" Mr.Albert"
"Allyssandra Eve Evaris"nagulat ako at agad na napalingon sa likod kung saan ako nakatayo pati na rin si Mr.Albert
bayagyang yumuko si Mr.Albert simbolo ng pag respeto
Paglingon ko,doon ko nakita ang isang magandang babae mga kasing edad lang ni Mr.Albert
Pormal,seryoso at kalmado lang ang kanyang imahe habang nakatingin sa akin
"Nakarating na pala kayo"saad niya
"My name's Mildred Williams I'm the sister of your mother and I'm the one who sended the letter"saad niya
Medyo nagulat ako,siya na pala ang Auntie ko ang kapatid ni mama medyo may hawig nga silang dalawa
Sa totoo lang ngayon ko lang siya nakita,kilala ko ang mga kapatid ni mama maliban sa kanya dahil nga maaga siyang umalis at pumunta dito sa bayan
"Isa ako sa tagapangisa ng mansion"dugtong niya
"Magandang Hapon po" saad ko sa kanya
"Natitiyak akong nabasa mo ang sulat na aking ipinadala"saad niya sa akin havang suot parin ang seryoso at kalmadong mukha
"Opo"sagot ko sa kanya
Ngumiti siya ng kaunti at nagsalita
"Kung ganon alam mo na ang kailangan mong gawin dito sa mansion"
"Opo"saad ko
"Nais ko lang ulitin ang huling bilin ko gaya ng nakasulat sa papel na ibinigay ko sa iyo"saad niya at napabuntong hininga
"Ang nag mamay ari nitong mansion at nag mamay ari ng bayan ay ang Malvor Clan"humakbang siya papalapit sa akin at nilibut ang paningin sa boung mansion
Tahimik lang akong nakatayo at Nanatili akong nakatingin sa kanya
"Alam kong mayruon kang pagtataka pero nais kong masunod mo ito.Pag darating ang Pamilyang Malvor huwag wag mo silang lalapitan.
"At huwag kang mag alala naipalam ko sa kanila na ikaw ay dadatung ngayong araw"
Saad niya na ngayoy naka totok na sa akin ng seryoso pero kalmado
"Opo,I understand,susundin ko po ang lahat nang bilin niyo"sagot ko na lamang sa kanya
Sa totoo lang,alam ko na dito ako magtatrabaho sa mansion ng Palmiya Malvor
alam ko na kung ano ang dapat kung gawin dito patungkol sa mga trabaho naisulat na iyon ni Auntie Mildren sa papel na aking nabasa.
Ang huli niyang bilin ay pagdumating ang Pamilya Malvor dito sa mansion huwag na wag akong lalapit sa kanila at kung may iuutos man, si Auntie Mildred na ang bahala sa kanila
Di pa rin mawala ang pagtataka ko.Bakit ganon,bakit di ko sila pwedeng lapitan at bakit ganon ang reaksyon ng mga taga bayan.they acting really weird.
Pakiramdam ko mag tinatago si Auntie Mildren at ang bayan.
Ano bang meron sa bayan na ito at ano bang Meron sa Pamilya na nagmamay ari sa mansion.pamilya Malvor.
Suddenly my head move as Auntie Mildred snapped her finger
"Mr.Albert please pakitahid na si Allyssandra sa kanyang magiging kwarto"
Yumuko si Mr.Albert at kinuha muli ang aking gamit at nagsimulang mag lakad
Yumuko ako kay Auntie Mildred bago tuluyang sumunod kay Mr. Albert
Tumapak ako sa malaking hagdan.malaki ang mansion hanggang ikatatlong palapag ang hagdanan nito
Sumunod lang ako kay Mr.Albert hanggang sa himinto kami sa pinakadulo ng hallway sa 2nd floor sa bandang kanan ng mansion ,sa tingin ko dito na ang magiging silid ko
"Miss Allyssandra dito na ang magiging kwarto mo" saad niya sa akin habang ako nakatingin sa harap ng malaking pinto ng kwarto
"Kung mayroon kang kailangan pwede kang magtanong sa amin ni Miss. Mildred"napatingin ako sa kanya at ngumiti
"Maraming salamat po"saad ko sa kanya at agad niyang tinugunan ng pagyuko
"Kailangan ko nang umalis"sambit niya at agad na naglakad pabalik
Malalim akong huminga bago binuksan ang pinto ng kwarto
"Wow" mahina kong saad dahil sa aking nakita pagkabukas ko ng pinto mamangha ako ng sobra
Ang lawak ng kwarto,para na itong bahay,pumasok ako at patuloy na inilibut ang mga mata sa paligid napatingin ako sa kama
Umupo at humiga ako dito,ang lambot ng kama malaki din ito halos apat o limang tao na ang kakasya dito.
Tumayo ako nang mapansin ko ang terrace ng kwarto dahan dahan akong lumabas at binuksan ang pinto sa terrace nang mabuksan ko ito
Masarap na presko ng hangin aking naramdaman,mas lalo akong lumapit at humawak sa railings nito
Napapikit ako dahil sa hangin na dumadapu sa mukha ko at dahilan na maiwagayway ang mahaba kong buhok
Napatingin ako sa kalangitan ang ganda,kulay kahel at ang araw ay bumababa na
Kahit andito ako sa ikalawang palapag ng mansion,pag sumilip ka sa bintana halos makita mo na rin ang buong bayan
Mula dito makikita mo rin Kakaunting mga tao sa labas ng gate ng mansion at mga sasakyang dumadaan.
I took a deep sigh
Sa totoo lang maganda ang bayan na ito pero kahit ganon di ko pa rin maiwasang mangamba.
"Beautiful but mysterious." mahina kong sambit habang nakatingin sa bayan.
I shake my head
"Allyssandra stay out of it,bago ka lang dito baka ganyan lang talaga sila dito" saad ko at pinagsisikapang maniwala sa sarili kong salita
Kahit na alam ko sa sarili at nararamdaman ko mayroon talagang kakaiba
Simula nang unang pag apak ko sa mansion pakiramdam koy ay may koneksyon ako dito
Di ko alam kung ano,bagay ba ito o sa mga tao.
Maiitim na langit so I decided to enter the room again
Kinuha ko ang aking maleta at sinimulang mag ayos at ilagay ito sa napakalaking aparador ng kwarto
Nang mailagay ko lahat ng gamit na dala ko,meron pa ring malawak na bakante na pwede pang paglagyan
"That's it,tapos na ako" saad ko.