041

48 3 3
                                    

“Hindi ka ba hinahanap ng mga kaibigan mo?” I asked as he placed the tray on the table.

Umiling siya. “Kaya naman ng mga ‘yon na wala ako.”

I frowned. “Kaya ko rin naman?”

“Ouch,” tumawa siya.

Bumaba ang tingin ko sa ginagawa niya. Ipinaghihimay niya ako ng hipon. Hindi ko naman sinabing gawin niya? Akala ko kung bakit hindi niya ibinigay sa akin agad, may gagawin pa pala siya roon.

“Ako na kasi riyan, magdudumi ka pa.”

“Ako na. Ir-request ko talaga na balatan na ‘yong hipon bago lutuin. Like, hindi ba nila naiisip ‘yong struggles ng paghihimay nito? Hello? Estudyante ang pinapakain nila rito — hays, basta ipagbabalat pa rin kita.” Aniya habang umiikot ako para maupo sa tabi niya.

I chuckled in my mind. “Kulit mo.”

Pinanood ko lang siya sa ginagawa. It won’t take long, tho. Nalipat ang tingin ko sa bag niyang sa mesa nakapatong. Nakasabit doon ang crochet keychain na naiwan ko’t ibinigay ko na lang sa kaniya. I touched it, sandaling dumapo roon ang tingin niya.

“Ikaw ba ang gumagawa ng mga crochet keychain mo?” He asked.

“Oo. Since grade 9, noong natuto ako para sa TLE project namin.”

Kumunot ang noo niya. “Eh? Nakakapikon kaya gumawa. Daming paligoy-ligoy,”

“Ine-enjoy kasi dapat. Simula noong natuto ako, hindi ko na tinigilan hanggang sa basic na lang sa akin ang mag-crochet ng kahit anong design.”

Tumango-tango siya. “Binebenta mo?”

Umiling ako. Gumagawa ako para sa akin at sa mga kaibigan ko o kaya ay bilang pangregalo pero hindi ako nagbebenta.

“Kain na,”

Nakangiti niyang inilapag sa tapat ko ang plato na may lamang hipon na wala nang balat.

“Teka,” kumunot ang noo niya. “Naro’n ka kanina, ah? Bakit ka nariy — sit properly, Felize.” He glared at me a little when he saw my position.

Nag-iwas ako ng tingin at umayos ng upo. Sinimulan ko na ring kumain dahil kanina pa ako nagugutom. Pinagmamasdan niya lang ako ng may aliw sa mukha.

“Mahilig ka pa rin pala sa seafood? Last time, ang instagram story mo ay tahong. Tapos naalala ko dati, seafoods din ‘yong lagi mong baon sa set.”

Tumango ako. Hindi ko alam na maaalala niya pa ‘yon. May ilang bagay sa akin sa nakaraan na malabo na. Pero siya ay patuloy ang pag-alala.

“Akala ko, mahihirapan akong kilalanin ka ulit.” He chuckled.

⁽ଓ

(i) consequencesWhere stories live. Discover now