[ ONE ]Past------------------------
ICKA Pov
Hindi ko magawang kumatok sa pintuan ng labas ng kanilang bahay..o tamang sabihin sa pintuan ng kanilang mansiyon dahil pakiramdam ko.. unti unti akong pinapatay.. Pride na lang.. Pride na lang ang tanging maipagmamalaki ko sa mga magulang ni Jigo.. dahil hindi naman ako mayaman, mahirap lang ang aking pamilya.. hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo dahil hirap ako sa pera.. tanging Pride at Prinsipiyo na lang ang pinanghahawakan ko sa kanila para hindi nila ako matapaktapakan at matahin.. Pero pati iyon kailangan kong isuko.. at lunukin para kay Jigo.. Nanginginig ako, at alam kong mukha ako ng kaawa awa sa aking itsura ngayon.. wala na ako oras na dapat aksayahin.. nakasalalay sa aking mga kamay ang buhay ng lalaking aking pinakamamahal.. Nagsimula na namang magpatakan ang aking mga luha.. dahil hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanila.. nawawalan na ako ng kontrol sa aking sarili.. dahil pakiramdam ko nasa isa akong masamang panaginip.. sana nga lang.. sana lang panaginip ang lahat ng ito.. dahil sa totoo lang HINDI KO NA KAYA.. NANGHIHINA NA AKO.. pero sa kanya.. sa kanya.. lahat gagawin ko..
flashback-------------
Oh God, tell me this is not real.. this not happening to me.. Hindi si Jigo ang kasalukuyang nakahiga sa kamang iyon habang puro benda ang kanyang katawan.. this cant be.. ang saya saya pa namin kaninang umaga bago siya pumasada ng kanyang taxi.. Nangako pa siya sa akin kanina na mag dadate kami dahil matagal na daw naming hindi nagagawa iyon.. and the most important thing is its our 2 years anniversary.. two years na kaming kasal.. two years na kaming nagsasama sa isang simpleng pamumuhay.. two years na kaming nagtatago sa kanyang pamilya.. I cant comprehend what I am seeing right now.. he was involve in a holdap incident.. nakita siya ng isang concern citizen na walang malay, may malaking sugat sa ulo na base sa doctor dahil pinukpok ito ng isang napakatigas na bagay.. hindi lang iyon.. nagtamo siya ng tatlong saksak sa katawan.. at hanggang ngayon.. hanggang ngayon hindi pa siya nagigising.. Muntikan na akong bumagsak sa aking kinatatayuan ng una ko siyang makita.. pakiramdam ko nawalan ako ng lakas, at nawala ang puso ko.. dahil ang lalaking aking pinakamamahal ay nakaratay sa kama at walang kamalay malay...
"Misis, kailangan siyang maoperahan sa lalong madaling panahon dahil sa pamamaga ng kanyang kaliwang ulo.. maaaring magkaroon siya internal hemmorage kapag hindi natin iyon ginawa.. Hindi biro ang mga natamong sugat ng inyong asawa lalong lalo na ang nasa kanyang ulo. Pero kakailangin niyo ng malaking halaga.." hindi ako makapagsalita, wala akong masabi.. tulalang nakatingin ako sa doctor na nasa aking harapan.. wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.. mahigpit ang kapit ko sa kanang kamay ni Jigo.. doon ako kumukuha ng lakas.. pero kahit anong higpit ng pagkakahawak ko doon .. wala akong makuhang reaksyon sa kanya.. I looked on his face.. may tubong nakakabit sa kanyang bibig para tulungan siyang huminga.. ma-----------------
" M-Misis.. kailangan niyo ng magdesisyo-------------------