CHAPTER 11:GOING TO THE CITY OF FANTAXIA.

106 13 0
                                    

Peter's Pov;

Tatlong taon na ang nakalipas simula nung makita ko si maia sa gubat, madami na rin ang nang yari sa tatlong taon na yon, nakumpleto na ni maia lahat ng kapangyarihan gaya ng knights, sorcerers,witch at fairy, nag tataka siguro kayo kung paano niya nagawa yung sa fairy? Well aksidente niyang nakausap ang isang ibon na tanging fairy lang ang makakagawa, ang fairy kase ay may kakayahang kausapin ang anomang uri ng hayop at halaman,kaya niyang bumuhay ng patay na puno o halaman at may pakpak din sila. Hayss 11 years old na si maia habang si terrence naman ay 14 years old, malalaki na ang mga anak ko at tumatanda na ako chor gwapo pa den naman ako walang pinag bago.

"Papa gurang, tawag ka ni mama" sigaw ni maia habang nasa ulo niya si synx at nasa pintuan ng bahay, nandito kase ako sa garden nag mumuni muni ,psh panira talaga ang isang to, kahit 11 years old na ang isang to ay isip bata pa din tsk tsk.

"Bakit daw?" Pag tataka kong tanong sakanya, napamewang naman ito at salubong ang kilay na tumingin sakin.

" bakit sakin mo itatanong? Ako ba si mama?" Pamimilosopa niya sakin, jusko kalma ka lang pete anak mo yan ha, oo anak mo yan.

"Psshh papunta na" saad ko na.lang at tumayo na, pinagpag ko muna ang short ko bago lumakad patungo kay maia na nasa pintuan pa din.

"Papa, pwede ba kami pumunta sa batis? Saglit lang kami pramis" agad niyang bungad ng makalapit ako, hindi na naman siguro to pinayagan ng mama niya kaya saken nag papaalam, galawang maia talaga no.

"Sige pero isama mo ang kuya mo, baka malunod ka don di ka pa naman marunong lumangoy" pangaasar ko dito na kinasama niya ng tingin sakin pfftt cute.

"Hmp marunong ako, ayaw lang makisama ng tubig hmp" pag rereklamo niya naman.

"Sige na pala papa, baka abutan na naman ako ni.mama at pigilan eh hmpp" saad niya at nag mamadaling tumakbo sa kuya niya na nag sisibak ng kahoy, napailing na.lang ako habang nakangiti saka pumasok sa loob ng bahay para hanapin si lorie.

"Pinapatawag mo daw ako?".bungad kong tanong ng makita siyang umiinom ng kape sa may sala.

"Ah oo, nakatanggap kase ako ng sulat galing sa hari, kailangan mo na daw bumalik" kalmado nitong saad na kinaseryoso ko.

"Hmm siguro panahon na nga para bumalik na tayo, tutal nasa tamang edad naman na si maia at terrence para makapag aral sa akademya" pag sang ayon ko naman na kinatango niya.

"Oo.nga, miss ko.na din ang buhay natin sa syudad, pero may isa pa tayong problema" sabi niya na kinataka ko at bumaling sa kanya.

"Ano naman?" Nagtataka kong tanong.

"Yung buhok ni maia, simula ng madagdagan ang kapangyarihan niya ay nadagdagan din ang kulay ng buhok niya, hindi naman natin pwedeng ipakita sa ibang tao na iba ang kulay ng buhok ni maia, baka pag kaguluhan siya o manganib ang buhay niya" mahabang salaysay ni lorie na kinabahala ko, tama siya pwede siyang pag agawan ng may matataas na tungkulin at gamitin laban sa hari.

"Meron naman sigurong spell para mabago ang kulay ng buhok ng isang tao" nag babakasakali kong sabi sakanya.

"Meron naman, parang nabasa ko na yun sa witch craft book na hiniram ko sa kaibigan ko kaya naman siguro ni maia yun, alam mo naman ang isang iyon walang imposible na di niya magagawa" mahaba niyang sagot na kinahinga ko ng maluwag.

"Kelan pala tayo aalis?" Tanong niya ulit .

"Bukas na siguro, hindi dapat pinaghihintay ang hari ng fantaxian's kingdom" sagot ko.naman na kinatango niya lang.

I REINCARNATED?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon