092

38 4 0
                                    

Dilim ang bumungad sa akin pagkabukas ng pinto nh condo niya. “Jay? Narito ka ba? Pinapunta mo ako tapos —”

“Happy birthday, Felize!”

Bumukas ang ilaw, may sumabog na confetti, at lumitaw ang mga tao sa may dining area. Nagulat ako nang makita si Mama... na katabi si Tita Janna. Ang mga kaibigan ko, sina Raf at Mitch at si... Papa ay narito.

Nasa gitna si Jay. May hawak na cake at may suot pa na party hat. Malawak ang ngiti niya akin. I rolled my eyes on him. Agad siyang inasar ng mga kaibigan niya.

“Liz?” Para na agad siyang naiiyak sa pagtawag niya.

Pinagkrus ko sa dibdib ang mga braso at pinagmasdan siyang magkumahog lumapit. I raised my brows.

“Buong araw mo akong hindi pinansin para rito? Nakakainis ka, akala ko, hindi mo alam o naalala.”

He chuckled as he hugged me. “Puwede ba ‘yon? Makakalimutan ko ang espesiyal na araw mo?”

“Special thanks kina Tita Fionna sa paggawa kay Felize,” biglang sabi na lang niya.

Ako ang nahihiya.

Nagkasiyahan na matapos ang pagbati. Hindi ko alam na narito si Mama, nasa bahay siya kaninang umaga noong nag-video call kami. Pati si Tita Janna ay narito rin. Make-up artist ko noon, future mother-in-law ko na ngayon, huh.

“Happpy birthday, anak,” Isang tango bilang tugon, sapat na.

Nagising ako sa ilang tapik. “Jay, gising. Mags-six na,”

Kumunot ang noo ko. Huh? Pupungas-pungas na naupo ako sa sofa.

“Tangina, weird ng panaginip ko. Ako raw si Felize sa birthday celebration na ‘to?”

Tumawa si Raf. “Kaka-Felize mo ‘yan.”

⁽ଓ

(i) consequencesWhere stories live. Discover now