027

52 4 2
                                    

My lips parted. “Anong ginagawa mo rito?!” Singhal ko.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay bumaling siya kay Hiraya at ngumiti.

“Hello, Hiraya! Kumusta ka?”

Isang beses itong tumango. “I’m fine. Thank you.”

“Huh?” I mumbled, confused.

Maging si Reign ay kumunot ang noo.  “Siya ‘yon?”

Tumikhim siya. “Pinsan ako ni Sat... at opo, ako ‘yon kung naikuwento na niya.” Ngumisi ulit si Jay.

Suminghal ako at tumayo, nagulat na lang siya nang hawakan ko ang pulso ko para hilahin siya palabas sa lugar. Binitiwan ko ang palapulsuhan ko nang makalabas kami. I am pissed.

“Are you stalking me?” Walang paligoy-ligoy na tanong ko.

Napakamot siya sa batok. “Medyo...”

“Bakit ba? Apat na araw mo na akong pinepeste.”

Ngumuso pa ito. “Grabe naman. Ibabalik ko lang sana ‘to,”

May kinuha siya mula sa bulsa ng polo shirt, ang crochet keychain ko. He even giggled while looking at it. Inilahad niya ang kamay habang nasa ibabaw ‘yon, hinihintay na ako mismo ang kumuha.

I scoffed. “Wow. Pinuntahan mo ako rito para riyan?”

Nanatili siyang nakanguso. “Hindi ako mapakali...”

I rolled my eyes and immediately pick the keychain up.

“Puwede ka nang umalis.” Saka siya tinalikuran.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang magsalita siyang muli. Bahagya akong tinubuan ng guilt nang marinig ang tono ng boses niya.

“Bakit ba inis na inis ka sa akin?”

Para siyang bata na ang tanging gusto lang ay makipagkaibigan pero palaging tinatanggihan.

“Hindi ako naiinis sa ‘yo.”

Pero sa ginawa mong biglang pag-iwan sa akin noong mga bata pa tayo ay oo. Hindi ka man lang nagpaalam at bigla na lang nawala. How could I ever forget everything about my first ever bestfriend?

⁽ଓ

(i) consequencesWhere stories live. Discover now