Chapter 6-Kite's First Case (File II)

11 0 0
                                    

Tahimik si Kite na pumasok sa clubroom. Paulit-ulit na bumabalik sa kanya'ng alaala ang sinabi ni Inspector Sam. Hindi siya makakapayag na gagamitin lang ng organisasyon ang kanya'ng pinaghirapan para lamang sa kanilang masamang hangarin.  Nilikha niya ang experiment na iyon upang bigyang lunas si Phenolphthalein. Naikuyom niya ang kanya'ng mga kamay dahil sa galit. Napansin ni Zhey ang kanya'ng pagpasok at ilang beses niyang tinawag ang pangalan ni Kite ngunit hindi siya pinapansin nito.

Tumayo si Zhey sa kanya'ng kinauupuan at pinisil niya ang mukha ni Kite. "Hoy, Kite! Ano ba? May problema ba?" ang sigaw ni Zhey.

Natulala si Kite sa inasta ni Zhey dahil kaparehong-kapareho ito ng kilos ni Phenolphthalein sa tuwing natutulala siya. Nagulat si Zhey nang biglang tumulo ang luha ni Kite.

"Phen," ang sambit ni Kite.

Nataranta ang mga miyembro ng SOC sa biglang pag-iyak ni Kite. "Pen? Kailangan mo ng panulat?" ang tanong ni Bien.

Mabilis na pinunasan ni Kite ang kanya'ng mga luha dahil ayaw niyang magmukhang mahina sa harap ng kanya'ng mga kaklase.

"Baliw! Hindi! May naalala lamang ako. I guess I need to visit her later," ang sagot ni Kite at mahina siyang tumawa.

Napasimangot si Janella sa sinabi ni Kite. "P'wede ba, huwag mo naman kaming takutin nang gan'on. Anyway, here are the information we need about the case," ang sambit ni Janella at nagflash sa monitor ang profile ng biktimang nahulog sa building kanina.

Napasimangot si Kite nang makita ang profile ng babaeng namatay. "It's a shame na nasayang ang buhay niya dahil sa isang walang kwentang nilalang,"ang sambit ni Gab habang nakahalumbaba sa mesa.

Nagpatuloy si Amethyst at pinindot niya ang remote upang magproceed sa bagong slide. "Siya si Samantha Verde. Seventeen years old at isang TVL student. Kasalukuyan siyang nasa Embroidery Club," ang sambit ni Amethyst.

Pinunasan ni Kite ang kanya'ng luha at tinanong si Gab. "Hindi ba pumunta kayo sa room na pinagbagsakan ng victim kanina? May nakita ba kayong kakaiba?" ang tanong ni Kite.

Tumungo si Gab at ipinatong niya sa table ang isang developed picture ng fake nails. Naningkit ang mata ni Kite nang may mapansin siyang kakaiba sa picture. "May soft copy ba kayo nito?"ang tanong ni Kite.

Tumango si Bien at isinalpak niya ang isang flashdrive. I-zinoom in ni Kite ang picture at may nakita siyang tuldok  sa kuko nito. Sa sobrang inis ni Kite ay inumpog niya na lamang ang kanya'ng ulo sa mesa. Nagulat sina Amethyst sa ginawa ni Kite. Nang inangat ni Kite ang kanya'ng noo ay nagkaroon ito ng bukol.

"Nababaliw ka na ba? Paano kung magkaconcussion ka sa ginawa mo?"ang sigaw ni Bien. 

Napatingin si Bien kay Gab na biglang napaisip. Kinuha ni Gab ang isang plastic mula sa kanya'ng bulsa. Naglalaman iyon ng nabasag na bote mula sa crime scene. Binuksan ni Gab ang zip lock at hindi siya nagdalawang isip na tikman iyon. Napasigaw sina Zhey at inalog-alog niya si Gab. 


"Isa't kalahating abnormal ka talaga! Bakit mo kinain ang bubog? Naubusan ka ba ng pera at wala ka ng pangkain?"ang tanong ni Zhey.

Napasimangot si Gab sa inasta ni Zhey. "Baliw! Ok lang ako. Ang masasabi ko lang ay kung sino man ang gumawa ng krimen na ito ay masyado siyang artistic para gawing bote ang isang candy,"ang sambit ni Gab.

"Candy?"ang tanong ng mga nasa loob ng clubroom.

Ngumiti si Kite at nakuha agad ang ibig sabihin ni Gab. "Candy Glass. Isang uri ng bote na kadalasang ginagamit sa mga pelikula at palabas sa telebisyon. Mas mura ito kumpara sa mga tunay na  bote. Bukod doon ay mababawasan ang chance ng injury kapag ipinukpok ito sa ulo lalo na't gawa ito sa candy. Pero ano naman kaya ang ginagawa ng isang candy glass sa loob ng clubroom ng mga taga-Embroidery club?" ang tanong ni Kite.

Napabuntung-hininga ang mga myembro ng SOC dahil hangga't limitado ang kanilang kilos ay hindi nila malulutas ang kaso. 

"Paano kung i-black mail natin si Inspector Sam?" ang tanong ni Chris.

Napasimangot si Amethyst sa suhestiyon ni Chris. "P'wede ba Chris, hindi nakakatuwa suhestyon mo kaya manahimik ka na lang. At isa pa p'wede na tayong makulong kung gagawin mo yan," ang sambit ni Aubrey na halatang naiinis kay Chris.

"May punto si Chris. Malulutas lamang ito kung luluwagan ni Inspector Sam ang ating mga kilos,"ang sambit ni Gab. 

Binatukan ni Zhey si Gab nang malakas at napaaray siya. "Subukan mong gawin iyon at hindi ka na maaaring maging alagad ng batas!" ang sigaw ni Zhey.

"Nagbibiro lang naman ako eh,"ang sambit ni Gab.

Napahalukipkip si Zhey at inirapan niya si Gab. "Naturingan ka pang miyembro ng SOC tapos gusto mo gagawa ka ng kabulastugan?" ang inis na sambit ni Zhey. 

Tahimik na tumayo si Kite at tiningnan siya ng mga miyembro. "Let me handle this matter," ang sambit ni Kite at lumabas siya ng clubroom.

Nagkatinginan ang mga miyembro sa inasta ni Kite. "Alam niyo nahihiwagaan ako sa kinikilos ni Kite,"ang sambit ni Charmwell.

Tumungo si Aubrey. "Alam niyo, parehas sila kung kumilos ni Lein,"ang sambit ni Aubrey habang nakatingin sa pintuan ng clubroom. 

"Pero paano kung katulad siya sa mga pelikula 'no? Namatay yung kakambal niya tapos   pumasok siya sa school na ito para maghiganti 'no?" ang sambit ni Chris. 

Napataas ng kilay si Charmwell at Aubrey sa sinabi ni Chris. "Alam mo Chris. Masyado kang kinain ng K-Drama,"ang sambit ni Charmwell.

"But who knows? Ano man ang pakay ni Kite, hindi dapat natin ito dapat ungkatin. Hayaan nating siya ang mag-open nito sa atin,"ang sambit ni Amethyst.

"What if ang purpose ni Kite ay ang patayin tayo? Sasabihin niya pa ba sa atin?"ang tanong ni Gab.

Magsasalita na sana si Chris  nang makita niyang nakatayo sa likuran ni Gab si Kite. "Are you done suspecting me about joining this club?"ang tanong ni Kite habang naka-halukipkip ito. 

Hindi nagustuhan ni Kite ang tabas ng dila ni Gab at Chris. "I know walang gustong sumali sa club na ito pero para sabihin ko sa inyo. Wala akong balak na patayin kayo or bring any harm to this club. After all, my twin sister sacrifice her little life just to save this club. This club is my only memory of her so I can't bring harm to this club even I want to,"ang sambit ni Kite. 

Nanlaki ang mga mata nina Aubrey at napatingin sila kay Chris. Napangiti si Kite at tumawa siya nang malakas. Nakuha niya ang reaksyon na gusto niyang makita sa mga mukha ng mga taga-SOC. "Yan ba ang gusto ninyong marinig? Nagbibiro lang ako! Of course, I love mysteries kaya ako sumali sa club na ito. So please don't put suspicion on me. I won't bring any harm to this club!"ang sambit ni Kite. 

Sinugod ni Amethyst si Kite at pinaghahampas niya ito. "Aray! Masakit! Anyway, nagawan ko na ng paraan na maisolve natin ang case na ito. Pumayag si Inspector Sam. I made a deal with him," ang sambit ni Kite. Napatingin silang lahat kay Kite. Lahat sila ay nagdududa kung paano niya nakumbinsi si Inspector Sam na payagan silang lutasin ang kaso.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Private Eyes' Case Files:The Requiem Of TimeWhere stories live. Discover now