Ilang linggo na rin ang nakakalipas mula ng pumasok si Kite sa Galen High. Hindi na rin busy ang karamihan sa mga estudyante at faculty dahil tapos na ang period of recruitment ng mga club. Tatlong miyembro ang nadagdag sa SOC at isa nga rito ay si Kite.
Sariwa pa rin sa alaala ni Kite kung paano siya nagising sa infirmary. Ayon sa kwento ng school doctor ay binuhat siya ni Chris at Gab dahil sa nagpanic sila pagkakahimatay niya sa couch kung saan natutulog si Lein noon. Pinagtitinginan ng mga estudyante ang SOC dahil sa nagsisigawan sila sa corridor.
"Tabi! Umalis kayo! Dadaan ang mga pogi ng SOC!"ang sigaw ni Chris. Gustuhin mang batukan ni Gabriel ang kaibigan ay wala itong nagawa kung hindi ang umiling. Mabilis umiwas ang mga estudyante dahil sa utos ni Chris at kasabay nito ang tilian ng ibang mga babaeng estudyante ng Galen High.
Napuno rin ng bulung-bulungan ang mga estudyante dahil sa bago sa paningin nila ang lalaking buhat-buhat nina Gab. "Ui sino yung Prince Charming na buhat-buhat nila? Ang cute 'no?" ang bulong ng isang babaeng estudyante.
Hinampas ng katabi niyang babae ang estudyanteng nagsalita. "Bakit ba lahat ng pinakagwapong nilalang ng Galen High ay napupunta sa pinaka-weirdong club?" ang sambit ng kasama nito. Sinamaan sila ng tingin ni Janella at napatungo na lang sa hiya yung dalawang babae.
Nagsisihan ang dalawang estudyante. "Ikaw kasi! Lakas loob kang magsabing weirdo eh alam mo naman na naroroon din ang mga amasona ng school na 'to!"ang sambit nito sa kasama niya. Napailing na lamang si Janella habang naglalakad papalayo sa kanila.
Nang makarating sina Bien sa infimary ay sumalubong sa kanila ang school doctor na si Dra. Veluz. Naningkit ang mata nito nang makita niya ang buhat-buhat nina Gab. "So what happened?" ang tanong ni Dra. Veluz.
Nagkatanginan sina Gabriel at nag-aalangan pa silang sabihin ang totoo nang biglang nagsalita si Janella. "Natakot sa tigre. Ayun biglang hinimatay." Bakas sa boses ni Janella na wala siyang ganang makipag-usap kay Dra. Veluz lalo na't kapatid niya ito.
Napahalukipkip si Dra. Veluz at sinamaan niya ng tingin si Janella. "Please answer my question seriously, Janella. I'm not joking here,"ang pakiusap ni Dra. Veluz. Inihiga ni Chris sa kama si Kite at sumagot si Gab.
"I hope we we're joking but we're not , Dra. Veluz. He passed out after seeing Cerberus." Napahalukipkip si Dra. Veluz sa sinabi ni Gabriel. Pakiramdam niya ay prinaprank siya ng mga estudyante. Halos Mapatalon sa takot si Dra. Veluz nang makita niya si Amethyst kasama ang alagang si Cerberus.
"May tigre nga!" ang sigaw ni Dra. Veluz habang nakatago siya sa likuran ni Janella.
Sinamaan ng tingin ni Janella ang kanya'ng ate. "O akala ko ba nagjo-joke kami? Bakit nagtatago ka sa likuran ko?"ang tanong ni Janella. Hinampas siya nang malakas ni Dra. Veluz at mabilis siyang nagpunta sa tabi ni Kite upang tingnan ang condition nito. Inalis ni Dra. veluz ang necktie ni Kite at binuksan ang una at pangalawang butones ng kanya'ng uniform.
Itinaas ni Dra. Veluz ang long sleeve sa kanang braso ni Kite at isinuot ang cuff sa kamay papuntang siko at itinapat ang artery indicator sa pulsuhan na matatagpuan sa braso. Inilagay ni Dra. Veluz ang kanya'ng stethoscope sa ilalim ng cuff. Natahimik sina Bien dahil sa kailangang marinig ni Dra. Veluz ang Korotkoff sound. Dahil manual ang sphygmomanometer ay nagsimulang pisilin ni Dra. Veluz ang bulb. Nang husto na ang hangin sa cuff ay pinihit ni Dra. Veluz ang release bulb at pinakinggan ang Kortokoff sound. Kasabay ng kanya'ng pagkuha ng blood pressure ay panay rin ang pagtingin niya sa kanya'ng analog na relo. Nang matapos ang pagkuha ng blood preassure ay kinuha niya ang kanya'ng chart at inilagay ang nakuhang blood pressure at kay Kite. Naglagay rin ng Pulse Oximeter si Dra. Veluz sa hintuturo ni Kite upang malaman ang oxygen saturation sa katawan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/348630808-288-k127243.jpg)
YOU ARE READING
Private Eyes' Case Files:The Requiem Of Time
غموض / إثارةTwo years ago when one of the members of SOC died while solving a 55 year old case of Galen High. Malachite Green Antonio, entered the Galen High to get the revenge for her twin sister, Phenolphthalein. He will enter the SOC in order to examine his...