Hindi na bago sa 'kin ang mararahang kalmot sa likuran
Hagilap ng aking pangil ang malikot na lapastangan
Buhay ng tao ang ginagawang pamantayan
Mababa ang tingin kung salat ang 'yong kaalaman
Mas kahiya hiya iyong nagbibigay opinyon na walang koneksiyon sa paksa
Nagmamarunong, ngunit kritisismo animo'y puro tama
Mga salitang nahulma lang dahil sa mga likas na mapangutya
Pribilihiyo pa raw ang maitama ng mga kritiko ang asta
Kritiko na ura-urada kung manghusga
Mga pinagsasabi na nakakasugat ng tengang magkabila
Baluktot na pahayag, sa kanila ay tama
Hirap itama ang lupaypay nilang talata
Mga nagmamalalim o sadyang hindi makaintindi
Kung may pagkakataon pa'y itinataas ang sarili
Tipong may dalang kaalaman pero katangahan ang kinunsinti
Kung nalamon ka ng ganid ay mas lalong wala kang silbi
At Kung nanaiisin mo mang kumaripas papalayo
Dito ka tumungo sa pook na hindi distrito ng mga kritiko
Na kung saan walang daluyong na lalamon sa'yo ng buo
Walang dagitab ng baluktot na salita ang maririnig mo
BINABASA MO ANG
Xtras
RandomIn this context, I present to you "Xtras," an enthralling compilation of my literary endeavors. Through poems, short stories, and more, this anthology encapsulates my relentless pursuit of my artistic expression. These is my compiled work that does...
