0
                                    

Nakatayo sa gitna ng kadiliman si Si Malachite. Naririnig niya ang mahinang iyak na pamilyar sa kanya. Hinanap niya ang pinagmumulan ng iyak. Nakita niya sa harapan niya ang kanya'ng kakambal na si Phenolphthalein.

"Phen!" ang tawag ni Malachite kay Phenolphthalein.

Sinubukan niyang habulin si Phenolphthalein ngunit may humihilang mga kamay sa kanya'ng mga paa.

"Wait, Phen! Don't leave me! Phen!"

Halos habulin niya ang kanya'ng hininga. Napabangon sa kanya'ng pagkakatulog. Napatingin siya sa kanya'ng alarm clock at pasado alas tres kinse pa lang ng madaling araw.

"Panaginip lang pala,"ang sambit ni Malachite.

Bumukas ang ilaw ng kanya'ng kwarto at nakita niya ang kanya'ng Kuya Tristan na humihikab. Napahalukipkip si Tristan habang nakasandal sa pintuan.

"Having nightmares again, Kite? Wanna talk about it again?"ang tanong ni Tristan kay Malachite.

Napahilamos ng kanya'ng mukha si Malachite sa tanong ng kanya'ng Kuya Tristan. Gabi-gabi ang mga bangungot ni Malachite simula nang mamatay si Lein. Umiling lamang si Malachite at inayos niya ang kanya'ng paghiga.

"Nagkaroon ka ba talaga ng appointment sa psychiatrist? We can asked Dad. Maaaring may i-recommend siya sa'yo?"ang tanong ni Tristan.

"I do. Nagkaroon na ako ng appointment sa psychiatrist last week. Baka namimiss ko lang si Phen,"ang sambit ni Malachite.

Lumapit si Tristan kay Malachite at pinisil niya nang madiin ang pisngi nito. "Aray! Masakit Kuya Tristan!"ang sigaw ni Malachite. Mabilis na binitiwan ni Tristan ang pisngi ni Malachite. Mabilis hinimas ni Malachite ang kanya'ng namumulang pisngi.

"Alam kong hindi ka na bata. Pero p'wede mo akong lapitan kung may dinaramdam ka. Lahat ng mga bagay na nasasabi mo kay Lein, p'wede mong sabihin sa akin,"ang sambit ni Tristan.

Niyakap ni Malachite ang kanya'ng mga tuhod at hinaplos ni Tristan ang likuran ni Malachite. "Gusto kong mag-aral ulit. Gusto kong makita ang school kung saan nag-aaral si Phen,"ang sambit ni Malachite.

Napataas ang kilay ni Tristan sa sinabi ni Malachite. Para sa kanya ay kakaiba ang biglang pag-ihip ng hangin dahil sa sinabi ni Malachite.

"Gusto kong imbestigahan ang pagkamatay ni Phen. Gusto kong managot ang lahat ng sangkot sa kanya'ng pagkamatay," ang sambit ni Malachite.

Natulala si Tristan sa inasal ng kanya'ng kapatid. "Hindi ako papayag. Kite, alam mong namatay si Lein sa Galen High. Hindi ko alam ang gagawin ko kung pati ikaw ay mawawala sa akin!" ang sigaw ni Tristan.

Tinapik nang malakas ni Malachite si Tristan sa likuran nito. Napaubo nang malakas si Tristan at sinamaan niya ng tingin si Malachite. Nagpatagisan ng pagmamatigas ang dalawa hanggang sa sumuko na si Tristan. "Mahabaging diyos! Bakit ba puro pasaway na kapatid ang napunta sa akin?"ang sigaw ni Tristan.

Samantala, sa labas ng kwarto ni Malachite ay nakangiti si Dr. Zydrick. May tiwala siya kay Malachite na hindi niya kayang patayin ang mga miyembro ng SOC. Nararamdaman niyang ang SOC ang maaaring magpabago sa landas ni Malachite. Ngunit mas nag-aalala si Dr. Zydrick sa magiging reaksyon ni Malachite sa oras na malaman niyang ang taong pumatay sa kanya'ng kakambal ay walang iba kundi ang kanya'ng kapwa assassin na si Ace sa parehong organisasyon na kinabibilangan niya.

Ilang buwan matapos mamatay ni Phenolphthalein ay natuklasan niyang nagmula sa parehong sindikato si Ace at Malachite. Ang alam lamang ni Dr. Zydrick noong umpisa ay isang ordinaryong estudyante lamang si Ace. Sa pamamagitan ng masusing imbestigasyon ni Rafael, natuklasan nilang ilang taong nagsanay si Ace sa parehong organisasyon. Nalaman nilang matalik na magkaibigan si Ace at Malachite kaya hindi niya alam kung paano bubuksan ang sa anak ang rebelasyon.

Private Eyes' Case Files:The Requiem Of TimeWhere stories live. Discover now