Chapter Three

0 0 0
                                    

Sobrang tahimik ng paligid na tila ba'y walang iba ang naririto kundi ako at ang mga buhangin sa dagat. Walang ibang maririnig kundi ang mga paghampas ng alon sa dalampasigan at ang katahimikang dala ng nag-aalala kong puso.

Pabalik-balik ako ng tingin sa suot kong relo habang pasulyap-sulyap sa paligid. Sa loob ng apat na oras na paghihintay kong makabalik siya ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. Kanina ko pa tinitiis na huwag maiyak dahil sa sobrang pag-aalala. Ngunit alam kong sa hindi mapipigil ang pag tangis na dala ng lumbay na dala ng waring hindi na siya babalik.

Pinahid ko ang mga luha sa aking mukha dahil sa kalungkutang naramdaman ko habang pinagmamasdan ang litrato at inaalala ang mga nangyari noong araw na iyon. Gabi-gabi kong iniiyakan ang mga alaalang iyon at nagtatanong kung iniiyakan din ba niya ang mga alaala namin noong araw na hindi na siya bumalik sa akin.

Add to folder?

Dahan-dahan kong ginalaw ang cursor sa laptop ko ngunit hindi ko magawa. Kaya kong piliin ang mga larawang may masasayang alaala namin pero hindi ko magawang gawin ito sa larawang ito. Isinara ko ang laptop at agad na nahiga. Tinitigan ko ang kisame nang walang kahit ano mang iniisip, blangkong nakatitig sa kawalan habang hinahayaang tumulo ang mga luhang namumuo sa aking mga mata.

"Nasan ka?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng chat messages ni Klitz.

"Nasa dagat," reply ko dito.

"Oh nagdadrama ka na naman diyan."

"Tangina mo," reply ko sabay baba ng chat heads niya.

Ito na muna siguro yung ilalagay kong picture. Isa to sa mga paborito ko kaya naglagay talaga ako ng espasyo para dito. Gusto ko sanang piliin to nang panghuli pero okay na rin siguro ngayon, para at least dalawang litrato na lang ang kailangan kong piliin.

Bumuntong hininga ako at isinara ang laptop

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumuntong hininga ako at isinara ang laptop. Hindi ko na masyadong namalayan ang oras nang magmasid-masid ako sa paligid. Tila kahapon lang nangyari ang lahat, parang kahapon lang rin natapos ito.

Iilang araw na lamang ang natitira bago magsimula ang exhibition at nasa kalahati pa lamang ang napipili kong litrato. Bakit kasi may alaala niya ang lahat?

"Kamusta?" Agad akong napalingon sa likod nang marinig ko ang boses ni Jay. Napabuntong hininga naman akong sumagot, "ito, naguguluhan."

Naupo si Jay sa tabi ko at ikinabit ang headphones niya. Magkasabay kaming nakaupo sa tabing dagat at tahimik na pinagmasdan ang paglubog ng araw.

"Alam mo kung nahihirapan kang pumili, bakit di ka nalang kumuha ng bago? Magaling ka naman sa pagkuha ng mga litrato kaya kahit anong araw pa yan, maganda rin ang kalalabasan ng gawa mo."

The First Time the Sunset Didn't Look Pretty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon