"Allyssandra?"Tok tok tok
Napabalikwas ako nang bangon dahil sa boses at katok na aking narinig sa pintuan ng kwarto
"Allyssandra?" Boses ni Mr. Albert ang tumatawag sa akin
Agad kong binuksan ang pintuan at doon nakita si Mr.Albert
"Bumaba kana at handa na ang hapunan" saad niya
"Opo susunod po ako" saad ko at agad naman siyang umalis
Sakto din at hindi na ako magtatagal sa kwarto dahil pagkatapos kong mag ayos nang gamit kanina,agad akong naligo
Nagsuklay ako ng medyo tuyo kong buhok,
Tiningnan ko ang wall clock sa kwarto 7:26Agad akong lumabas at naglakad pababa papuntag dining table ng mansion
Pagdating ko doon naka upo na si Auntie at handa na ang mga pagkain sa table
Umupo ako sa malaking table at magsisimula na sana akong kakain nang napansin kong wala si Mr.Albert
"Auntie si Mr.A-albert po?"tanong ko kay Auntie Mildred nang medyo nauutal
"Hindi siya sasabay sa atin ngayon mayroon pa siyang kailangan gawin at tapusin"kalmado niyang sagot sa akin
kami ay tahimik lang na kumakain,walang nagsasalita at ang tanging maririnig mo ay ang pagdapo ng kutasara at tinidor sa mababasaging mga plato
pero ilang minuto ang lumipas biglang nagsalita si Auntie Mildred at agad naman akong napatingin sa kanya
"Hindi ko nasabi sa iyo ang oras pala ng ating hapunan ay 7:30"
"At siya nga pala Allyssandra,halos naayos ko na at naasikaso ko na mga papeles mo patungkol sa iyong pag aaral dito sa bayan at ang kailangan mo nalang gawin ay mag pumunta sa Dean ng eskwelahan at mag register"saad niya
"Sa Malvor University" dutong pa niya
Di ako naka pagsalita,di ko akalaing nagawa na ni Auntie ang asikasuhin yun para sa akin kahit sa totoo lang hindi ko pa siya gaanong kilala
Ang mama at papa ko lang ang gumagawa ng ganyan bagay para sa akin noong bata pa ako pero noong nawala na si mama at si papa nasanay akong ako nlng
Ilang taon na Noong nawala si mama at papa at doon ako sa kapatid ng papa ko tumitira,ilang taon din ako dun hanggang sa may natanggap akong sulat mula kay Auntie Mildred na kapatid ng mama ko
Na pwede ako dito sa mansion pero kinakailangan kong magtrabaho.
Napangiti ako nang kaunti dahil kahit na medyo di ko pa siya kilala may pag aasikaso na siyang ginawa. Naalala ko ang mga magulang ko.I guess I'm lucky then.
"At Allyssandra di ko pa pala nasasabi sayo"dugtong niya
"Po? Ang alin po Auntie?"tanong ko sa kanya
"Malapit nang dumating ang nagmamay ari ng mansion at bayan malapit nang dadating ang Pamilya Malvor"malumanay niyang saad
Kinabahan ako bigla,malapit ko nang makita ang nag mamay ari ng mansion at boung bayan.
"At Allyssandra kung tapos ka nang kumain ikaw na lang ang mag ligpit nitong ating pinagkainan,may kinakailangan lang akong gawin" sabi niya sabay tayo at agad na umalis
Di na ako nakasagut dahil sa kanyang agarang pag alis
Pagkatapos kong kumain agad akong pumunta sa kusina at nag hugas ng pinggan pagkatapos ay iniligpit ko na ang mga ito.
Napahinto ako nang maalala ang malapit na pagdating ng Pamilya Malvor
Di ko maintindihan ang aking nararamdaman bigla bumilis ang tibok ng puso ko,hindi ko alam pero dahil siguro sa kaba lalo nat alam kong malapit na ang kanilang pag dating dito sa mansion