CHAPTER 03:MEETING THE LEVRIOS FAMILY.

124 14 0
                                    

Maia's pov:

Ilang oras na kaming nag lalakad at heto pa rin kami nag lalakad sa kawalan, hay ansakit na ng paa ko.

"Malayo pa ba tayo?" Naiinip kong tanong kay gurang.

"Malapit na" tipid niyang sagot, taeng malagkit kanina pa yang "malapit na" na yan eh arghh.

"Kanina mo pa sinasabi yan, pero wala pa den" naiinis kong saad sakanya.

"Tss bilisan mo kayang maglakad kesa mag reklamo ka ng mag reklamo diyan" naiinis niya ding sagot, sarap niya talaga batuhin ng sapatos o tsinelas kaso naka paa lang ako eh.

"Nakikita mo naman siguro na maliliit ang mga binti ko, so ano ine expect mo ha? Gusto mo palit tayo ng binti?" Sigaw ko sakanya , napaupo na lang ako sa sobrang pagod at hinilot hilot ang maliliit kong binti.

"Tss" rinig kong bulong niya ,lumapit sya saken at lumuhod habang nakatalikod saken.

"Sumakay ka na sa likod ko, hindi pwedeng abutan tayo ng gabi dito dahil sa kabagalan mo" pag tataray niya saken.

"Nyenyenye" tanging nasambit ko na lang at sumakay sa likod niya,tumayo na siya at sinimulang mag lakad muli.

"Ano pa lang pangalan mo bata?" Pag tatanong niya saken.

"Maia lexia rajen" tipid kong sagot, ginamit ko na lang ang pangalan ko sa dati kong katawan dahil di ko rin alam ang pangalan ng batang katawan na ito.

"Hmm nalibot ko na ang mundong ito ,pero ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyan kahit apilyedo mo, saang clan ka kabilang bata?" Nag tataka niyang tanong sakin.

"Hindi ko na matandaan kung saang clan ako nag mula at tungkol sa pangalan ko ay gawa gawa ko lang ito" pag sisinungaling ko dito.

"Ohh ilang taon ka na ba?" Tanong niya ulit saken, reporter ba to or interviewer di siya nauubusan ng tanong eh.

"Eighte-" napatakip ako sa bibig ko upang mapigilan ang sariling bunganga na sabhin ang edad ko sa dati kong katawan , pahamak na bibig to.

"Ha ? Ilan?" Tanong niya na mukang hindi narinig ang aking sinabi kanina,pheww muntikan tayo don ah.

"Ah sabi ko walong taong gulang na ako" pag sisinungaling ko ulit dito,jusko baka sa impyerno na talaga ako mapunta nito.

"Eh ikaw ? Anong pangaln mo?" Pag tatanong ko dito.

"Ah ako si peter, peter levrios" sagot niya.

"Pfft BWAHAHAHAHAHA peter HAHAHAHA saint peter or peter pan-ot? " natatawa kong saad sakanya.

" peter levrios hindi peter panot or ano pa man, ihagis kaya kita gusto mo?" Inis niyang singhal saken.

"Pfftt sabi ko nga shatap na" pigil tawa kong saad bago ituon ang tingin sa kanyang dinadaanan.

Ilang minuto pa kaming nag lalakad este siya lang pala ay may napansin akong munting bahay sa tabi ng ilog.

"Andito na tayo" sabi niya , ibinaba niya ako at hinawakan sa kamay bago hilahin papunta sa munting bahay. Nang makalapit na kami ay sinuri ko ang bahay, hindi siya kalakihan at di rin maliit , tama lang, kulay light blue ang kulay na maaliwalas tingnan.

*tok* tok* tok* pag katok ni peter pan-ot sa pintuan

"Sandali lang" rinig naming sigaw ng  babae mula sa loob ,maya maya ay bumukas ang pinto at tumambad samin ang mala diyosang binibini, nasa mids 25 to 30 yata to, kulay white ang hanggang bewang at kulot niyang buhok, maganda ang hubog ng katawan ,napansin ko ito dahil sa medjo fitted na dress na suot niya, may singkitin na kulay darkpink na mga mata,perfect nose and lips ghad nato tomboy na yata ako.

