Part 8

8 2 0
                                    

kriiiiiinnnnnnnnngggggggggggggg krrrrrrrrrrrrinnnnnnnnnnnggggggggggggggg! ang fufu naman ng orasan na yan! Kahit si sleeping beauty magigising sa lakas ng busit na orasan na yan eh! "oyy panget gising na!" isa pa tong kuya ko na kauma umaga sinisira na agad ang araw ko. "10 minutes!" sigaw ko sakanya kahit asa tapat lang siya ng pinto ko, "isa! drake oh! tignan mo si hana! ayaw gumising!' bigla naman akong napaupo sa kama ko sa sigaw ng kuya ko, tinignan ko naman siya ng masama "kuya nakagising na ako!"sigaw ko kay kuya drake sa baba baka marinig niya ako. Pesteng bakla to, kung di lang talaga ako mas bata sakanya, malamang ang sarap sarap ng buhay ko, minsan nga iniisip ko kung ampon yan o hindi eh. Hindi ko alam pero bigla nalang pumasok sa isip ko yung nangyari kahapon, GOSH!Now I know what the move-oners feel. Well hindi ko alam ang tawag sa mga taong nagmomove-on so I thought move-oners may do.

Dumiretso nalang ako sa anyo at inisnob na lamang siya, napailing nalamang siya at bumaba na. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako, naggood morning ako sakanila at ganun din naman sila saakin. "tara na hana" yaya saakin ni kuya drake na palabas na ng pintuan kasama si ate sarrah. Ngayon ko lang napansin, kung hindi lan magkapatid si kuya drake at ate sarrah,bagay sila.

Paglabas ko ng sasakyan, kasabay naman ng pagpapark ng red and black na sasakyan. And guess what? Si isayoy lang naman ang bumaba ng sasakyan, at ano pang trip niya ha? May pashades shades pa siyang nalalaman eh tinted yung sasakyan niya, sa sobrang pagkatinted, parang pati sa loob tinted din. Napatingin siya saaming tatlo then tinignan niya ako at nagsmirk. Bagay sakanya ah? Yung smirk na pangdemonyo. Hah! Bagay na bagay!

"leave her to me sir drake, miss pres." huh? EEEHHH? Anong meron??? Tinignan ko lang siya ng what-does-that-mean-look pero parang wala lang siyang pake at tumingin kay ate sarrah at kuya drake. Nagsmile lang si ate sarrah at tumango naman si kuya drake. "take care of her." ano to kasal? Si kuya drake ang tatay? Tumin naman si kuya drake saakin and kiniss ako sa noo, nagbabye lang si ate sarrah saakin at sabay silang umalis. "what was that for isayoy?" tanong ko sakanya while nakataas ang isa kong kilay at nakapamewang pa ha? "my name is izayoi not isayoy" sabi niya saakin. WOW ha, change topic pa, "ang hirap kayang banggitin, at ilang beses na kitang tinatawag na isayoy pero ngayon mo lang napansin?" with matching taas kila pa ulit yan ah. "I just thought na mas gusto kong tawagin mo akong xavier" Xavier? Ang layo naman ata nun sa isayoy ah? "Bakit Xavier?" tanong ko sakanya. "It's really my real name." weeeeh? Di man niyan eeh. "eh sa records mo isayoy an pangalan mo." "Yeah, but my closest friends call me xavier because they know my story." bigla naman akong napa atras sa sinabi niya "Hoy lalake! Masyado ka nang FC ah! Di pa tayo close napunta na agad ako sa closest?" What the-tinawanan ba naman ako. "What I mean is kaysa sa tawagin mo akong akong isayoy, Xavier nalang." ahhh kaya pala. Ang feelingera mo naman hana! "Fine!" sabi ko sabay lagpas sakanya para makapunta na ng room, nakakahiya kaya, baka nga iniisip niya ang feelingera ko! And worst, baka kamatis na ako ngayon! Napansin ko naman na sumusunod siya saakin, well what could I do? he's my classmate. Pagbukas ko ng room, hindi ko nakita ang kuya ko,kaya maiingay ang mga classmates namin, linampasan naman ako ni isay-Xavier dahil pumuna na siya sa mga barkada niya. I scanned the room to find her, asan siya? asan si Cheska? Biglang bumukas ang pintuan at nagsitahimik ang lahat, habang ako hinahanap parin siya, hindi ko na tinignan kung sino ang dumating kahit na nakatalikod pa ako sakanya dahil alam ko na kung sino iyon, dirediretso na lamang akong pumunta sa kinauupuan ko, nagula ako ng nakita ko si Ches na kasama si kuya drake? And one more thing! Mas kamatis siya kaysa saakin kanina! Hmmmm I smell something fishy! Nang nakita naman niya ako, dali dali siyang umupo katabi ng inuupuan ko, "Bat may kamatis dito?" pangbubuysit ko sakanya, pero nagkunwari pang walang narinig ang loka loka. Napasmirk nalang ako at hinayaan siya. Lumipas ang mga oras at lunch na din, sa wakas! Nagtext saakin si kuya drake na sabay daw kaming maglunch sa canteen, "ches!" tawag ko sakanya habang nagaayos ng gamit. "let's go" syempre dahil bestfriend ko siya,sabay kaming kumakain. Perfect timing dahil kasabay ko si kuya! this time, sisiguraduhin ko kung bakit ako nagkaron ng kamatis na kaklase kanina sa first sem. ko. Nakita kong nakaupo na si kuya sa medyo sulok with four seats. And hindi niya kami nakikita dahil nakatalikod sya. Napansin ni ches na may tinitignan ako then ng tinignan niya, bumalik na naman ang pagkakamatis niya,"sabay daw tayong kumain sakanya" sitsit ko sakanya na nagpausok naman ng ilong niya. Grabe namang kiligin to. Umorder na kami ng pakain, ng nasa likod na kami ng kuya ko, may naisip ako, pinahawak ko muna yung tray kay cheska. "Boo!" sigaw ko sakanya na siya lang makakarinig but... Hindi man lang siya nagulat, as suspected, ganon ang mangyayari. Napatingin lang siya saakin and then kay cheska. "Oh, I forgot to tell you-" sabi ko kay kuya"She's cheska, my bestfriend" Napatingin naman ako kay cheska. "Cheska, my brother." kahit alam kong no need nang ipakilala sila sa isa't isa,kailangan kase part iyon ng plano ko. Yep! May plano ako, at iyon ay ang malaman kung anong relasyon nila sa isa't isa.

agad akong umupo sa harapan ng kuya ko at linagay ang gamit ko sa next chair ko. Mahirap na, baka masira pa plano ko. Nagulat naman ang kuya ko sa ginawa ko at tinaasan ba naman ako ng kilay! Pinandilatan ko nalang siya pero napansin kong nakatayo parin si cheska. "ches, wala ka bang balak na umupo? Dun oh sa tabi ni kuya." sabay turo sa upuan na sinasabi ko, aba't naging toro na! Hindi lang ilong ang umuusok, pati narin ang tenga! Nahalata naman ni kuya ang mga ginagawa ko at napaface palm nalang siya, "let's e-" napatigil ako dahil biglang may nagpull ng upuan na katabi ko kung saan nakalagay ang bag ko. Pagkakita ko kung sino ang nagtulak, aba't si "xavier" pala! napatitig naman siya saakin at nagsmirk "good thing nasasanay kana sa pagtawag saakin ng xavier, I more like it, mas attractive." Aba't may balak pa ata itong magseduce sa harap ng bestfriend at kuya ko. pagtingin ko sakanila nakasmirk na din ang kuya ko at nagtataka naman si cheska. tumingin ulit ako kay xavier at sinabing"sorry, but that place is taken." "for whom?" tanong niya. "for my bag" sagot ko naman. "I asked for whom not for what." "I don't care, I said this is taken and that's final." sabay snob sakanya. "hana, hayaan mo na syang umupo dyan, there's no other seats." ughhh kampi kapa sakanya kuya. "fine." madiin kong sinabi at inalis ang bag ko. Ayan tuloy pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"so this is like a double date." at ang feelingera pa nitong isayoy/xavier na to ah? Hindi ko nalang siya pinansin. Ayan tuloy paano ko na gagawin ang plano ko kung nandito tong lalaking to? "anyway ches, wanna go to our house? We can have a sleep over! Sabay nating gawin yung mga homeworks natin!" I said while giggling. "sure!" sagot naman niya. "but hana, may project tayo sa literature and I am your partner." aba't pati ba naman to sisirain namin. "S-K-Y-P-E, I'll give you my account later" sabay snob ulit, napailing na lang siya. 

Kinagabihan, dumating na si cheska, we do all our homeworks and kausap ko na ngayon si xavier sa skype. "ok lang ba kung papalitan ko to?" tanong niya saakin sabay turo sa isang sentence. "sure"

natapos na namin ang project namin sa literature pero wala parin atang balak tong lalaking to na  tapusin yung pag uusap namin. "so, dadating ulit yung lola ko sa sabado. You should be here." napasigh nalang ako. "masyado ka ng FC. Baka nakakalimutan mo, I still hate you for blackmailing me and hindi pa tayo close." napatawa naman siya ng malakas, anung akala niya? Nagpapatawa ako? Eh wala man ngang nakakatawa sa sinabi ko eh, psycho kaya tong lalaking to? "bye" sabi niya sabay offline. Buti naman at pinatay niya na. Lumapit ako kay cheska na kasalukuyang nagbabasa ng mga novel books. "anong meron sainyo ni kuya?" dirediretsong tanong ko sakanya,ayaw kong may paliguy ligoy pa.  Nag blush nanaman siya na para bang nahihiya pa "u-eh-a-ano, ka-kase-"nauutal na sabi nya, nagsmile nalang ako sakanya."kung ano mang relasyon niyo ni kuya, its fine, you're sweet, alam kong magugustuhan ka nya." sabi ko habang nakatingala, bakit ba ako nakatingala? eh white na kisame lang naman nakikita ko. nagexhale naman siya na para bang nabunutan ng tinik pero hindi parin nawawala ang blush niya. "may crush ako kay prof. drake, I asked him to be my boyfriend" halata nga. "tapos?" "he declined me, he said he's a teacher and he love someone else." bigla naman akong nabilaukan. Si kuya? ?May love na? OMG! Nakakagulat yun ah! "sinabi niya ba kung sino?" tanong ko sakanya. "hindi eh, ayaw ko namang magtanong" naawa tuloy ako sa bestfriend ko. "hindi deserve ni kuya yang beauty mo, may mas deserving pa kaysa sakanya, open your eyes" yun nalang ang sinabi ko sakanya, ngumiti naman siya "mahirap magmove on hana." ano to? Kung makaasta naman siya ay parang naging sila. Tumayo nalang ak oat kumuha ng inumin sa ilalim, nakita ko naman si ate sarrah na nanunuod "you have a friend with you?" tanong niya saakin kahit nakatitig parin sa pinapanuod niya." yeah" sabi ko habang kumukuha ng tubig. "that's good, she's your first friend after all." this time nakatingin na siya saakin habang nagiismile. "crush niya si kuya drake." para namang wala man akong sinabi sakanya dahil wala man siyang reaction. sa bagay, hindi naman kataka taka na magkagusto siya kay kuya, eh siya ang heartthrob sa school kahit teacher na eh. "guess what kung anong sinagot niya?" nakuha ko naman ang atentsyon ni ate sarrah. "he's a professor and he already love someone! " sabay diin sa he already love someone. bigla namang nagulat si ate sa sobrang laki ng mata niya. "dapat pala hindi ko na sinabi yun sakanya" looks like my brother hear me, kasama niya si kuya james na nakatingin saamin. "sino ba yung love mo kuya?" tanong ni ate sarrah. Nagiwas naman ng tingin si kuya. "It's nothing" sabay backout. Napangiti naman si kuya james. "lumalandi kana drakey" pangungutsyaw ni kuya james sakanya. "don't call me drakey!"  sigaw niya habang naglalakad parin paalis. Suuus, sino kaya yun? Ang swerte naman niya!


Loving the Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon