Klea’s Pov
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. White puffed sleeve dress lang ang suot ko na may ribbon sa likod. Pinares ko ito sa black heels ko at white mini bag.
Hindi rin ako nag-make up ng makapal, baka ma-turn off si Shawn. Dapat nga nagliptint nalang ako kaso masyadong plain. Kaya nanood nalang ako ng tutorial sa TikTok. TikTok is the key.
“Ateeeeeeeee!!!”
Nawindang ako sa napakalakas na sigaw ni Eury kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba. Muntik pa akong matapilok sa suot kong heels.
“Ano?! Anong nangyare?!” Nag-aalalang tanong ko.
Hindi niya ako sinagot, sa halip ay tumingin lang siya sa deriksyon kung nasaan ang pintuan. Dahan-dahan din akong napatingin doon. At doon na nalaglag ang panga ko. Sa mga oras na ito alam kong mukha kaming tanga ng kapatid ko.
Sa harap namin ni Eury ay nakatayo ang napakapoging nilalang na nakita ko sa balat ng lupa. Moreno, may muscles sa braso, medyo may kahabaan ang buhok kaya hinahawi niya ito, saktong tangos ng ilong, mapupulang labi, and last but definitely not the least... yung brown niyang mga mata na nakatuon sa‘kin.
“Uhm... Good morning to the both of you.” At napaka-manly na boses!
“G-good morning din.” Bati ko.
Lumapit ako kay Eury pero kay Shawn pa rin nakatingin.
“Ikaw nang bahala sa bahay ha?” Tumingin ako sa kaniya.
Dahan-dahan siyang tumango at tumingin sa‘kin saka ngumisi. Alam ko bunso, alam kong proud ka sa‘kin. Breadwinner na ang ate mo!
BINABASA MO ANG
Rays of the Sun
RomanceAn artist, an ABM student, a misunderstanding turns to mutual understanding.