Chapter 4

6 2 0
                                    

Sera's Pov

Nakaimpake na ako't lahat lahat pero itong pinsan ko ayaw bitawan ang kamay ko. Hindi naman daw sa wala siyang tiwala pero baka daw mapahamak ako. I assured him that nothing will happen to me. I will come home safe.

"Kumain ka ng maayos okay? wag kang magpapagutom . Wag kang magpupuyat ikaw din papangit ka. Wala akong pinsang pangit. "

"yes po opo okay na po?"

ang kulit naman kasi ni kuya. Kanina pa siya paulit ulit ng bilin.

"call me when you get there okay?"

"Opo"

"ingat ka princess!"

"thank you! kayo din. Wag iinom masyado!"

tumango nalang si kuya. He then let go of my hand kaya umandar na ang sasakyan. I keep waving hangang sa hindi ko na sila matanaw. I'll miss them.

Nakarating kami sa airport ng saktong oras. Pinabalik ko na yung driver namin tsaka pumasok na ako sa eroplano. 30 minutes had passed at nakarating na ako sa aking pupuntahan. Welcome back self! It's been a while.

Nakakamiss ang lugar na ito pero hindi ang ala-alang iniwan sa aking isipan. Yes, naaalala ko na ng kaunti ang ibang nangyari sa akin noon.

Sumakay na ako ng jeep papuntang downtown. Naghanap muna ako ng matutuluyan. Buti nalang naalala ko may susi pala na binigay sakin si kuya. If ever daw na wala akong mahanap na matutuluyan, dun nalang ako magstay sa bahay niya.Nagpakyaw na ako ng tricycle at bumaba sa isang private subdivision. Isang two story house na kulay itim. Black din ang glass niya kaya hindi mo maaaninag kung anong meron sa loob. Simple lang siya sa labas tingan pero pagpasok mo palang ay malulula kana sa ganda ng lugar. Hindi siya gaanong malawak pero may hardin ng iba't-ibang bulaklak, may mga paro-parong nagliliparan sa puno, may fountain, may mini park at pool din. Iba din talaga tong si kuya. Pagkarating ko ay pumasok na agad ako. Nilock ko muna yung pinto bago dumeretso sa kwarto at inayos yung mga dala ko. Pagkatapos ay naligo.

Pagkatapos kong maligo ay sumalampak ako sa sofa at binuksan yung tv. Napansin kong tumatagos ang sinag ng araw sa aking mukha kaya tumayo ako upang ayusin ang kurtina. Isasara ko na sana ito ng makita ko ang ganda ng view sa labas. Hindi ko ito napansin kanina. Sabagay nasa likod naman kasi ito ng bahay.

Mula sa verandang ito ay makikita mo ang malawak na karagatan , maaliwalas na kalangitan, mga malayang ibong lumilipad at mga mangingisda sa di kakayuan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mula sa verandang ito ay makikita mo ang malawak na karagatan , maaliwalas na kalangitan, mga malayang ibong lumilipad at mga mangingisda sa di kakayuan. I really love the view. Baka ito ang maging dahilan ng aking matagal na bakasyon.

*phone rings

"Hello? princess nakarating ka na ba?  kumusta ? ayos ba? nagustuhan mo ba ?"

When Our Stars CollideWhere stories live. Discover now