3 weeks na ang nakalipas after magsimula ang deal na yon. As expected, priceless face parin ang pamilya ko,pero ang nakakapagtaka, wala na silang sinabi noon, parang hinayaan nalang nila ako na magpanggap na kami ni izayoi kapalit ng pananahimik nya. At ang mas masakit, ni si kuya drake hindi nagreklamo, parang walang kuwenta lang yung sinabi ko sakanila. Parang naglalaro lang kami. Pero sa bagay,medyo naiintindihan ko naman eh,hindi lang naman para sa sarili nila yon eh, para din naman saakin. Pero ng talagang nakakapagtaka ay kung bakit alam niya ang tungkol sa angkan namin. Pinuntahan ko si kuya drake sa kuwarto nya. Gusto ko syang kausapin. Gusto kong maliwanagan sa lahat ng nangyayari ngayon. Papasok palang ako sa kuwarto ng marinig kong naguusap si papa at si kuya. "opo. Baka mahiwalay sya saatin. Minahal ko na sya simula bata pa sya. Minahal ko sya bilang kapatid. Tinuring ko sya kagaya ng pagturing ko kay sa mga kapatid ko." Narinig kong sagot ni kuya na para bang napakalungkot nya. Sino ba kase yung sinasabihan nya noon na tinuring nyang kapatid kagaya ng pagturing nya saamin? Habang kausap ko ang sarili ko, hindi ko namalayan na binuksan ko na ang pinto ng kuya ko. Napansin kong nagulat sila saakin. "S-sorry. Naguusap pala kayong dalawa. Kakausapin ko sana si kuya. Geh...Bye ha-ha." Agad kong sinarado ang pinto. Pagkatapos noon, binalakan ko sanang kausapin si ate sarrah. Kaso ang problema, baka sya ang pinaguusapan nila kuya na tinuring na kapatid. Kaya naisipan kong si kuya James nalang ang puntahan ko. Agad agad akong pumasok sa kuwarto nya na puno ng mga lalake. Atleast tanggap ni daddy na bakla sya. Nakita ko sya sa kama na na pink and purple na mas girly pa kaysa sa kama ko. Nakita ko syang nagbabasa ng FHM magazine. For sure lalaki ang tinitignan nun. Or kung hindi man, mga damit ng mga babae. "kuya?" napatingin sya saakin. Grabe naman, ganun ba sya kainteresado sa magazine nya para hindi nya ako mapansin na pumasok sa kuwarto nya? Napansin nya naman seryoso ko siyang tinawag kaya naman nagseryoso din sya. Umupo sya at sinenyasan nya akong umupo sa tabi nya. "bakit alam ni Izayoi yung sikreto ng angkan natin?" hindi parin inaalis ni kuya ang tingin nya saakin. Mukhang talagang pinagiisipan nya yung tanong ko sakanya. "well. Hindi lang naman kase tayo yung nakakaalam nun."Sabi ni kuya ko. Ano ba talaga kase yung story ng angkan namin? "Bakit ba kase tayo naging ganito?" tanong ko sa kuya ko. "ang alam ko lang ay isinupa ang mga ninuno natin, dati, isa ang angkan natin sa mga pinakamayaman at pinakamataas na namumuno sa buong mundo, pero ang maraming nagagalit sa angkan natin dahil ni minsan daw ay hindi man sila tumulong sa mga taong naghihirap, pero ang totoo, walang pilya silang nagbibigay ng tulong sa mga ito, ngunit walang umaabot sakanila, hanggang dumating ang panahon na nalaman nila na kinukupit pala ng tagapagbigay ang pera na ibinibigay nila sa mga mahihirap, at dahil doon, nakulong ang tagapagbigay na iyon, ang pagkakaalam ko ay 'Dian' ang pangalan nya." sagot ng kuya ko, pero anong connect? "kuya ang tinatanong ko kung bakit tayo naging ganito?" tanong ko sakanya. "ewan ko nga, basta't yun daw ang dahilan." hindi ko na itinuloy ang paguusap namin dahil lumabas na agad ako ng kuwarto ni kuya James,well di naman ako sanay na magbyebye sakanya pag aalis ako. "close the door" pahabol pa niya habang hawak ko pa ang doorknob. dali dali akong umakyat sa kuwarto ko. Agad akong dumiretso sa banyo pagpasok ko sa kuwarto ko. Ang dami ko parin talagang hindi naiintindihan tungkol sa buhay ko,bastat ang alam ko, kaiangan kong magprepare dahil isang IZAYOI MENDOZA ang magpapabago at magpapahamak sa buhay ko.
