"No way and never!" sigaw ko sakanya, as if naman pasok sya sa mga gusto kong boyyet, mapili tong babaeng to no! Choosy ako!
"Hahahaha! I thought kagaya ka ng mga babae dyan, nakakita lang ng guwapo, gusto na agad nila. Wait... Baka nga isa ka talaga sa kanila eh, pakipot ka lang. Sa bagay, marami ding pakipot na babae, nagaassume na hahabulin sila ng mga lalake"
sabi ni isayoy na parang may pinaghuhugutan.
"Sadyang paasa lang kase yung mga lalake, isa pa, pagkatapos nilang pakinabangan, iiwan na sila." sabi ko sakanya habang nakatingin saakin."May pinaghuhugutan ka ba?" tanong nya saakin, napatingin naman ako sakanya "parang ikaw yung may pinaghugutan eh." sagot ko sakanya kahit parang hindi man sagot. Iniwas naman nya ang tingin nya saakin "alam mo ba kung bakit ako naging babaero?" anong klaseng tanong yun?"hindi syempre. Manghuhula ba ako para malaman ang past mo?" tumingin naman sya ng masama saakin. Ok tatahimik na nga ako."seryoso ako ng bata pa ako may naging first love ako." Ha? Uhmmm "bakit mo sinasabi saakin yan?" tanong ko sakanya. As if naman may pake ako sa buhay niya no? Close lang kame?
"kase, kamukha at kaugali mo sya." ok "kaso hindi pula ang buhok nya. Child hood bestfriend ko sya. Pero kahit gusto ko sya, hindi nya ako gusto. Mahal nya yung kuya ko na may asawa na. 4 years old palang nun kami. Alam mo ba kung pano ko sya nakilala?" nacurious naman ako."paano?" kagaya ng kung paano kita nakilala. Kaso hindi kagaya ng ginawa ko sayo yung ginawa ko sakanya. Umiyak nun sya kaya linapitan ko. Super close kaming dalawa. para ngang hindi na kami mapaghiwalay. Siya lagi an kasama ko every day, kaso... Patay na sya." nagulat ako sa sinabi nya. "bakit sya namatay?" tanong ko sakanya."dahil sa kuya ko" napansin kong kumunot ang noo nya kahit nasa taas pa sya at nakatingin sa langit." ba ang pagkakaalam ko is only child lang sya. "hindi ba only child ka lang?" napatingin naman sya saakin "oo kase patay na ang kuya ko." grabe naman. Nawala ang dalawa nyang mahal."paano sila namatay?" Tanong ko sakanya. "May letter kasing natanggap si shaine. Shaine ang pangalan nya. Letter mula sa kuya ko. At that time may gusto si shaine sakanya kahit magpapakasal na sya. seven palang si shaine noon, mas matanda ako sakanya ng isang taon. 28 naman si kuya ko. kaya nga maraming nagsasabi sakanya na hindi love ang nararamdaman ni shaine sakanya. Sa letter na yon, nakasulat na gusto syang makita ni kuya ko dahil may importante syang sasabihin. Sinabi ko naman sakanya na hindi ganun sulat ni kuya ko pero hindi sya nagpapigil. Yun ang huling araw na nakita ko syang buhay. Kinabukasan, nakita nalang namin syang walang buhay. Ang pinagtatakahan lang namin ay kung pano sya namatay dahil wala man syang kahit anong bakas ng pagkamatay nya. Kinabukasan, nalaman na hindi nga talaga ang kuya ko ang nagbigay ng sulat. Ang problema, walang bakas ng kahit anong fingerprints sa sulat, na parang hangin ang nagsulat. Pero kahit napatunayan ng hindi si kuya ko ang pumatay sakanya, parang may tinatago sya. At 3 days after mamatay si shaine, namatay din si kuya ko, kagaya ng pagkamatay ni shaine. Parang namatay nalang silang bigla. Hindi natuloy ang kasal ng kuya ko at soon to be wife nya sana. Pagkatapos noon,naging ganito na ako, pero pwede mong baguhin parang sa mga love stories." *wink* gagi tong lalaking to ah "wala akong balak pumasok sa realistic love story mo, may sarili akong story." sabi ko sakanya sabay snob. Alam ko namang isa syang playboy, at wala akong balak maging isang cheerleader sa buhay ng mga players. "pwede naman pagsamahan ang love story nating dalawa diba?" huh! As if naman papatol ako sa playboy na to. "No thanks, Im not interested, mahina ako sa sports para makisama sa mga players." sagot ko sakanya, hindi na sya nakapagsalita dahil bumaba na ako sa puno. Hindi na ako tumingala para tignan ulit sya. Sasayangin ko lang ang time ko para tignan sya.
Papasok na ako ng room ng nagring ang bell. Napagisipan ko na wag ng mapalapit sa isayoy na yun kagaya ng sinabi ni kuya drake at ate sarrah. Nagsimula ng magdiscuss ang prof. namin pero wala parin sya. Cutting pa. Kaya mga bata, wag nyong tutularan si isayoy. Kung hindi lang siya ang anak ng mayari ng eskuwelahan na ito siguradong expelled na yung gunggong na yun. Ganyan ang hirap sa mga mayayaman eh. After almost 25 mins. biglang bumukas ang pinto,speaking of the devil, nagkatinginan kami pero iniwas ko ang tingin ko sakanya. Well, kailangan ba naming magtitigan with background music and slow motion para mapakilig lang kayo? Umupo na sya sa... syempre sa upuan nya, alangan naman sa pader. Tae naman kase eh. Nakakabadtrip sya. Natapos ang klase pero walang bakas ng kaepalan nya ang umaaligid saakin. Sa bagay, bakit ba ako nagaassume eh baka nga isa lang ako sa mga pinagtitripan nya. Baka nga gawa gawa nya lang yung teary story nya eh, para mapalapit ang loob ko sakanya. Paglabas na ako ng school ng bigla akong hinarangan ng guard. "ikaw ba si miss Hana?" mukhang mahirap umiwas sa taong epal.
BINABASA MO ANG
Loving the Great Pretender
RomanceDESTINY Isang salita, isang salita na magpapaikot sa buhay at pamilya ni Aphrodite"Hana" Dizon at si Izayoi Mendoza na noo'y kilala bilang si Xavier Sanderson. Paano nga ba maibabalik ang nasirang relasyon o mas matatawag na sinirang relasyon nila H...