Tuluyan akong nakapasok at pagpasok ko bigla akong mas kinabahan pakiramdam ko may iba sa lugar na itoPara itong gubat na madaming mga puno at may ilang nagliliparang ibon mula sa puno at dinig na dinig ko ang tunog na nanggagaling sa mga ibon na para bang nagulat kaya sila napapalipad
Hapon na,habang naglalakad pa linga linga ako sa paligid di ko rin maiwasang ma mangha sa mga magaganda at matataas na puno na nadadaan ko pero di parin nawawala ang kaba sa dibdib ko
Lumipas ng ilang minuto at napahinto uli ako nang may naririnig akong busina ng mga sasakyan at mga boses ng tao
Medyo nawala ang kaba ko sa dibdib ng makita ko ang malaking semento at nakasulat dito
'Welcome to Malvor'
Bahagya akong napangiti at agad na pumasok sa sentro ng bayan
Ito na ang bayan.napahinga ako ng malalim dahil alam kong sa lugar na ito magpapatuloy ang buhay ko
Pagpasok ko sa sentro may mga iilang mga tao naglalakad may mga kotseng dumadaan old style,medyo tahimik din ang Lugar
di gaya sa bayan ng Gowan ang lunsod na nakagawian ko
ang bayan na kahit sa ganitong oras masyadong maingay at maraming mga tao
Siguro dahil hapon na kaya kaunti nalang ang mga tao
Pero parang hindi yun ang dahilan i really feel that there is something strange here
Naglakad ako sa Sentro.may mga bahay din dito at di ko maiwasang mamangha
maganda ito its like an old vintage style na may mga magandang bulaklak sa harap na nakasabit sa bintana malinis din ng boung lugar
Habang naglalakad di ko maiwasang mailang dahil sa mga matang nakatotok sa akin
Lahat ng tao na aking nadadaanan ay bahagyang natitigilan sa kanilang bawat gawa at napapatingin sa direksyon ko yumuko na lamang ako.
Habang naglalakad at nakayuko may narinig akong mga salita galing sa mga taga bayan
"May bagong dating"medyo mahinang sambit ng isang taga bayan
"Paano siya nakapasok dito kinakailangan pa ng permiso bago ka maka punta dito sa bayan"saad nman ng isa
"Iba ang kanyang amoy...di ko alam kung makakatagal ba siya dito sa bayan..isang tao"
Napatigil ako saglit at mas napahigpit sa aking dalang gamit at napatuloy agad sa daan
whats happening here?anong tao?anong amoy?
Ngayon lang ba sila nakakita ng bagong dating sa bayan?bat sila napapatingin sa akin?bat ganon ang salita na aking narirnig
Nanatili akong nakayuko at sa kasalukuyan kong pag iisip di ko namalayan at may nabangga na palo akong tao
"Im sorry di ko nakita..pasensya na"saad ko
"Its okay"saad niyang nakangiti sabay tayo galing sa semente kung saan siya natumba
Shes beautiful,mala anghel ang kanyang mukha
"Mukang bago ka lang dito" saad niya habang pina pagpag ang kanyang damit
"Ahh oo kararating ko lang sa bayan na to"saad ko nman sa kanya
"I see..saan ka tutuloy ngayon?" Tanong niya sa akin
"Sa Malvor mansion" sagot ko nman sa kanya nang maalala ko, yun kasi ang nasa sulat na nabasa ko kanina sa tren.Malvor mansion.
Napatitig siya sa akin ng seryoso pero agad ding nawala at napalitan uli ng ngiti
"Sge mag iingat ka ulit sa daan ha kailangan ko na din umalis" saad niya sa akin at agad na umis sabay kaway ng kanyang kamay
Nanatili akong nakatayo Hanggang sa mawala siya sa paningin ko
Napangiti ako sana mag kita ulit kami mukhang mabait nman siya
pero di ko maiwasang mapaisip bakit ganon ang tingin niya kagaya ng tingin ng isang matandang lalaki nong akoy nasa bayhe pa.
I feel weird pero baka sa isip ko lang ito aalis na sana ako nang may bumusina at po mreno sa likod ng kinatatayuan
Nagulat ako at napabalikwas na pumunta agad sa gilid ng daan at nanatiling nakatayo
Napatingin ako sa isang kulay itim na sasakyan,bumaba ang bintana nito at doon ko nakita isang lalaki mga nasa mids 40 na siguro ang kanyang tanda
Lumabas siya sa sasakyan at humrap sa akin
Seryo ang kanyang mukha na nakatingin sa akin
Tumikhim siya bago nag salita
"Are you miss Allyssandra Eve Evaris?"tanong niya sa akin
"Yes sir ako nga po" sagot ko nman
"My names Albert Winston isa ako sa tagapangasiwa ng mansion kung saan ka titira"
"Ako ang ipinadala ng Auntie Mildred mo para maging sundo mo...kung nabasa mo ang sulat" saad niya
Naalala ko agad ang sulat isa sa nakasaad doon at isa sa laman ng sulat ay meron ding taong susundo sa kin papunta sa mansion
"Lets go Miss Allyssandra" saad niya at kinuha ang aking dalang maleta at iniligpit ito
agad nman siyang pumasok sa sasakyan sa driver's seat
Nag aalangan ako pero ginawa ko pa rin ang pagpasok sa loob ng sasakyan
"Salamat po sa pag sundo sa akin"saad ko sa kanya nang ako ay makaupo na
Tiningnan niya lamang ako gamit ang salamin sa harap at tumango
Patuloy at nanatiling tahimik ang aming byahe nakatingin lang ako sa labas ng bintana
at napansin kong sa tuwing ang aming sasakyan ay napapadaan tila ba ang mao tao ay yumuyuko nagbibigay ng respeto
lumipas ang ilang minuto ay huminto aming sinakyan sa napakalaking maitim na gate ng mansion dahan dahan itong bumukas hanggang sa makapasok ang aming sinasakyan
Huminto ang sasakyan at lumabas din agad si Mr.Albert at kihuna ang aking gamit sa likod
Lumabas din ako at tumambad sa harap ko ang isang napakalaking mansion.mansion na mas higit pa sa inasahan ko
Inilibot ko ang aking mata sa paligid,ang lawak ng hardenan pero ang mga bulaklak tuyong tuyo na
Ibinaling ko ang aking tingin sa harap.sa mansion.ang ganda pero nakakatakot
di ko maiwasan ang pangamba I think there is something strange here i can feel it.
"Miss Allyssandra?"
Agad na bumaling ang tingin ko kay Mr. Albert
"Shall we?"saad niya at ngayon dala na niya ang maleta ko
Tumango lamag ako ng may konting ngiti sa labi at naglakad papasok ng mansion
Di ko maintindihan ang aking nararamdman sobra akong kikabahan at parang may iba pa akong nararamdaman,pakiramdam na hindi ko maipaliwanag
Binuksan ni Mr. Albert ang pituan ng mansion at agad kaming pumasok
Medyo dilim ang paligid,ang malalaking bintana binabalutan ng makakapal na kurtina napansin ko ring kaunti lang ang mga gamit sa loob
Pero makikita mong malins rin ang paligid halatang alagang alaga ng tagapangasiwa ng mansion
Maganda at elegante din ang paligid,Napabuntong hininga na lamang ako
Simula ngayon dito na ako titira.