Klea’s Pov
“So... where do you want to eat?” Binasag ni Shawn ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Kasalukuyan siyang nag-d-drive at hindi ko alam kung saan patungo ang biyaheng ito. Ano ba yung gusto ko? Jollibee? Mcdo? KFC? Kaso baka gusto ni Shawn sa mga sosyal na kainan.
“Kahit saan nalang.” Napayuko ako nang sabihin ‘yon dala ng labis na kaba.
Ayaw ko naman kasi maging pala-desisyon. Kahit na tinanong niya ako kung saan ko gusto parang feeling ko siya pa rin yung may karapatan mag-desisyon. Libre na nga ‘tong biyahe eh, ewan ko lang kung pagbabayarin niya pa ako sa gasolina.
Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita.
“I knew you'd say that.” He chuckled.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Alam niya, paano kaya ‘yon? Eh kakakilala palang namin tsaka first time lang din namin magkasama.
“You’re loud and confident, but not all the time.”
At doon na ako tuluyang napatingin sa kaniya. Kalmado lang siyang nagmamaneho. Kalmado rin ang mukha niya ngunit ang mga kamay niya ay madiing nakahawak sa manobela.
Akalain mo nga naman. Yung dating tinatanaw ko lang sa mall na kasing-layo ng isang campus ay nandito na sa harapan ko ngayon.
Seeing him this close felt like a granted wish. The one who I supported as an actor is right in front of me, driving. The one who I adored and the one who I dreamed to be with even just for a second is right... beside me. Gosh, totoo ba talaga ‘to?
Matagal kong na-process noon na nagcha-chat nga kami at mukhang aabutin ng ilang linggo para ma-proseso ko naman itong pina-level up na sitwasyon namin.
BINABASA MO ANG
Rays of the Sun
RomanceAn artist, an ABM student, a misunderstanding turns to mutual understanding.