Chapter Four

0 0 0
                                    

Paulit-ulit kong tinitignan ang relo at hinihintay ang paglipas ng mga oras. Naghihintay sa mensaheng kinasasabikan kong marinig. Mga salitang papawi sa sama ng loob na aking kinikimkim.

Kumuha ako ng litrato nung hapong iyon at ito ngayo'y nakapaskil sa harapan ko.

"Kamusta? Anong nangyari?" Paulit-ulit kong pagtipa sa cellphone. Walang akong kahit anong tugon na natanggap mula sa kaniya. Sa tabing dagat kung saan kami laging masaya, unang lumuha ang mga mata ko nang dahil sa kaniya.

Bumaba na ang araw at dumating ang takip-silim. Dahan-dahan kong nililisan ang lugar na iyon upang umuwi na. Walang buhay akong naglalakad nang bigla akong makatanggap ng mensahe sa kaniya. Nabuhayan ako na tila isang apoy na lumaki sa bagang nanghihina sa mitsa.

Isa-isang tumulo ang mga luha ko sa cellphone nang mabasa ko ang mensaheng iyon. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Gusto kong gisingin ang sarili ko sa isang masamang panaghinip na kinahahantungan ko ngayon, ngunit wala akong magagawa sa reyalidad na nakasulat sa aming mga palad.

"Tapusin na natin dito, pasensya na."

Mga salitang ito ang bumungad sa akin matapos ang ilang oras nang paghihintay. Mga salitang ito ang sumira sa ilang oras kong pag-asang babalik pa siya.

"Nakakainis," sambit ko.

"Ayan na naman yung sakit niya." Natawa si Jay sa mga sinambit ni Klitz. Kahit kelan wala talagang kwenta kausap tong kaibigan ko. Bakit ko ba naging kaibigan yan.

"Ganda-ganda ng sunset oh! Tsaka ang gaganda niyang kuha mo ngayon."

"Oo nga, bakit kaya ayaw mo niyan?" Tanong ni Jay.

"Ewan," sagot ko habang umiiyak.

Kanina pa kaming tatlo dito at kumukuha ng litratong gusto kong kunin bilang ika-anim na litrato para sa parating na exhibit sa susunod na araw.

Sobrang ganda ng langit at mga ulap ngayon. Kulay ginto ang sikat nito na para bang hindi ito palubog kundi pasikat pa lamang. Kung sarili ko ang tatanungin, sasabihin kong napakaganda nito ngunit kung puso ko ang magsasabi... wala, wala akong maramdaman. Sa unang pagkakataon, hindi ko nagustuhan ang paglubog ng araw.

"Tama na 'to."

Inilapag ko ang camera sa mga damo at naupo. Tahimik namang umupo sa tabi ko si Jay at Klitz at sabay-sabay naming pinagmasdan ang paglubog ng gintong araw sa kanluran.

"Alam mo, di rin kasi kagandahan yung sunset ngayon," sambit ni Klitz.

"Oo nga naman, 'wag kang mag-alala ayaw ko rin ng langit ngayon. Hindi maganda," dagdag naman ni Jay.

Alam kong sobrang ganda ng langit ngayon. Alam kong gandang-ganda sila sa mga nakikita nila. Ngunit alam ko ring mabubuti silang kaibigan kaya nila sinasabi ito. Para bang sinasabi nilang tama ako, sinasabi nilang hindi ako dapat mag-alala kung hindi ko makuha yung magandang litratong hinahanap ko.

"Matulog nalang tayo sa bahay, sagot ko na inumin," paganyaya ni Klitz.

"Kayo na munang dalawa," sagot ko. Agad namang umirap si Jay at tumingin sakin.

The First Time the Sunset Didn't Look Pretty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon