Nanatili akong nakatayo at napaisip sa nangyari kanina
Bat biglang lumamig di ko rin maiwasang magtaka bat ganon ang kulay nila
Their very white. Ang puti nila kumpara sa normal na balat ng tao
Nawala aking pag iisip sa nangyari kanina nang naramdaman ko ang hangin isang malakas na hangin
Napatingin ako sa kalangitan mukang uulan ngayon.mangitim ngitim ang ulap.
Nagmadali akong lumbas dahil baka madatnan ako ng malakas na ulan
Wala akong dalang payong ngayon kaya kailangan kong magmadali
Nakikita ko rin ang iba na nagmamadali dahil siguro sa malakas na hangin at dahil sa malapit ng umulan
Lumabas ako ng gate at nagmadaling umuwi
And I'm lucky dahil nakapasok ako sa mansion bago pa umulan ng napakalakas
Pumasok ako sa mansion at nagsimulang humakbang sa hagdanan pero ilang hakbang palang nang nakasalubong ko si Auntie Mildred galing siya sa taas ng mansion
Kaya napatigil agad ako
"Auntie wala po kayo kanina kaya nagpaalam ako kay Mr.Albert na pupunta ako sa University"saad ko kay Auntie
"Nasabi nga sa akin ni Albert ang pag punta mo doon." Saad niya sa akin
"Saan po kayo pupunta Auntie?" Tanong ko nang mapansing may dala siyang payong.
"May kailangan lang akong bilhin para na rin sa paghahanda sa pagdating ng Pamilya,pero baka matagalan ako kaya kayo na muna ni Albert ang bahala dito sa mansion" bilin niya sa akin
"Opo" sagot ko at saka umalis na si Auntie Mildred
Nanatili akong nakatayo at agad na naisip ang Pamilyang darating sa mansion
Napahawak ako sa dibdib ko,bigla kong naramdaman ang kaba,agad kong naalala ang sabi ni Mr.Albert kanina
"Sa tingin ko Allyssandra ikaw ang mismo sa sarili mo ang makakakita at makakasabi kong anong klase silang Pamilya lalo na ang bawat isa sa kanila"
I shake my head and tried to calm my self
"Its fine Allyssandra kahit na man bumalik sila dito sa mansion di ka naman pwedeng lumapit sa kanila"saad ko na lamang sa sarili
Napabuntong hininga na lamang ako at nagsimulang umakyat sa hagdanan
Di pa ako nakapasok ng kwarto nang mapatingin uli ako sa mga pangalang nakaukit sa pader
"Malapit na kayong dumating dito,kinakabahan ako sa ano mang reaksyon niyo pag nakita niyo ako dito." Para akong baliw na nagsasalita sa sarili pero yan talaga ang nararamdaman ko
Kaba sa ano mang reaksyon nila sa akin
Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa narating ko na ang kwarto ko at agad na pumasok dito
Medyo naninibago pa rin ako sa bagong kwarto ko nasanay ako sa bahay ng kapatid ng papa ko
Napaupo ako sa kama at tamihik na nakatingin sa pader ng kwarto at ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na ulan mula sa labas
Ibinaling ko ang tingin sa bintana ng kwarto,nakikita ko ang malakas na patak ng ulan
Ilang minuto ang nakalipas at nagsimulang magbihis
At maglinis ng mansion,parte din ito ng paghahanda sa Pagdating ng pamilya Malvor.
Nagsimula ako sa pinakaunang palapag pumunta ako sa 3rd floor ng mansion
Ito ang unang beses na tumapak ako dito,nagsimula akong maglinis
Sa totoo lang hindi naman gaanong kailangan linisan ang sa loob ng mansion dahil malinis na ito,may iilang bahagi lang na maalikabok pero kaunti lang kahit sa mga kwarto dito sa 3rd floor
magaling na taga pangasiwa si Mr.Albert at si Auntie Mildred
Napa organize din ang mga gamit sa loob
At habang naglilinis napaisip din ako dahil sa sobrang laki ng mansion bakit silang dalawa lang ang andito at nagaalaga
Simula noong tumapak ako sa bayan na ito at sa mismong mansion ng pamilya Malvor
Maliban kina Mr.Albert at Auntie Mildred wala na akong nakitang mga maid o iba pang tagapangasiwa
At okay lang din naman kasi kahit silang dalawa lang maayos naman ang mansion
Kahit nong pumasok ako kanina sa mga kwarto namangha ako
Simple and immaculate.
Natapos na ang paglilinis sa 3rd floor at sumunod naman ako sa 2nd floor kasama na din sa kwartong tinutuluyan ko
Nag linis ako at gaya ng ikatatlong palapag medyo wala na ding kailangan linisin dahil malinis na ang bawat sulok dito.
Di pa ako natapos nang may napansin akong isang kwarto,ang huling kwarto sa ikalawang palapag sa kanang bahagi ng mansyon
sa lahat ng kwarto dito siya ang ang na iiba kahit ang disenyo nito.
Pumaroon ako at pinihit ko ang doorknob at bubuksan ko na sana ang kwarto nang
"Allyssandra" narinig ko ang boses ni Mr.Albert mula sa likuran ko
Bahagya akong nagulat at na humarap sa kanya,humakbang ako papalayo sa kwarto
"M-mr.Albert pasensya na po...yung k-kwarto..."nauutal kong sabi
Di pa ako natapos ng nagsita si Mr.Albert
"Kwarto yan ng bunsong anak ng Magulang na nagmamay ari nitong pamamahay" saad niya
napatingin na lamang uli ako sa kwartong bubuksan kona sana.
"Tapos kana sa paglilinis? Gutom ka ba?" Tanong niya habang nakatingin na sa akin na ngayong may ngiti na sa mukha.
Napangiti ako,ngayon ko lang nakita si Mr. Albert na ngumiti,ngiti ng galing sa puso.