[ TWO ]ICKA Pov
" Shut up!!!" Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng kanyang sigaw, nakakaramdam ako ng takot sa mga nakikita kong reaksyon niya.. salubong na salubong ang makapal na kilay nito at nakaigting ang kanyang bagang habang nakakuyom ang kanyang dalawang kamao na parang any moment now mananapak siya ng wala sa oras.. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata dahil nakakaramdam na ako ng sakit.. sakit sa puso, isip, katawan.. nakakapagod.. pagod na pagod na ako.. sa pagsalo ng galit niya dahil kung tutuusin wala naman talaga akong kasalanan sa kanya.. ako pa nga ang lugi.. ang nawalan at namatayan.. pero bakit ba hindi niya pa ako lubayan kung talagang ayaw na niya akong makita.. bakit kailangang nandito pa siya sa pagdilat ng aking mga mata.. bakit?!! bakit kailangan niya pa akong pahirapan ng ganito.. gayung.. matagal na akong nasasaktan dahil sa kanya.. dahil sa pagmamanipula ng kany--------------------------
" Open your eyes goddammit Icka!!! Explain it to me!!! Ipaliwanag mo ang mga sinabi mo kanina!!! Anong ibig mong sabihin ng dalawang beses mo na akong nailigtas?!!! Ano?!" shit!! halos manayo lahat ang aking balahibo sa buong katawan ng maramdaman kong kakaunti na lang ang pagitan ng aming mga mukha.. dumadampi sa aking kanang pisngi ang kanyang mainit na hininga.. ang pamilyar na pamilyar na amoy ng kanyang katawan.. pero nanatiling nakapikit ang aking mga mata dahil natatakot ako.. natatakot ako sa maaaring makita ko sa aking harapan.. Can this man give me a break?.. I am bleeding for christ sake!! alam niyang bumuka ang tahi ko pero inuuna pa niya talaga ang kanyang sarili. . talaga bang wala na akong halaga sa kanya? wala na siyang pakialam sa akin.?. kahit pa maubusan ako ng dugo.. kahit pa nga nasasaktan ako.. ganito ba talaga kalaki ang galit niya sa akin... Minahal ko lang naman siya.. minahal ko lang naman siya ng higit sa buhay ko.. wala akong choice.. wala kundi ang piliin na iwanan siya.. masaktan ako.. para lang.. mabuhay siya.. Ano bang klaseng paninira ang mga ginawa ng kanyang magulang sa akin para kasuklaman niya ako ng ganitong katindi? Ano pa?
" Icka!!! Explain it to me!!!"
" Icka!!! "
Binging bingi na ako, sa pinagsama samang sama ng loob, idagdag mo pa ang sakit na nararamdaman ko dahil sa sugat na tinamo ko dahil sa tama ng baril.. I lose it.. I opened my eyes at muntikan na akong mapamura ng malakas ng mabungaran ko ang mukha niya na walang kaemo emosyon kundi galit.. galit.. how dare him!!! Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ko dahil gamit ang dalawa kong kamay itinulak ko siya sa dibdib ng buong lakas para magkaroon ng distansya ang aming katawan.. wala akong pakialam kung bukod sa pagdurugo ng aking sugat.. natanggal na ang dextrose ko.. " Get out!!! Get out!!! Walang kang awa!! wala kang patawad!! Umalis ka na!! umalis ka na dahil ayoko na kitang makita!!! Kung ikakasiya mo sa sarili mo na nakikita mo akong ganito pwes magpakasawa ka!! Umalis ka na!!! Wag ako ang tanungin mo ng ganyan!! Wag ka sa akin magalit!! sa mga magulang mo!! sa kanila ka magalit, sa kanila!! dahil sila ang may kasalanan ng lahat!!! umaliisssssss kaaaa naaaaaa!!!" walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha, halos pakiramdam ko nasugatan ang aking lalamunan dahil sa sobrang pagsigaw sa kanya.. galit na galit ako.. nasasaktan ako.. sobra na sobra na talaga.. ang tanga tanga ko.. ang tanga tanga ko..