Klea’s Pov
“Are your parents aware that you're going out?”
Nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Shawn. Hindi ko na ni-reply-an si Aiko at itinuon na lang ang atensiyon sa lalakeng katabi ko.
“Actually, hindi.” Pag-amin ko. Natawa pa ako ng kaunti.
“You didn't tell them?” Umarko ang kanang kilay niya, tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.
“Ah... kasi ano, wala kasi sila rito.” Napakamot ako sa batok ko.
Baka ma-turn off na siya dahil basta basta na lang akong umaalis ng bahay. O kaya naman matakot siya dahil nag-aya siya ng menor de edad na katulad ko.
“Why? Where are they?” Mas kalmado nang tanong niya.
“Sa Palawan. May business trip.”
Tinuon ko nalang ang atensiyon ko sa labas ng sasakyan nang wala akong matanggap na sagot. Tumango lang siya sa akin.
Habang nasa biyahe ay unti-unti kong napagtanto na hindi pamilyar sa akin ang daan. Ilang minuto na rin ang lumipas pero nasa biyahe pa rin kami. Napaka-sosyal naman ata ng kakainan namin at napalayo pa kami.
Nakaramdam ako ng antok kaya isinandal ko lang muna yung ulo ko sa salamin na nasa gilid ko at umidlip.
Na-alimpungatan lang ako nang may sumundot sundot sa pisngi ko. Nang magmulat ako ay ang preskong mukha ni Shawn ang agad kong nakita. May maliit na ngiti pa na nakaguhit sa mukha niya.
“Rise and shine, sleepyhead.” He said gently, using his soothing manly voice.
BINABASA MO ANG
Rays of the Sun
RomanceAn artist, an ABM student, a misunderstanding turns to mutual understanding.