Tuluyan ng nagdatingan ang madaming deadheads. Maraming salamat Elle, maraming salamat talaga. Sa sobrang lakas ng boses mo, napansin nila tayo. Ang galing putangina lang.
Sinimulan na nilang basagin yung mga bintana. Hanggang sa isa isa na silang nakaka-pasok.
Kinuha ko yung bat sa tabi at hinampas ko ng sobrang lakas sa ulo yung isang nakapasok sa loob ng kwarto namin, nag-talsikan naman yung dugo sa mukha ko. Diring diri ko pinunasan ito.
Lumapit sa'kin si Daryl at pinunasan rin ang mga dugo na pumunta sa mukha ko.
Iyak pa rin ng iyak si Elle.
"Shut the fuck up! You're attracting them." singhal ni Hannah. Halatang naiinis na siya sa mga pagngangawa ni Elle.
Napatigil naman si Elle sa kakangawa niya.
Dumami na ang mga naka-pasok.
Hindi na kami safe sa loob ng school kaya nagdecide na agad ako.
"We need to leave." kung hindi, pagpepyestahan kami ng mga putanginang deadheads na 'to.
"What? We can't! It's dangerous outside!" dagdag ni Hannah.
"No, she's right. Kailangan nating umalis. Mata-trap pa tayo dito kapag hindi tayo lumabas." pag-sang ayon naman ni kuya Jin.
Tinignan ko silang lahat. Yung iba, parang ayaw ng plano ko. Si Elle, Ally, Sphere lang yata ang gustong sumama sa'kin. Halos lahat gustong manatili sa loob ng eskwelahan.
"Ayaw namin sumama." biglang sabi ni Hannah.
Napa-tanga na lang ako. Halata sa mukha nilang desidido talaga silang mag-paiwan. Masakit, pero kailangan naming umalis na talaga, kundi buhay namin ang mapepeligro.
Nagpunta kami ni Daryl, Sphere, Elle, kuya Jin at Ally sa canteen para kumuha ng pagkain. Pumunta din kami sa mga lockers para kumuha ng damit. Sinuot ko yung sando ko at nag-suot din ako ng jacket para hindi madaling magka-scratch kung sakaling nakaka-infect nga yun. Sinabi ko rin sa kanila na ganoon ang gawin nila.
Napa-hawak ako sa necklace ko... Kamusta na kaya sila mama? Buhay kaya sila? Sana safe sila. Sana bumalik ang lahat sa dati.
"Sinong nagdala ng kotse sa inyo?" tanong ko sa kanila. Tinaas naman ni Daryl yung kamay niya at nilabas niya na rin yung susi niya.
"Saan nakapark?" tanong ko naman.
"East wing. Malapit sa exit."
"Good. Mas mapapadali ang alis natin." nag-pack na kami ng final. Kinuha ko yung bat na kanina ko pa hawak. Nilagay ko sa bulsa ko yung pocket knife na matalas. Halos lahat kami may armas ng dala. Just in case may makasalubong kami.
Nagpunta na kami sa east wing, buti na lang talaga at wala ng deadheads dun. Dun sila nagipon sa west wing ng school, kung saan kami nanggaling.
May mga lilima-limang deadheads pero hinampas na namin agad ito sa ulo.
Nakita ko na sa malayo yung kotse ni Daryl kaya tumakbo na kami agad. At sumakay sa kotse. Tinignan ko muna yung metro, full tank buti na lang. Baka mamaya, matirikan pa kami sa kadamihan ng zombies.
Noong makalabas na kami sa gate, may narinig kaming malalakas na sigaw na nanggaling sa loob ng school.
Napapikit na lang ako ng biglang lumabas ang mga luha sa mata ko. Tinakpan ko na ang tenga ko dahil ayokong marinig ang sigaw ng mga kaibigan ko... Wala kaming magagawa. Desisyon nila yun.
- - -
Malapit na pala to matapos. :D
BINABASA MO ANG
The Living Dead
HororLJ's. Sa palabas mo lang sila nakikita pero paano ngayon kung.. HARAP HARAPAN NA? Cover by @cutiegogo