Napatingin ako sa oras habang ngayoy naka higa na sa kama
Pagtingin ko its exactly 7pm
Mukhang wala pa sila,siguro abala talaga sa pagdating ng Pamilya
"I'll wait" bulong ko sa sarili habang nakatingin parin sa oras
Makalipas ang ilang minuto agad akong napabalikwas ng bangon nang marinig ko ang katok sa pinto ng kwarto
Andito na siguro si Auntie at Mr.Albert
Agad ko itong binuksan at bumungad sa harap ko ang Mukha ni Auntie Mildred
"Auntie,andito na po kayo"mahina kong saad sa kanya
"N-nagluto na po ako para sa hapunan wag po kayong mag alala t-tapos na po ako" dugtong ko
Hindi ko alam kong magagalit ba si Auntie.
Pero Tumango lang siya at nagsalita na
"Nais ko lang ipaalam sayo na bukas may ipapagawa ako sayo lalo nat malapit na silang dumating"saad niya
"At Allyssandra tandaan mo palagi ang utos ko sayo yung nakasulat sa papel na ibinigay ko sayo hanggang sa nakarating ka difo sa mansion" malumanay niyang sabi habang deritsu lang ang tingin sa akin
Pero nakikita ko parang maypag aalala sa mukha
"Opo Auntie tatandaan ko po yon"saad ko sa kanya"Kailan pala ang simula ng klase mo Allyssandra? Tanong niya
"Bukas na bukas po Auntie"sagot ko naman
"Yan din ang araw ng pagdating nila" saad niya
"Mauuna na ako wag mong kalimutan may ipapagawa ako sayo bukas"saad niyang muli
"Okay po Auntie"saad ko sabay ng kaunting tango
Umalis na si Auntie at agad ko din sinara ang pinto
Isinandal ko ang likod ko sa pinto at pagkatapos pumunta na sa banyo
Lumabas ako ng banyo at agad na humiga sa kama
I used my arm to cover my eyes
At sa di katagalan nakaramdam ako ng antok
Nagising ako dahil sa liwanag na bumungad sa mukha ko
Umaga na,agad pala akong nakatulog kagabi
Tumayo ako at inayos ang kama at agad din pumunta sa banyo para mag hilamos
After a couple of minutes
Lumabas na din ako sa banyo at inayos ang sarili
Napahinto ako nang maalala ang sinabi ni Auntie kagabi
"May ipapagawa si Auntie" saad ko
Pagkatapos kong mag ayos agad akong lumabas ng kwarto at dahan dahang naglakad pababa sa hagdan
Hindi pa ako nakakarating nang makasalubong ko si Mr.Albert galing sa kaliwang bahagi ng mansyon
Yumuko ako kaunti at ganon din ang ginawa niya
"Good morning po"sabi ko ng nakangiti
"Magandang umaga din Allyssandra" saad niya naman at ngumiti
At sabay na kaming naglakad sa daghan pababa
"Did you get any sleep?" Tanong niya
"Ahh opo ang ganda nga po ng tulog kagabi"saad ko sa kanya habang nakangiti pa rin
He chuckled then again replied to my answer
"Nakakatuwa ka naalala ko ang anak kong lalaki sa iyo"saad niya
