"Nasaan ka ba? Di kita makita."
"Andito sa may hagdan, yung parang mini-stage sa gilid ng park."
"Wala ka naman dun."
"Sa gilid nun, nakaupo kami sa mga damo."
"Kita na kita." Agad niyang pinatay ang tawag at nakita ko siyang papalapit sa amin.
"Oh ayan na, miss na miss mo eh!" Sigaw ni Liza. "Oo nga! Hindi mapakali parang susunduin pa!" Dagdag pa ni Jerald.
Tinignan ko lang ng masama ang mga pabida kong kaibigan dahil pinapahiya na naman nila ako kay Rafael. Kasalukuyan kaming nakatambay sa park kung saan madalas kaming pumunta para magpahinga pagkatapos ng klase.
Maraming tao ang nasa paligid. Kanya-kanyang magkakaibigan, grupo, o kaya magkarelasyon ang nandito. Malapit lang sa school namin ang parke kaya madalas talagang lugar para magpahinga lalo na sa mga estudyante.
Hinihintay ko sa Rafael na makapunta dito dahil katatapos lang ng shift niya habang kumakain naman ng ice cream ang mga kaibigan ko. Magkasama naming hinihintay na lumubog ang araw bago kami umuwi para makapagpahinga bago humarap sa kaniya-kaniyang buhay. Masiyahin ang mga kaibigan ko pero marami rin silang dinadala kaya ginagawa namin lahat para magkaroon kami ng pagkakataong mag-usap.
Habang naglalaro sa malayo si Klitz, Jay, at Kenneth ay nakaupo naman kami ni Rafael kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Nakatitig sila sa tatlong mokong na kung ano-ano nalang ang ginagawa at pinagtatawanan dahil sa kakulitan nila.
Napansin ko ang katahimikan ni Rafael sa gilid kaya niyaya ko siyang pumunta sa isang spot na me medyo malayo sa mga kaibigan ko. Agad naman siyang sumama at naupo sa tabi ko.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Wala," maikling sagot niya.
"Sure? Tahimik mo e," dagdag ko pa.
"Opo, nahihiya lang ako sa nga kaibigan mo," sagot niya.
"Bakit ka naman nahihiya? Mababait naman yan ah, medyo matatabil lang dila pero ganyan talaga kami mag bonding. 'Di ka ba comfortable?"
"Hindi naman sa ganun, 'di ko lang talaga magawang magsalita pag may kasama tayong kaibigan mo," paglalahad niya.
"Sure ka?" Tanong ko ulit at sumandal sa balikat niya. Tumango naman siya at tumugon sa pagsandal ko sa pamamagitan ang pagsalo sa katawan ko.
Nanatili kaming ganun habang magkahawak kamay na pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Napangiti ako dahil randam ko ang bawat mabagal na paghinga niya. Lalo kong hinigpitan ang hawak at naramdaman kong ito na ang tamang pagkakataon para sabihin ang matagal ko nang gustong sabihin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kaya kinakabahan ako. Ngayon na kaya ang tamang pagkakataon?
"Raf," sambit ko.
"Hmm?" Imik niya. Naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa aking ulo kaya alam kong nakatingin siya sa akin. Hinimas niya ang kamay ko habang hinahawakan ito nang mahigpit kaya lalong lumakas ang loob ko.
"May sasabihin ako," tugon ko. Itinaas ko ang aking ulo at tumingin sa mga mata niya. Hindi ko na masyadong maaninag ang mukha niya dahil nagdidilim na ang langit at ang tanging kulay na lamang na nagmumula sa kalangitan ay pula. Ngunit ang mga mata niyang kasing linaw pa ng araw sa maaliwalas na kalangitan.
"Ano yun?" Hindi mapakali ang mga mata niya na tila ba'y pabalik-balik sa pagtingin sa mata at mga labi ko.
Huminga ako nang malalim at naghanda sa pagbigkas ng, "Si—"
BINABASA MO ANG
The First Time the Sunset Didn't Look Pretty
Historia CortaA girl from a small town who was fond of taking pictures of the sunset pondered upon the memories had with the photos on her gallery. As she reminisce the vivid memories of every moment she had on the pictures, she suddenly felt like each photo is h...