Maia's Pov:
"Hays kapagod" bulong ko nang maisalansan lahat ng damit ko sa napakalaking closet na to, nandito kasi kami ni synx sa bagong kwarto ko dito sa mansion, masasabi kong napakaganda dito, mas malaki to kesa sa kwarto ko dun sa bahay namin sa gubat, kulay white and lightblue ang theme nito, may queen size bed na.may pakurtina pa, may maliit na wooden drawer sa kaliwang gilid ng kama at may nakapatong pang kulay lightblue na lamp shade at alarmclock sa kanang bahagi naman.nakapuwesto ang make up table ko, kumpleto na ang kagamitan don like, pulbo, lotions, perfume, pony at iba pa. Sa pinakagilid naman ay ang study table ko, may mga nakapatong na din na bagong notebook at mga ballpen ,lapis at krayola may mini library naman na katabi iyon, sa gilid naman ng closet ko ay pintuan papunta sa banyo, kompleto na lahat dito, hays feeling ko prinsesa na ako hihi
"Knock knock"
"Young lady, pinapasundo na po kayo ni master pete upang mananghalian" rinig kong pagkatok at pagtawag ng katulong sa labas.
"Palabas na po ako saglit lang po" magalang ko namang sagot dito. Tumayo na ako at pumunta sa pwesto ni synx na nasa kama ko at natutulog.
"Synx , kakain na daw" pag gising ko dito, minulat niya naman ang kanyang mata at umupo habang kinukusot ang.mata niya, binuhat ko naman ito at ipinatong sa aking ulo, alam kong hindi.mag lalakad ang isang to . Pumunta naman ako sa pintuan at binuksan ito para lumabas.
"Oh ate creala ikaw pala, tara na po" agad kong sabi ng bumungad sakin si ate creala, ngumiti muna ito at tumango bago umuna sa pag lalakad, sumunod naman ako.dito dahil hindi ko pa din alam ang pasikot sikot dito.
"Ah ate creala ilang taon ka na po?" Magalang kong tanong dito na kinatingin niya naman sa akin.
"Ah 17 years old na ako young lady, ikaw po ba?" Sagot at balik na tanong nito.
"Ahm 11 years old po ako, wag na po kayong mag "po" sakin dahil mas matanda naman po kayo at maia na.lang po ang itawag niyo sakin" sagot ko naman dito na kinayuko at ngiti niya sakin.
"Napakaganda mong bata at napakabait, sige maia" pagpuri naman nito na kinangiti ko ng malawak dito , hoho barkada ko naden to.
"Ah ate creala bakit po nag ta trabaho kayo? Diba pi dapat nag aaral pa lang kayo?" Pag uusisa ko naman dito at pumantay sa lakad niya.
"Ah kailangan ko kase ng pera maia para mapag aral ang bunso kong kapatid sa darating na.pasukan" sagot naman nito.
"Ah mag kano po ang sweldo.niyo?" Tanong ko ulit, chimosa ako eh bakit ba atsaka baka pwede din akong mag apply kay papa bilang yaya para mag kapera den ako hihi.
"Hmm isang daang pilak kada isang linggo" sagot naman nito at lumiko ng daan kaya lumiko den ako.
"Ah Ano po bang posisyon nyo?" Pagtatanong kong muli.
"Taga linis lamang ako" tipid nitong saad.
"Pano po kung maging personal.maid po kita, tataas po ba ang sweldo nyo?" Tanong ko ulit na kinatigil nito at nanlalaki ang matang tumingin sakin hihi kyeopta.
"H-ha? Personal.maid mo? Matataas ang sweldo ng mga personal maid ng bawat young master's or young lady, siguro nasa 50 pirasong gintong coints kada linggo" sagot naman nito habang sa semento na nakatingin pfft.
"Ah, sinabi ko po kase kay papa na ikaw ang pinili kong maging personal maid at pumayag naman siya" usal ko dito na kinagulat niyang muli.

BINABASA MO ANG
I REINCARNATED?
FantasíaThis work of fanfiction may include disturbing readings, scenes and discussions. Names, Character, events and incidents are the products or author's imagination. Any resemblance to any actual person, or actual events is purely coincidental. ©All Rig...