SIX

3.2K 137 12
                                    




[ SIX ]





" P-Pero mas nasasaktan ako I-Icka.. " I dont know what to say.. or how to answer him.. dahil kahit ako.. mistula akong napipilan ng makita ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga mata.. na mayroong namumuong luha.. ang kanyang kamay na nanginginig na nakahawak sa aking palapulsuhan.. ang maraming beses na pagtaas baba ng kanyang adams apple na tanda na pinipigil lang niya ang kanyang emosyon..


" M-Mahal k-kita Icka.. mahal na mahal.."





" Tsss.. oh come on dont tell me Jessie maniniwala ka sa mga sinasabi ng gagong lalaking yan!! Of course sasabihin at gagawin niya ang lahat para bumal------------ niyakap ko ang bewang ni Jigs ng akmang lalapitan niya si Greg para saktan ulit.. Ano ba naman kasi itong si Gregorio pinoprovoke masyado si Jigs. " P*ta!! Anong problema mong hayop ka!! wala kang pakialam sa aming dalawa kaya ang mas mabuti pa umalis ka na dito bago ka pa manghiram ng mukha sa aso!! Umali-----------


" Ikaw ang problema ko!! Ikaw!! Kasi bumalik ka pa!! Nagpakita ka pa!! Gayu-----------


" Gregorio!! tumahimik ka na!! please hayaan mo kaming mag usap.. kung hindi mo talaga kaya, iwanan mo na ako dit--------


" No!! hindi ako aalis ng hindi ka kasama. Maghihintay ako dito, sagutin kita Jessie.. kaya hihintayin kita dito. " nakahinga ako ng maluwag ng dahil doon.


" Pwes mapanis ka sa paghihintay!!"



Wala na akong nagawa ng kaladkarin niya ako papasok sa aming bahay. Hindi pa ako nakakabawi ng hinga ng ipaloob niya ako sa kanyang mga bisig pagkasarang pagkasara niya ng pintuan. Mahigpit na mahigpit yung halos hindi ako makahinga.. nakatalikod ako sa kanya habang nakabaon ang kanyang mukha sa aking leeg kaya damang dama ko ang mainit niyang hininga na tumatama doon. Hindi ako makagalaw nawalan ng kakayahan ang aking buong katawan na kumilos para itulak siya o tumanggi dahil sa kaibuturan ng aking puso.. gusto ko ang mga nangyayari.. Naramdaman kong may mainit na likidong pumatak sa aking balikat.. sunud sunod.. nagsimulang manginig ang aking labi.. nagkaroon ng bara ang aking lalamunan.. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko kaya nag aalangan akong makipagkita sa kanya dahil unti unti na naman ako ng nanghihina.. pagdating talaga sa kanya.. kayang kaya kong lunukin ulit ang lahat lahat basta makasama lang siya.. pero alam kong hindi na tama dahil marami ng masyadong nangyari.. ni ang sarili ko hindi ko pa napapatawad sa pagkawala ng aming anak.. ang puso ko hindi ko pa mabuo dahil wasak na wasak pa rin iyon.. yung buong pagkatao ko.. wala pa.. hindi ko pa napupulot simula ng magkahiwalay kami.. " I-Icka, m-mahal.. p-patawarin m-mo ko.."






...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon