Part 5

7 1 0
                                    

As expected,nandito ako ngayon sa harapan ng pinto ng music room. Pinagiisipan kung papasok ba ako o hindi, dahil alam ko na pagpasok ko sa pintong ito ay kasabay din ng pagpasok ko sa isang magulong mundo kung saan makakasama ko ang ayaw kong makasama. Dahan dahan kong binuksan ang pinto,dahil baka ano pang patibong ang linagay ni izayoi dito. Kung kasama ko lang sana si kuya drake,hindi ako kakabahan ng ganito. At voala! Walang patibong, walang video cam, walang kung ano mang delikado maliban sa lalaking nakaupo malapit sa bintana. "anong meron?" tanong ko sakanya.


 "lapit ka" hala, baka biglang magsara yung pinto pag pasok ko. "walang patibong or kung ano mang iniisip mo. Ako lang nandito." manghuhula ba tong lalaking to? Wala na akong magagawa kaya, lumapit nalang ako. Napansin kong may hawak hawak sya. Ayto na nga ba ang sinasabi ko eh. "ano bang kailangan mo?" tanong ko sakanya. "Im a straight forward person kaya sasabihin ko na lahat ng gusto kong sabihin. I want to make a deal for you." Sinasabi ko na nga ba eh. "Im not interested." sabi ko sakanya sabay backout,palabas na ako ng biglang may umataki saaking papel, well don't underestimate me. Kinuha ko ang papel gamit and dalawa kong daliri ng malapit na itong tumama saakin. "as expected from the perfect family." hala! Pati ata info. ng family ko alam nya. Bigla nalang ako kinabahan ng bigla sya ngumiti. "I know your secret. "

I stand frozen ng narinig ko ang sinabi nya. "ano bang deal yang gusto mo?" tanong ko sakanya ng pasigaw. "oh! One of the perfect girl is now unperfect, nainis ko ata sya?" this freak. He's teasing me. "first day of class pa lang, naging unperfect na ako dahil sa- sa--- bastat yon! at isa ka pa sa mga dumagdag! Ano na kase yang deal na yan?" tanong ko sakanya ng mas mahinahon. "be my girl friend for one month." the heck I will! 

"don't worry, sa family ko lang. Magpapanggap ka lang na si shaine." huh? Sabi ko na nga ba! Gawa gawa lang na namatay si shaine! Buhay pa talaga siya, sabay nga ako sa trip nito. "eh akala ko bang patay na?" tanong ko sakanya. "hindi alam ng lola ko na patay na siya, tinago namin ng daddy ko sakanya kase baka ano pang mangyari sakanya pag nalaman niyang patay na si shaine." sagot niya, mukhang hindi naman siya nagbibiro dahil bakas sa mukha niya ang pagiging seryoso. "ano bang mayroon kay shaine at dun sa lola mo?" 

"hindi ko alam, para kaseng apo na din ni lola si shaine, sobrang close sia, mas close pa sila kaysa saamin ni lola kaya minsan hindi ko maiwasang mainggit sakanya." aba, napaka ironic naman ng buhay ng lalaking to ah? kaya nga hindi ko alam kung totoo pa yung lumalabas sa bibig nito eh.

"pag magkikita kayo, kailangan mong idye yang buhok mo. ayaw ni lola ko sa pulang buhok. Alam mo naman kung anong mayroon sainyo." hmmmm well may point siya. after ng ironic niyang story, wala na akong nagawa kung hindi pumayag sa hiling niya. May magagawa pa ba ako?


Loving the Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon