FOUR

3.5K 134 15
                                    
















[ FOUR ]














JIGS POV








    " H-how did you do it, Khal? " wala sa sariling tanong ko kay Khal habang nakatanaw sa malayo. Kasalukuyan kaming nandito sa terasa ng kanilang bahay, nakaupo kami sa silya at umiinom ng tig isang beer. Dito ako dumiretso matapos akong ipagtabuyan sa ospital ng tatay ni Icka. Wala akong lakas ng loob na umuwi pa sa bahay. Dahil baka kung ano ang magawa ko sa kanila. Hindi ko pa sila kayang komprontahin.. dahil natatakot din akong malaman ang katotohanan na talagang sila ang dahilan kung bakit ako iniwan ng aking asawa.. Kapag naiisip ko ang ilang taon na kinamuhian ko siya, na nagalit at halos isumpa ko pati ang existence niya sa mundo.. gustong gusto kong manliit.. gustong gusto kong iuntog ng paulit ulit ang aking ulo dahil nasaktan ko siya.. nasasaktan ko siya. Saying those ugly words, cursing her many times.. she did not deserve it.. and worst 2 times.. 2 times she put her life in danger because of me.. lagi akong isinasaaalang alang niya.. Ganoon niya ako kamahal.








pero ano ang iginanti ko?





Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya?








" W-What do you mean, Jigs? " uminom muna ako ng beer bago ako humarap sa kanya. " Papaano ka bumawi sa mga taon na wala ka sa piling ni Cess at sa mga anak mo? Papaano ka humingi ng tawad sa kasalanan mo sa kanya?   Anong ginawa mo? P-Papa-------











Naputol ang aking mga sasabihin ng bahagya niya akong tapikin sa balikat.  "Jigs, anong problema? " kunut noong tanong niya sa akin. Wala sa sariling tinungga ko lahat ang beer na nasa boteng aking hawak hawak. tuluy tuloy kahit pa nga gumuguhit iyon sa aking lalamunan. . Pabagsak kong ibinaba ang bote sa lamesa na nasa aming harapan, mabuti na lamang at hindi iyon nabasag.











" I-I m-made a t-terrible m-mistake. At hindi ko alam kung papaano ko aayusin ang lahat.  Kung saan ako magsisimula?  kung papaano ako hihingi ng tawad?Kung papaano ako makakabawi? kasi kahit ako  hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko." naninikip ang aking dibdib, naikuyom ko ang aking dalawang kamay dahil sa sobrang galit ko sa aking sarili, sa sitwasyon at sa aking mga magulang. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, nakikita ko ang kanyang mukha.. luhaan, nasasaktan at punung puno ng hinanakit.. sa akin..











" Is it about Jessica? A-Anong pagkakamali ang sinasab---------








...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon