"Ang ganda ng mga kuha mo."
"Naman, kasing ganda ko yan e," tugon ko.
"Ew, pagpinupuri ka 'wag mo na dagdagan ng ibang mga kwento lalo na pag di totoo," pagsabat naman ni Klitz.
Agad kong kinuha ang matigas na unan sa kama ni Jay at ibinato kay Klitz na nakaupo sa gilid habang naglalaro sa cellphone niya. Sinalo niya lang ang unan at padabog akong tumalikod para bumalik sa paghahanap ng mga litrato.
"Try mo nga yan, mukhang maganda yan ilagay sa frame," sambit ni Jay habang itinuturo ang isang litrato sa laptop ko. Agad kong binuksan ang litrato pero dahil sa paghahang ng laptop ko ay hindi ito gumagalaw.
Pumipili kami ni Jay ng mga litrato mula sa mga litratong ipinadala ko bilang entry sa isang website na tumatanggap ng pictures para ilagay sa exhibit. Nagpasa ako ng entry at nagustuhan ito ng organization na nagtataguyod ng event kaya ngayon pinapapili nila ako ng pitong litrato na ilalagay sa art museum na itatayo sa lugar namin. Unang pagkakataon 'to na may magtatayo ng ganitong klaseng lugar sa amin kaya natutuwa akong napili ang mga litratong kuha ko.
Napabuntong hininga ako habang hinihintay na bumalik sa mabuti ang laptop ko. Hindi na nagagalaw yung cursor kaya di ko na muna ginalaw.
"Grabe, ang luma na nitong laptop mo. Naghahang na," ani ni Jay.
"Tapon mo na," sabat naman ni Klitz.
Tinitigan ko lang siya ng masama at tinitigan niya rin ako habang binibigyan ako ng middle finger. Talagang pag nahuli ko tong mokong na 'to makakatikom sa'kin 'to.
"Oh ayan na, gumalaw na." Agad kong tinignan ang screen at tumingin kay Jay. Mukha kasing mali yung na-click, hindi naman ito yung tinuro niya kanina ah.
"Hindi yan, yung isa yun," tugon niya.
Tinitigan ko ang litrato at nagustuhan ko ito. Parang may humihila sakin na ito ang piliin.
Palapit pa lamang ang kamay ni Jay ay agad ko itong pinigilan na palitan ang litratong nasa screen. Tinignan niya lang ako at binaling ang tingin niya sa litrato. Nakatitig lang ako sa litrato pero damang-dama ko ang simoy ng hangin na para bang nasa loob ako ng litrato.
Dahan-dahang pumasok sa isipan ko ang mga nangyari noong kinuha ko ang litratong ito. Gandang ganda ako noon sa paligid at kahit hindi pa lumulubog ang araw o nag-iibang kulay ang langit ay kumuha na ako ng litrato.
"Anong ginagawa ng camera mo diyan? Baka matapakan o mawala."
"Hayaan mo, nandito naman tayo. Di yan mawawala."
"Sure ka?"
Biglang naging malamig ang simoy ng hangin at nagtama ang mga mata namin. Hindi ko mawari ang ibig-sabihin ng sinabi niya, pero hinding-hindi ko rin maiaalis sa isip ko ang mga mata niyang nagmamahal. Sa mga tingin pa lamang, nagtitiwala na akong mahal niya ako at mamahalin ko rin siya.
"Ganda 'no?" Tanong niya.
"Sobra, sobrang ganda." Ngumiti ako at ibinaling ang tingin sa malawak na karagatan sa harapan namin.
Hindi ako makagalaw ng maayos dahil alam kong sa'kin pa rin siya nakatitig. Nanatili kaming ganun sa loob ng ilang minuto.
"Ehem," pag-imik niya.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Wala, medyo bumabara lang yung lalamunan ko kaya inayos ko," sagot niya.
Pinulot ko ang camera na nilagay ko sa buhangin. Pinipindot ko ito kanina para makakuha ng litrato. Agad kong tinignan ang mga larawang nakuha ko at agad ko itong nagustuhan.
BINABASA MO ANG
The First Time the Sunset Didn't Look Pretty
Historia CortaA girl from a small town who was fond of taking pictures of the sunset pondered upon the memories had with the photos on her gallery. As she reminisce the vivid memories of every moment she had on the pictures, she suddenly felt like each photo is h...