Klea’s Pov
Nagulat ako nang magdesisyon si Shawn na sunduin ako. Beh, yung crushiecakes kong artista sinusundo ako. Bless!
Agad akong bumaba para kumain ng agahan kahit mag-ta-tanghali na. Breakfast with a twist of lunch, ganern.
“Hoy, ano na balita kay Mama at Papa? Kailan daw sila uuwi?” Bungad ko sa kapatid kong si Eury na puno ang bibig ng sausage. Nginuya niya muna ito bago magsalita.
“Ewan ko sa mga ‘yon. Wala na atang balak umuwi, masyadong nag-enjoy.” Aniya sabay dampot ng tinidor niyang nakatusok sa sausage.
“Hayaan mo na, minsan lang sila gumanyan.” At tuluyan na nga akong na-upo saka kumain.
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Tanging tunog lang ng kutsara‘t tinidor ang maririnig. Kaya binasag ko na ang katahimikan.
“Nga pala, pupunta si Shawn dito kaya maglilinis tayo ng bahay.” Seryoso kong saad, hindi siya tinitignan.
“Shawn? Sino ‘yan? Classmate mo? Kaibigan? Manliligaw? Sugar daddy mo?”
Sinamaan ko siya ng tingin.
“Ang dami mong tanong. Si Shawn, Shawn Torrens.” Saka ako nagpatuloy sa pagkain. Narinig ko siyang natawa.
“Ate? Nahihibang ka na ba? May lagnat ka ba?” Hinawakan niya ang noo ko gamit ang likod ng palad niya. “Baka naman naka-drugs ka.” Dugtong niya.
“Drugs, amputa. Seryoso nga, si Shawn nga yung pupunta. Kung ayaw mong maniwala, edi go. Nganga ka nalang mamaya.”
Tinapos ko na ang pagkain ko saka ko linigpit ang pinagkainan ko at hinugasan.
“Sakto, ate. Pupunta rin mamaya si Taehyung. Date daw kami.” Bungisngis niya.
Napa-irap nalang ako sa hangin.
BINABASA MO ANG
Rays of the Sun
RomanceAn artist, an ABM student, a misunderstanding turns to mutual understanding.