"Shit."
Nilapitan ko kaagad si kuya Jin upon seeing his arm that was bitten. Wala akong pakialam kung mahahawa ako sa kanya. Kailangan ko siyang tulungan dahil kahit papano ay kapatid ko pa rin siya.
I saw a towel nearby and immediately grabbed it. Kinuha ko rin yung kamay ni kuya Jin at dinala siya sa storage room, sumama sa'kin si Daryl dahil ayaw niya akong iwanan dito kay kuya.
Agad akong tumingin sa paligid para maghanap ng bleach.
Bleach. Bleach. Bleach. Where are you?
Oh there you are! Kinuha ko agad yun at walang pasabing binuhusan ang braso ni kuya. Napahiyaw siya sa sakit at gulat. Ikaw ba naman ang buhusan ng bleach sa sugat mo? Mapapasigaw ka sa hapdi!
"Shit ka Jers! Hindi uso magpaalam?" Napahagikgik na lang ako. Napatawa din si Daryl sa inasal ko.
"Eh baka hindi ka pumayag pag sinabi kong lalagyan ko ng bleach yan eh." sabi ko kay kuya at ngumiti.
"Sa tingin mo ba effective 'to?" tanong ni Jin
"Well, Bleach practically kills 99% of germs." sabi ko habang binebendahan yung sugat ni Kuya na bumubula gawa nung bleach.
"I think, it's effective" singit naman ni Daryl. Di ko naman siya tinatanong. Hahaha.
"Tara na dun kuya!" yaya ko sa kanila at sabay sabay kaming bumalik sa room only to find out na wala ng tao dun.
"Bwisit. Nasaan na yung mga pangit na yun?"
"Dito! Jersey!" narinig ko yung boses ni Elle sa kabilang room.
Agad agad naman kaming pumunta doon. At nakita ko sila dun na nagfofoodtrip!
Punyeta! Pinairal nila kadayaan nila!
Kaya ako naman, parang asong ulol na sumugod at kumuha ng isang fried chicken at agad na nginuya!
"Ang daya niyong mga pangit kayo!" sabi ko
"Sorry naman. Ayan na nga eh, nakain ka na! Reklamo pa teh!" ani ni Jeka
"Nga pala, ba't lumipat kayo ng ibang room?" tanong ni Daryl
"Ah! May bumato kasi ng bato sa bintana sa kabila eh nabasag kaya lumipat kami. Ang daming bubog." pag-eexplain ni Andie
"Oh? Sino naman ang bumato?"
"Aba malay namin! Lumipat na lang kami dito para safe. Grills kasi dito eh!" sabi ni Ally
Napakunot yung noo ko. Napansin naman agad yun ni Daryl. Hindi ko na lang siya pinansin.
Nilibot ko ang mata ko sa madilim na kwarto at nakita ko si kuya na tulala. Parang tanga.
"Kuya! Kain ka!" aya ko sa kanya. Lumapit naman siya at umupo sa tabi ko.
Kinuhanan ko siya ng kanin at fried chicken at kinain niya naman yun. Mukhang effective naman yung paglalagay ko ng bleach sa sugat niya kasi hindi naman siya nagchechange into something strange.
Hindi naman nagtagal ay nabusog na ang mga pangit at nagkanya kanya ng higa sa classroom. Parang walang nangyayari oh! Feeling nila nagiisleep over lang sila eh hindi nila feel na nasa peligro lang ang buhay nila anytime. Someone might come in. Or worse, any one of us can change into a deadhead.
I decided to drift away and sleep. Pero hindi ko magawa. Parang may force na pumipigil sa'kin na wag matulog. Napansin ko ang tabi ko. Si Daryl. Hindi din siya tulog.
"Hindi ako makatulog." sabi ko.
"Ako nga rin eh. Parang may something."
"Nafifeel mo rin?"
"Oo, parang may nanonood."
"Shit ang creepy!" sabi ko tapos sumiksik ako sa leeg niya at walang pasabing inihipan yon.
"Shet ka Je! Wag mo ngang gawin yun! Nakakakiliti eh!"
Tinigilan ko naman yun at bigla bigla na lang akong napatahimik.
"Mahal kita, Je." sabi niya ng mahina
Napa-ngiti na lang ako.
Nagulat na lamang ako ng may tumamang ilaw sa dingding ng classroom! Parang ilaw ng isang kotse. Agad akong napabalikwas at dali daling sinilip yung bintana.
Kotse nga!
At kung di ako nagkakamali, kay Daniel yun!
Sa syota ni Elle! Remember him?
Nilibot ko ang paningin ko sa mga kaibigan ko at napansin ko ngang wala doon si Daniel.
"Fuck!"
Tinatakasan niya kami!
Umalis na siya! Tuluyan na siyang umalis!
Nagulat na lang ako ng marinig ko ang hagulgol ni Elle.
"Hey! Hey! You alright?" tanong ni Jeka sa kanya
"Jeh, where's my boyfriend?" tanong niya
Napa-iwas ako ng tingin...
"He left."
At lalong lumakas ang hagulgol ni Elle. Bigla ko naman siyang hinawakan ng madiin sa braso. A sign that she needs to shut up.
Cause the fucking deadheads was attracted by her noisy crying! As in, lahat sila napalingon sa direksyon ng room namin.
Punyeta!
- - -
Oh ayan na update :p
BINABASA MO ANG
The Living Dead
HorrorLJ's. Sa palabas mo lang sila nakikita pero paano ngayon kung.. HARAP HARAPAN NA? Cover by @cutiegogo