061

40 3 1
                                    

“Mama?” Ang una kong hinanap pagdating na pagdating sa bahay.

“Elys?”

Ang hindi ko hinahanap ang bumungad sa akin. Nagmano pa rin ako at saka dumistansiya.

“Si Mama po?”

“May pinuntahan, maagang umalis.” Aniya na tinanguan ko na lang.

Ngumiti siya sa akin. “Nag-almusal ka na ba? Gusto mo ng kape? Teka, ipagtitim —”

“Kumain na po ako. Magpapahinga lang po ako sandali.”

Binitbit ko ang backpack saka dumiretso sa kuwarto ko.

Walong taon. Walong taon nang malayo ang loob ko sa kaniya simula noong malaman kong nambabae siya. Na niloko niya si Mama simula noong wala pa akong muwang.

He’s been cheating for three years. I was seven when Mama decided to leave him. Doon kami napadpad sa La Union. Matapos ang tatlong taon, bumalik si Papa sa amin na parang walang nangyari. Roon ko lang unti-unting nalaman at naintindihan.

Masisis niya ba ako? Cheating means losing his family and love ones because who would favor him for doing a sin like that?

“Anak,”

Ipinikit ko ang mga mata nang marinig ang tawag niya. Hanggang sa marinig ko ang yabag niya papasok sa loob ng kuwarto ko. Pinanindigan ko na lang ang pagtutulug-tulugan. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya nang makaupo sa gilid ng kama ko.

“Naiintindihan ko...”

Dalawang salitang nagpasikdo ng puso ko. Hindi mo maiintindihan kahit kailan ang sakit na ipinaranas mo sa amin ni Mama.

“Hindi ako makapagpaliwanag dahil alam kong sa kahit anong anggulo, hindi makatarungan ang ginawa ko. Sana mapatawad mo pa si Papa. Maghihintay pa rin ako.”

Humikbi siya. Umiiyak siya.

“Kaya sa ngayon, iintindihin kita.”

⁽ଓ

(i) consequencesWhere stories live. Discover now