Uno

1.1K 30 23
                                    

The Living Dead's 1st Chapter

All Rights Reserved 2012

Property and Storyline of Lee Eris

Don't plagiarize and reproduce in any form

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Andromeda Section, you failed me again" sabi ng nakaka iyamot kong adviser na si Mam Reena

I mean, hello! Una, ala-sais na ng gabi. Pangalawa, pang-ilang sermon na ba 'to na natanggap namin ngayon? Kanina umaga nung natalo kami sa sayawit na pinagpractice-an namin ng bongga tapos may isang masamang nilalang ang nag sira ng tape nun at sinira yung kanta namin. Ayon, mukha kaming tanga sa stage. Ngayon galit na naman sya dahil kinuyog namin yung babaeng nanira ng tape. Taga-ibang section yung babae, same year with us.

40 plus kaming magkaklase, 4th year high school. Ang ngayong nasa hot room ay 25 lang. Yung iba kasi di sumali nung kinuyog namin yung babae. That bitch deserves what we've done. Wala naman kaming masamang ginagawa sa kanya tapos ganon? Oh please.

Bilang Presidente ng Kalokohan ng klase ako ang namuno dun sa planong yon. Eh ang tatanga naman ng mga kaklase kong 'to, sadyang mahal na mahal ako kaya sumama rin sa plano ko.

"Jersey, I'm very disappointed in you."

TENGENE, ako na nga ang hi-not seat. Tss.

"Mam, I can't help it. The girl's a bitch--"

"Enough! Tomorrow your parents and I will meet. Meeting adjourned" sabi nya habang iniisa isa kaming tinititigan. Sarap tusukin ng mata!

Inayos ko na yung bag ko para makauwi na. Tinawag ko tropa ko.

"Ayos Jersey ah, straightforward, kaya labs kita eh!" joke na sabi ni Daryl, ex ko =__=

"G@go! Nasan sila?!" 

"Sinong sila?" 

"Kaibigan ko. Tange nito."

"Ayun sa may locker. Tss"

"Samahan mo ko."

"Bakit? Takot ka?"

"Eh tengene moooo! Kita mong ang dilim dilim, pinatay na ng bruhang teacher na yun yung ilaw sa hallway! Kainis!"

"Okay okay! Easy ka lang. Aburido na naman yang maganda mong mukha eh."

Habang naglalakad kaming dalawa papuntang hallway, nasa likod namin yung iba pang mga kaklase ko. Kaklase din ni Daryl saka tropa niya na rin. May mga babae at lalaki. Saya kaya ng section namin, united! Di tulad ng iba, may group pa. Basta kalokohan, gora ang lahat!

Tawanan sila doon habang nagkwekwentuhan tungkol daw sa pagtalsik ng laway ni Mam Reena habang nagsesermon kanina ng may narinig silang taong nag shriek.. Mula sa loob ng isang classroom..

Kami, bilang matatapang at maloko, nagtakutan ba naman. Ako naman, deadma lang. Baka naman kasi nakakita lang ng ipis yun.

Tumambay buong barkada sa may mga lockers. Ten kami ngayon. Yung 15 baka nauna na rin. 

Ichecheck ko sana phone ko kaso taena, lowbat. Magpapasundo na lang kasi dapat ako, kaysa maglakad. Gabing gabi na shiet!

"Elle, peram phone" tawag ko sa kanya na nakikipag chismisan sa lima ko pang kaibigan tapos yung mga lalaki naman na kaibigan din ni Daryl. Nasa may locker kasi ako, medyo malayo sa kanila.

"Nge. Sorry jers. Lowbat eh, etong kay babyloves na lang."

EEEWWW. I can't help but puke with their endearment. Endearment nila nung syota niyang si Daniel.

Hinablot ko yung phone nya at tinype yung itetext ko kay mama. Kaso POTASSIUM! Wala nga akong number! Nasa phone ko na lowbat! Tengene!!!

"Uhh. Elle, balik mo na. T@ngina, wala nga pala akong number ni Mamita."

"Wala pa ba kayong balak umuwi?!" tanong ko.

"Hehe. Wala pa. Maya maya siguro mga 7."

Potek, andami talagang kalokohan ng mga 'to. =__=

Lumapit naman sa'kin si Daryl, "Uwi ka na ba? Tara uwi? Hatid kita?"

"Pwede ba Daryl?!"

"Ano?!?"

"Layo layo nga please lang."

"Anong ginawa ko sa'yo? Langya naman oh!" sabi niya sabay suntok sa isang locker dun.

Nagulat tropa ko, pati niya.

Hindi lang dahil dun sa pagsuntok ni Daryl sa locker kundi na din dun sa shriek nung isang tao ulit.

Nacurious ako. Baka kailangan ng tulong nung babaeng yun.

Nagsimula na akong maglakad papalapit dun sa  room na yun. Malapit lang eh, kutob ko yun yung room na yun.

"Hey Je! What do you think you are doing?!"

"Searching?" sagot ko naman sa tanong ni Hannah

Lumapit na rin ang tropa kong sila Hannah, Jeka, Andie, Elle at si Ally. Pumunta rin si Daryl at yung tropa niya. Mga echusero din pala eh.

Hindi na naulit yung shriek pero, curiosity kills!

Bubuksan ko na sana yung pinto ng may narinig na naman akong shriek uli. Napalayo tuloy yung kamay ko sa doorknob. Hinawakan naman ako ni Daryl, "Ako na" sabi niya

Binuksan niya yung pinto at tumambad si...

Donna na gulat na gulat. May ilaw dun sa kwarto niya. Pero yung windows may takip na newspapers at magazines. Creepy O___o

"Donna, what happened?" tanong ko sa kanya. Ex ni Daryl, pero kaibigan na rin naman namin ngayon. Kaklase na din.

"There's fcking mutants outside!"

"Donna, nakahithit ka?!" tanong ni Ally

"Wifey, stop it" saway ko. Wifey tawagan namin ni Ally

Siniringan naman ako ni Ally =__=

"Fck! I'm telling the truth! No fuss! Please believe me!" sabi niya na mangiyak ngiyak na.

Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba ng may narinig akong ingay sa labas ng school..

May maliit na butas sa bintana na ginawa si Donna, I mean may part na hindi na-cocover-an ng newspaper. Natetempt akong tignan iyon. Nakita ni Donna na nakatingin din ako sa part na yun.. kaya sinabi niya na "see for yourself"

"Jersey wag." saway naman nila Elle

"Ano ba! Titignan lang naman eh!" sabi ko naman

"Jers.." awat naman ni Daryl at hinawakan yung bewang ko.

"What the fck! I just wanna see!" sabi ko habang pumipiglas piglas

"Alright alright. Calm down! Sasamahan kita.."

Dahan dahan kaming pumunta dun sa may bintana, I started to bend down to see and peak through the small hole in the window. Ganon din ang ginawa ni Daryl. He's holding my hand.

Nung nalapat ko na ng maayos yung mata ko sa butas, nagsisi ako. Dapat pala hindi ko na ginawa yon.

Lahat ng buhok sa katawan ko tumindig sa takot.

"Fck!!" sigaw ni Daryl

Tumayo na kami at niyakap niya ako. Nafi-feel ko rin yung heartbeat niyang bumibilis.

"We need to leave here.. Soon." 

~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~

So hey! How's the first part? Leave your feedbacks! Next update would be uhh, pag sinipag! X'D Thank you for reading!

The Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon