21

4 2 0
                                    

Klea’s Pov

Pagkatapos sabihin ni Shawn na ni-rentahan niya yung room na kakainan namin ay pinalipat niya sa mga crew yung table sa side kung saan malapit sa glass windows.

Nasabi ko kasi sa kaniya na sobrang nagandahan ako sa view sa labas. At mula rito sa room namin na nasa 2nd floor ay kitang-kita ko ang mga naglalakihang puno pati na rin yung matarik na bundok na nakita ko kanina.

“You once told me that you're an ABM student.” Panimula ni Shawn. “What course are you planning to take?” Patuloy niya.

Kasalukuyan kaming nakaupo ng magkaharap at hinihintay yung mga orders namin.

Personally, gusto ko talagang i-take yung BS Psychology. Gusto rin naman ni Mama ‘yon para sa akin dahil sabi pa nga niya, kahit ano raw yung i-take ko ay okay lang sa kaniya. Kaso si Papa naman yung may ayaw.

“Papa wants me to take BS in Business Management. Sabi niya, ako raw ang panganay kaya dapat ako yung mag-manage ng business nila ‘pag hindi na nila kaya.” Pilit akong ngumiti.

“What's your personal choice then?”

“BS Psychology. I'm interested in observing human behavior.” Ngayon, hindi na pilit ang ngiti ko.

“That's... hard.” Na-ibaba niya ang paningin sa pinggan na nasa tapat niya.

Hindi ko alam kung saan siya nahihirapan. Kung sa sitwasyon ko ba sa ama ko o sa kursong kukunin ko.

Bumalik sa akin yung atensiyon niya.

“But I know you can do it.” He said with his hazel eyes full of sincerity.

And right at that moment, I felt motivated by him for the nth time.

Rays of the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon