Maia's pov:
Matapos ang aming hapunan ay inihatid na ako ni ginang lorie sa bakanteng kwarto na pansamantala kong gagamitin. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto, normal size bed, may study table, may sariling banyo, closet na walang laman at kulay white ang theme nito. Lumapit ako sa kama nang mapansing may isang pares na damit ang nakapatong dito, oversized white t-shirt, black short at undies. Tiningnan ko naman ang sarili ko at ngayun ko lang napansin na punit-punit na damit pa rin ang suot ko. Pumunta na ako sa bathroom at ginawa ang night routines ko, matapos ang ilang oras ay nakabihis na akong lumabas ng banyo, dumeretso na ako sa kama at pabalyang inihiga ang sarili.
"Hays kapagod ang araw na ito
"mahinang bulong ko sa sarili at humikab. Ipinikit ko na ang mga mata ko at nag pahila sa antok.Naalimpungatan ako nang makarinig ng huni ng mga ibon at sa liwanag na tumatama sa aking muka. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at bahadyang kinusot kusot ito dahil sa nakakasilaw na liwanag. Nang mag adjust ang aking paningin ay tumambad saken ang malalagong puno at kulay asul na kalangitan.
"T-teka puno?" Bulong ko at napabalikwas na umupo nang mag sink in sakin na wala ako sa kwartong tinutulugan ko.
"A-asan n-naman b-ba ako? Ang pag kakaalam ko nasa bahay ako ni gurang ah ? Pano ako napunta sa gubat na ito?itinapon ba ako ni gurang habang tulog?" Sunod-sunod kong tanong sa sarili. Tumayo na ako at pinagpag ang konting damo na dumikit sa aking damit. Nag lakad lakad ako habang nililibot ang paningin sa buong kagubatan, malalagong mga puno na may silver at kumikislap na mga dahon, mga makukulay at diamond na bulaklak, mga paro parong kasing laki ng palad ko at ang mas nakaagaw ng pansin ko ay yung maliliit na taong may pakpak mga kasing laki lang yata sila ng middle finger ko.
"Nananaginip ba ako? " saad ko habang kikusot ang munting mata ko.
"Totoo ba talaga to ? Or nag hahalucinate lang ako? Hala baliw na nga yata ako" pabulong kong tanong sa sarili habang maluha luha na.
"Hindi ka nababaliw, lahat nang nakikita mo dito ay totoo" mahinhin na sagot ng isang babaeng nang gagaling sa bandang likuran ko. Agad naman akong umikot upang tingnan ang nag salita at hindi ko mapigilang mamangha sa magandang diyosa na ngayo'y kaharap ko na, may hanggang bewang na kulot at blonde na buhok, nakasuot den siya ng flower crown na bumagay sa kanya, meron siyang kulay violet na mata perpektong ilong, labi at hugis ng muka, makinis at maputing balat, at nakasuot den siya ng mahabang kulay puti na dress, kulang pa ang salitang "maganda" para I describe siya.
" Hihihi thanks sa compliments" she said while giggling, na lalo kong ikinatulala sh*t kahit pag giggle niya napaka gandang pakinggan, okay buo na disisyon ko mag to tomboy na talaga ako.
"Ehem" tikhim niya na nag pabalik sakin sa realidad.
"A-ahm hehehe hi?" Nahihiya kong pag bati sakanya.
"Wag kang mahiya saken little maia, ako lang to" mayabang niyang saad.
" ahm sino ka? Bakit mo ako kilala?" Pag tatanong ko at isinawalang bahala ang kayabangan niya.
" grabe ka sa mayabang ha, hmp" nakabusangot niyang sagot. Teka sa isip ko lang naman sinabi yon ah, dont tell me-
"Yes little maia ,I can read minds, mind reading is one of my ability" pag puputol niya sa aking iniisip.
"T-teka e-engkanto k-ka b-ba" kanda utal utal kong sagot ko at humakbang ng isang beses paatras habang nanlalaki ang mata.
"Grabe ka sa engkanto ha,napaka harsh mong bata ka " nakabusangot niyang sagot habang pumapadyak pa, ackk ang kyeoott.
BINABASA MO ANG
I REINCARNATED?
FantasyThis work of fanfiction may include disturbing readings, scenes and discussions. Names, Character, events and incidents are the products or author's imagination. Any resemblance to any actual person, or actual events is purely coincidental. ©All Rig...