Maia's Pov;
"Okay na ba ang lahat? Wala na ba kayong nakalimutan?" Pag tatanong saming pito ni grandma. Ngayon na kase ang enrollment namin sa akademya, yes enrollment pa lang pero kung makabilin sila ay parang hindi na.kami mag kikita mamayang hapon.
"Grandma, relax ka lang at bakit ang bigat ng bag ni maia? Ano ba laman nito?" Nag tatakang tanong ni kuya harry habang bitbit at sinusuri ang bag ko daw na may kalakihan, binigay kase yan kanina ni papa para daw sakin, hindi ko rin alam ang laman non kase di ko naman binubuksan.
"Puro sandata yan at kumpleto na lahat, may shield, espada, arrow at sibat, mas maganda na yung laging handa" pag sagot ni papa na kinanganga ko, jusko mag e enrroll lang kami pero parang sasabak kami sa digmaan dahil sa mga dala namin
"Pero paa , academy ang pupuntahan namin hindi digmaan" naiinis kong pag rereklamo sa kanya
"Pssh para ready nga diba? Malay mo biglang mag karoon ng digmaan sa academy diba?" Pakikipagtalo niya saken, kung di ko.lang tatay to bibigwasan ko talaga to
"Ikaw pete tigil tigilan mo yang ka o-a yan mo ha" biglang sabat ni mama habang bitbit si synx, hindi kase pwede si synx na sumama samen dahil bawal daw ang pet sa academy.
"Pero lorie what if mag kagulo doon haa, ambata pa ni maia" saad muli ni papa, napa face palm na lang ako dahil sa inaasta niya jusko
"Aww mag iingat ka don bby girl ko haa" bilin sa akin ni tita freyiana bago ako yakapin at halikan sa cheeks
"Oo nga pag may nang away sayo bugbugin mo agad" sabat na bilin ni tita caria , jusko tita ko ba talagato?
"Tama dapat yung hindi na makakalakad o makakagapang" pagsabat din ni tita kleyria , angat sila ng impyerno madlang readers.
"Tigilan niyo nga yan, tuturuan niyo pa ng kasamaan ang pamangkin ko" sabat naman ni tito paul bago ako hilahin palayo sa tatlo kong tita at lumapit sa pwesto ng mga tito ko.
"Wag mo silang papakinggan pamangks, basta mag enjoy ka lang okay? Don't pressure yourself" bilin sakin ni tito paul na kinangiti at tango ko naman.
"Oo nga, pag may nambully sayo, wag mong papatulan dahil bawal makipag away sa loob ng akademya" sabat na bilin naman ni tito garry, noiceee buti pa sila mababait hihi
"Kaya abangan mo sila sa labas ng gate at dun mo bugbugin" pag papatuloy nito na kinangiwi ko, binabawi ko na sinabi ko kanina
"Oo nga, ipakita mo na hindi basta basta kalaban ang mga levrios, ingudngud mo sa lupa kung kailangan" sabat na bilin naman ni tito carrion at tinap pa ang ulo ko, juskoo mas malala sila.
"Tigilan niyo nga yung anak ko" biglang sabat ni papa at hinila akong muli palayo sa mga tito ko, uso ba sakanila ang hilahan?
"Mag iingat ka don maia ha, wag kang gagawa ng gulo don at ingatan mo na malaman nila ang totoo mong kapangyarihan" bilin sa akin ni mama na kinatango ko naman.
"At kung may mang aaway sayo sumbong mo agad saken ha? Ako ng bahalang tumumba sakanila" sabat na bilin naman ni papa na kinabungisngis ko.
"Opo, opo Ano ba naman yan, parang hindi tayo mag kikita mamayang hapon ha hihi" natatawa kong saad na kinabusangot nila
"Ingat ka don master, tawagin mo lang name ko if kailangan mo ng tulong at dadating agad ako" sabi naman ni synx , nginitian ko ito at hinalikan sa noo na kinangiti niya naman pfft
![](https://img.wattpad.com/cover/349131016-288-k561556.jpg)
BINABASA MO ANG
I REINCARNATED?
FantasyThis work of fanfiction may include disturbing readings, scenes and discussions. Names, Character, events and incidents are the products or author's imagination. Any resemblance to any actual person, or actual events is purely coincidental. ©All Rig...