"Peter , ikaw pala hali ka pasok " tilay nagagalak niyang paanyaya kay gurang , pano naman ako diba? Diba?

"Oh may kasama ka pala, sino naman ang magandang batang ito" sabi niya nang mapansin ang maliit na si ako ,ngumiti naman ako sakanya.

"Ah lorie siya pala si maia, nakita ko siya sa gubat ,wala na siyang pamilya at uuwian kaya isinama ko na muna" pag ke kwento niya habang nakatingin saken.

"Ah maia siya pala si florience mae levrios" pag papakilala niya, siguro kapatid niya , pero parang ang layo ng itsura nila sa isat isa.

"at asawa ko pala siya" pahabol niya na ikinalaki ng singkitin kong mata.

" Asawa? Seryoso? " gulat kong bulalas habang palipat lipat ko silang tiningnan.

"Di ko alam kung maiinsulto ba ako o matatawa sa reaksyon mo" nakabusangot niyang sabi .

" pfft" pigil tawa naman nung lorie daw na asawa ni gurang, ghad akala ko talaga kapatid niya.

"Pumasok na nga kayo, masyado ng madilim at malamig" paanyaya ni ginang lorie ,hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako papasok, uso ba ang hilahan sa kanila? Nang makapasok kami ay may sumalubong samin na binatang lalaki, ang wafu ackkk hiben.

"Ama ,nakauwi ka na pala" nagagalak niyang saad at sinalubong nang yakap si peter panot.

" oo nak at oo nga pala may kasama ako" sagot ni gurang na kumalas na sa yakapan at hinila na naman ako paharap sa anak niya.

"Siya si maia, dito muna siya saten titira, maia siya naman si terrence levrios, anak ko" pag papakilala niya samen, nginitian ko naman ito at sinuri. Matangkad siguro nasa 13 to 14 years old na siya ,may berde din siyang buhok na umabot hanggang sa baba ng tenga niya, may darkpink na medjo brown na mga mata, perfect nose , perfect lips and jaw lines may katamtamang katawan.

"Hi maia, tawagin mo na lang akong kuya terrence" nakangiti niyang sabi at inilahad ang kamay, nginitian ko na lang siya at inabot ang kamay upang makipag shakehands.

"Halina muna kayo sa kusina upang makapag hapunan na tayo" paanyaya ni ginang lorie ,inakbayan ako ni kuya terrence at pumunta na kami sa kusina, feeling close ka kuya ?
Umupo na sila sa kaniya kaniya nilang upuan ,kaya uupo na den sana ako pero di ko gaanong abot.

"Makisama ka namang binti ka" inis na singhal ko sa aking isip at pilit na inaakyat ang upuan.

" pfftttt " rinig kong pag pipigil nilang tatlo sa pag tawa habang pinapanood lang ako, pigilan niyo ko bibigwasan ko na talaga sila huhuhu, kunot noo ko namang tiningnan si gurang, na parang humihingi ng tulong.

" ako na " mahinhin na tugon ni ginang lorie, tumayo siya sa kaniyang inuupuan at lumapit siya saken bago ako buhatin pataas upang makaupo sa upuan nang maiupo ako ni ginang lorie ay bumalik na ulit siya sa kanyang puwesto at umupo, si gurang naman ay pinag sandok ako ng kanin at ulam dahil pati maliliit kong braso ay ayaw makisama. Nag simula na kaming kumain, puro tawanan at kwentuhan ang maririnig mo sa hapagkainan, minsan namlan ay tinatanong din nila ako tungkol sakin ,na ikinakibit balikat ko na lang dahil hindi ko rin alam.
Masayang natapos ang aming hapunan,at maswerte ako na nakilala ko sila

I REINCARNATED?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon