034

48 6 0
                                    

“Open, open,”

Napalingon ako sa grupo ng mga kalalakihang pumasok.

“CODM, ha. Kasawa na ML.”

It was Jay’s new circle of friends. Magkakahiwalay pala sila nina Sat.

I wonder why I don’t know him. Kaibigan pala siya ni Saturn na isang taon ko na ring kilala. Sa bagay, si Raya at Sat lang naman ang concern namin ni Reign kaya pati si Reign ay hindi kilala ang circle ni Sat.

“Jay, sali ka?”

“Si Jay pa ang tatanggi, e, gamer since birth ‘yan.”

“Dudurugin ko kayo.” Mayabang na usal ng nakangising si Jeremiah Yton.

Napatitig ako sa likod niya habang naglalakad sila papunta sa bakanteng mesa sa kabilang side.

As far as I can remember, the Jay I met when we were young is such a sweet, gentleman, and a very nice guy. Bit different now that he’s acting like... this. Palabiro, maloko, parang hindi nagseseryoso sa buhay. Kaya siguro hindi ko siya naalala agad hangga’t walang litratong ipinapakita.

He seemed still nice, tho. Pero mukhang babaero.

Ibinalik ko ang tingin sa kinakain nang maupo siya paharap sa gawi ko. Hindi maalis-alis ang tingin sa telepono at tumango lang sa sinabi ng kasama. Naiwan siyang mag-isa sa table, parang walang pakialam sa mundo.

Nag-angat siya ng tingin nang maibaba ang hawak. Pareho kaming nagulat nang mahuli ang tingin ng isa’t isa. Naging pairap ang pag-iwas ko habang agad siyang ngumisi. Sa isang iglap ay nasa harap ko na siya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil nakatitig siya at nakangisi na parang aliw na aliw. Nakakainis.

“Hindi pala rito sina Hiraya? Edi wala kang kasama buong taon?”

“Paki mo?” Pagsusungit ko.

He chuckled that made my grumpy face ease a bit. That sounds very familiar. Bakit ba bumabalik sa akin ang nakaraan?

“Boss, g na!” Tawag ng mga kasama niya at ipinakita ang screen ng phone.

Tumawa si Jay. “Pass, kayo na lang muna.”

“Sus, nambababae na naman. Isang linggo ba namang behave, e.” Gatong ng isa pa.

“Tanga, siya ‘yong ano...”

Nagkatinginan sila at nakuha ang ibigsabihin ng isa’t isa. Kumunot ang noo ko. Ako ‘yong ano?

“Stay strong po, Ate!”

I scoffed. Kung ano-ano sigurong kinukuwento nito tungkol sa akin sa mga kaibigan niya. Baka sinisiraan na niya ako. I sighed, nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng mabagal.

“Model ka na pala? Alam mo ba, wala akong balita sa ‘yo after mag-resign ni Mama. Felize kasi ang tawag ko sa ‘yo noon tapos Liz lang ang stage name mo, ‘di ba? Hindi ko alam ang buong pangalan mo. Pero Felize naman ‘yong facebook mo ngayon? Huh?” Pati siya ay naguluhan sa mga sinabi.

“Elys Buenaventura ang facebook account ko noon, kapapalit ko lang din into Felize.” Tinatamad kong sagot.

Bigla siyang natuwa. “Wow, shet. Kinakausap mo na ako ng mahinahon!”

I look up to him. I tilted my head as my eyes narrowed.

“Hinanap mo ako?”

“Oo naman! Noong nagka-facebook account ako, pangalan mo agad ang una kong isinearch kayo ibang tao ang lumalabas. Hindi na rin kita naipagtanong-tanong dahil doon din ako nagsimulang ma-expose sa mga video games at outdoor activities kaya masyado akong naging abala. Nawala ka sa isip ko bigla.”

I bit the insides of my cheeks. “Ah, gano’n.” Napatango na lang ako at bumalik sa pagkain.

Lumulan siya sa mesa at hinuli ang tingin ko. I just raised my brows.

“Pero alam mo, may mga gabi na tuwing papikit na papikit na ako, naiisip kita bigla.” Nakangiting aniya.

Nagtagal na magkapako ang tingin namin sa isa’t isa.  He’s just smiling all the time. Mukha naman siyang mabait, hindi boring kasama, masyado lang maraming sinasabi.

“Ang daldal mo.” Sumuko ako sa titig niya. “Ayoko sa golden retriever.” Bulong ko.

“Ayoko sa black cat.” Tumawa siya. “Black cat ka ba? Hindi. Pero kahit oo, okay lang. Gusto pa rin kita.”

⁽ଓ

(i) consequencesWhere stories live. Discover now