Sooo ayto ako ngayon, nakasakay sa sasakyan ni xavier, at nakatabi kay lola celine. And guess what? Nanglalambot na ako sa awkward aura dito sa kotse, wala saamin ang nagisip na magsalita, well siguro pagdating palang sa resto, doon palang kami maguusap. hayyyssss hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Napansin ako ni lola celine na hindi mapakali. "Are you ok dear?" tanong nyang mahinahon saakin.
"opo."
"sorry if I invited you to go out, alam ko namang pagod ka right now, but dont worry, agad ka ding makakauwi." tumango nalang ako habang nakasmile kay lola celine. Feeling ko tuloy, lola ko na sya, biruin nyo? Parang isang araw lang galit na galit saakin ngayon naman, grabe kung makatawag saakin ng DEAR??? Dinaig pa ang future boyfie ko!
Well,gusto ko naman siya pag ganito eh, feeling ko ang warm warm nya, ang sarap yakapin kahit matanda na't ulyanin.
Kumain kami sa isang fine dining restaurant na "Grand Palace" na super mahal! Buti nalang at libre. Super ganda pa! Halatang para sa mga mayayaman to. Pangalan palang, talbog kana! Yung mga tira tira ata dito, parang yung mga kinakain na sa mga karinderya eh. Then yung designs? Kuhang kuha ang kiliti ko! lagang lahat, as in lahat gusto ko! Parang ako lang ang namili sa designs nito. siguro yung may ari nito, kagayang kagaya ko.
Napansin ni lola kung gaano ako kamangha sa lugar na to. "This is one of my friends resto. Pinapamana nya ito sa apo nya. And yung apo nya pa nga ang nagdesigns nito. So girly, but that girl died in young age. nauna pa syang namatay sa kaibigan ko. And guess who she is? It's Shaina." ahh kaya naman pala kung makaiwas ng tingin si xavier halatang ayaw pagusapan.
Kumain lang kami and nagdaldalan ni lola celine. Si xavier? Ayun tahimik. Dahil siguro kay Shaina ang restaurant na to. Ang awkward naman kasi nun. Magdala ka ba naman ng babae sa lugar ng mahal mo? Although nagsasalita naman sya pag tinatanong siya. Napagusapan din namin ni lola Celine tungkol kay shaina at sa kuya ni Xavier. Kung pano daw kiligin si shaina and kung paano naman magselos si xavier. Also, kinuwento din nya nag love life niya! Kung paano nya nakilala ang lolo ni xavier, si lolo Edwardo. At kung paano siya niligawan nito. May pagka babaero din pala si lolo Edwardo pero sa dulo, si lola celine parin ang minahal nya ng husto or may I say, ang forever nya.
hayyy. Kailan kaya darating yung saakin? Meron kaya ako? -,-
"what's wrong iha?" tanong ni lola celine. "wala lang po lola, ang ganda naman dito, lahat ng gusto kong designs nandito!" natawa naman si lola. "kagayang kagaya mo talaga si shaina. Kung buhay lang sya at nagkakilala kayo, siguradong makakaclose mo yun." napangiti nalang ako sa sinabi nya. Si xavier naman, nagsaksak nalang ng earphone habang kumakain. haaay, boring palang kasama tong lalaking to eh.
Hinatid na ako nila xavier saamin. Pagkapasok ko, si kuya james nalang ang gising. Ayun nanunuod ng TV. "wow, ang aga mong umuwi ah." sarcastic nyang sabi saakin. "sorry na, ganun talaga pag magaganda." inisnob ako ni kuya at pinatay nya na ang TV. Sus, hinintay lang pala akong umuwi. Napasmile nalang ako at naglakad papuntang hagdan, pero di pa man ako nakakaakyat, pinigilan na ko ni kuya. "anong feel mo hana? Ikaw maglock at magpatay ng ilaw, ikaw na nga lang hinintay, papagawa mo pa saakin yang dapat mong gawin." then ayun, inunahan na na ako sa pagakyat. tsk tsk. ok na sana eh, nabusit pa -.-
BINABASA MO ANG
Loving the Great Pretender
RomanceDESTINY Isang salita, isang salita na magpapaikot sa buhay at pamilya ni Aphrodite"Hana" Dizon at si Izayoi Mendoza na noo'y kilala bilang si Xavier Sanderson. Paano nga ba maibabalik ang nasirang relasyon o mas matatawag na sinirang relasyon nila H...