Nakalipas na ang tatlong taon at binalikan ko ang exhibit sa aming bayan. Kasalukuyan akong nasa ikatlong taon ko sa koleheyo at ngayon na lamang ulit nakabalik sa amin. Isa-isa kong tinignan ang nga litratong nakapaskil sa pader at ngumiti. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko ito tatlong taon na ang nakalipas.
Napahinto ako sa harap ng larawang hindi ko inaasahang makikita ko sa silid na ito noong araw na iyon. Nung una'y pinagsisihan kong hindi ko tinignan ang email na pinadala sa akin ni Sir Charles.
"May itatanong ako, Carol."
"Ano yun?"
Nagkukulay lila ang kalangitan at tunay ngang kakaiba ng hapong ito. Palapit na ang pagtatakip-silim ngunit hindi pa rin nililipasan ng liwanag ang paligid. Sa mahanging parke sa harap ng paaralan namin ay nakaupo kami habang nagtatawanan. Isang normal na hapon lamang kung iisipin ngunit isang pangyayari rito ang nagbago sa takbo ng buhay ko.
"Pwede ba kitang ligawan?"
Napatawa at habang tinitingala ang litratong ito.
"Di natapos?"
Napatingin ako sa kabilang direksyon nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Bumilis ang pagtibok ng puso ko habang tinitignan ang mukha niya.
Walang salita ang namagitan sa aming dalawa habang sabay naming tinititigan ang litratong ito. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko at nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Isang ngiti ang isinalubong niya sa akin habang gulat naman ang naramdaman ko.
"Hi."
"Hello."
Napatawa ako sa nangyayari at ganun rin siya. Nagkatinginan ako nang matagal habang nakangiti sa harap ng litrato naming dalawa.
"The tale of..."
BINABASA MO ANG
The First Time the Sunset Didn't Look Pretty
Cerita PendekA girl from a small town who was fond of taking pictures of the sunset pondered upon the memories had with the photos on her gallery. As she reminisce the vivid memories of every moment she had on the pictures, she suddenly felt like each photo is h...