KINABUKASAN
Saturday ngayon kaya nasa bahay lang ako,nagmomovie kami ni ate sarrah ng mga bagong labas na movie like inside out and pixel ng bigang may tumunog. "ata sarrah yung phone mo." sabi ko sakanya habang nakatingin sa TV, agad nya naman pinakita yung phone niya na para bang sinasabi niya na hindi sakanya iyon. pagtingin ko sa phone ko, aba! akin nga yung tumutunog,pero wait, hindi naman yun yung ringtone ko ah. 'winkle twinkle little star' yung ringtone ko,bakit naging pangpatay?nakita ko sa screen na si izayoi yung nagcacall. hmmmm. nakakatamad sagutin,wag na nga. Tinuloy ko nalang ang panunuod. "sino yun?" tanong ni ate sarrah saakin. "ah wala. friend ko lang."sabi ko sakanya habang naghahanap ako ng susunod naming panunuorin."eh bat di mo sinagot?" kulit niya pa saakin."wala naman kuwenta sasabihin nun, halos araw araw na siyang nangungulit sakin, ganun ba talaga ako kasarap busitin, hindi din sadist yung ta-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla ulit siyang nagcall. "sagutin mo na,baka importante yung sasabihin niya." haaay, wala na akong nagawa dahil si ate ko na mismo ang nagsabi. Pagkasagot ko.
"why did you not answer my call?" grabe ah,kakacall ko palang,nagtitimping boses na agad narinig ko?
"sinagot ko naman ah?"
"what I mean is the first call???"
"busy ako eh, di naman lahat ng time kailangan sinasagot ko." nakuha ko na tuloy yung attention ni ate sarrah. she give me a is-there-something-wrong look. I just raised my hands a a sign that Im OK.
"asa SM ako, I'll give you 50 minutes to come here."
"WHAT???" with matching tayo pa sa place ko. Anung problema nitong lalaking to? Ang lakas ng trip ah? This time, bigla namang nagsmirk si ate sarrah. the hell?.
"oh aangal ka? OK lang naman saakin."
"ughhh fine fine! pupunta na ako diyan!" kainis! sabay bagsak ko sa phone ko.
"what happened?" tanong ni ate sarrah.
"may pupuntahan muna ako,importante daw." sarcastic kong sabi specially dun sa last word.
"si Izayoi no?" sabi niya sakin with matching sundot sa tagiliran.
"ughhh. wala ka na don ate." sabay back out at pumasok na ako sa banyo. bahala siya sa 50 minutes niya. As if uto uto ako para pumunta doon within 50 minutes. Eh isang oras nga ako naliligo eh.
pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Nag crop top lang ako at maong short. Pagdating ko sa mall, kinall ko siya agad para mainform na nandito na ako.
"punta ka sa labas ng forever 21 ASAP." wow ah? Hindi siya dry. pagkasagot na pagkasagot niya di pa man ako nagsasalita yun na agad yung sinabi niya. hindi lang iyon! Pagkasabi niya nun agad niya ng pinatay yung phone niya! what the hell? Ang sweet niya ah?
Walang gana akong pumunta sa store na sinabi niya, malayo palang ako, kinikilabutan na ako sa titig niya. kung nakakapanget lang yung titig niya, malamang maganda parin ako. Dahil ang kagandahan ko ang magpapatunay sa forever na yan. Tinignan ko din siya ng masama habang papalapit ako sakanya.
"What's with that look?" tanong ko sakanya.
"well ang aga mo kase. dinoble mo yung 50 minutes." sarcastic niyang sabi.
"ikaw na nga lang itong biglang tatawag saakin habang nagmomovie date kami ng ate ko tapos ikaw pang may ganang magreklamo? Wow anh? Nahiya naman ako sayo." sabi ko sabay snob.
"let's end this war at mamili ka na ng damit sa loob, time is running." anung problema nito? Imbes na sundan ko yung pinapagawa niya ay binigyan ko lang siya ng di-ko-gets look.
"we'll have a dinner at my father's house, remember the deal? Dumating na ang lola ko, ang she probably miss y- I mean shaina" bigla nalang siyang tumawag ng assistance para iassist ako sa paghahanap ng damit.pagkatapos kong mamili ng damit ay sa salon naman kami pumunta. pinadye yung buhok ko,but not permanent. Well. I hope this will not turn into a disaster.
BINABASA MO ANG
Loving the Great Pretender
Roman d'amourDESTINY Isang salita, isang salita na magpapaikot sa buhay at pamilya ni Aphrodite"Hana" Dizon at si Izayoi Mendoza na noo'y kilala bilang si Xavier Sanderson. Paano nga ba maibabalik ang nasirang relasyon o mas matatawag na sinirang relasyon nila H...