Klea’s Pov
“Hoy!” Bungad ko sa kapatid kong pakealamera na kakababa lang para kumain ng almusal. Almusal na linuto ng maganda niyang ate.
“Ano na naman, ate?” Pupungas-pungas na aniya, kinukuskos pa ang mga mata.
“Anong ano na naman?! Ba’t mo sinend kay Shawn yung pic kong natutulog ha?!” Sigaw ko.
Wala akong natanggap na sagot. Sa halip ay ngumuso lang siya at dire-diretsong pumunta sa hapag kainan. Sinubo niya ang hotdog na hindi man lang ako sinusulyapan.
Aba’t kita mo nga naman oh. Napahiya ako sa honeybunch lodicakes ko tapos itong churarat na ‘to hindi man lang ako binigyan ng maayos na explanation. Kahit tumango o umiling wala?
Sinamaan ko lang siya ng tingin at muling umakyat sa kwarto ko. Friday ngayon kaya walang class, mag-co-compile lang kami ng mga hindi namin napasa na activities.
Mabagal akong pumunta sa banyo at naligo. Nanghihina ako ngayon, hindi pa kasi nagrereply si Shawn simula pa kahapon. Baka nakulitan na siya sa‘kin o hindi kaya’y na-realize niyang mukha talaga akong patatas ni Princess Sara.
Pero kahit naman gano’n mas kamukha ko pa rin si Lady Bug. Ganda ko kaya sa panaginip ko.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng pants at white t-shirt saka ko sinuot ang white sneakers ko. Bumaba na ako at nadatnan si Eury na naghuhugas ng pinagkainan. Inirapan ko siya.
Naglakad nalang ako papuntang school. Exercise na rin ‘to, puro utak nalang kasi gumagalaw sa‘kin eh.
Pagkarating ko sa school ay padabog akong umupo sa assigned seat ko. Nakakapagod pa rin maglakad mula sa bahay papunta rito.
Kumunot ang noo ko nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko.
App : Messenger
Nov 21 | 8:47 AM
Shon Trens
Hello, kid.
I'm sorry kung ngayon lang ako nag-chat.
I had a 3 hour meeting yesterday and I'm so tired of my work out.
I hope u understand :)
BINABASA MO ANG
Rays of the Sun
RomanceAn artist, an ABM student, a misunderstanding turns to mutual understanding.