"We should come back for them!" panay ang sabi ni Ally niyan kanina pa. Hindi niya matanggap na wala na talaga ang mga kaibigan namin.
Pero anong magagawa ko kung sila na mismo ang nag-desisyon nun para sa sarili nila? Kung sa tingin ng mga tao masama ako dahil hinayaan ko sila dun, pwes nagkaka-mali sila.
Gusto kong maka-survive ang grupo namin na 'to kaya ako gumagawa ng mga desisyon na labag sa puso ko.
Si Elle, kanina pa tulala. Iniisip pa rin siguro yung boyfriend niyang iniwan siya. Nakaka-bwisit talaga 'yung lalakeng yun. I should have know from the start na may ugaling sa ulol 'yun. Dapat di ko na siya pinayagan manligaw kay Elle. Pero what can I do? Mahal talaga ni Elle yung lalaking yun kaya nasasaktan siya ng sobra ngayon.
Natigil na lamang ako sa pag-iisip ng bigla akong hinawakan ni Daryl sa kamay. Kaming dalawa ang nasa harap habang yung ibang kasama namin sa likod naka-pwesto. Lahat sila may sari-sariling iniisip.
"Gutom ka na ba?" tanong ni Daryl sa'kin.
Bigla naman akong nakaramdam ng gutom sa sinabi niya. Nakaka-gutom naman talaga ang pangyayareng 'to. Biglaan eh. Wala man lang nakapag-handa para sa ganitong klaseng kalamidad.
"Oo eh." sagot ko sa kanya.
Tinanong naman ni Daryl yung mga tao sa likod kung gutom na din ba sila. Oo din daw kaya napag-desisyunan naming tumigil sa 7-eleven.
Kinuha na namin lahat ng pwedeng kuhaning supplies. Mahirap na kung maubusan kami. Kailangan namin ng lakas ngayon. Napaka malas pa kung hindi kami magiingat at magkakasakit pa.
Pagkatapos namin dumaan ng 7-eleven ay may napansin akong gasolinahan na malapit kaya agad kong sinabi kay Daryl na magpunta doon at magpa-gas dahil baka tumirik kami sa kalagitnaan ng kalsada.
Tinignan ko muna kung may mga deadheads sa paligid bago bumaba ng kotse. Nung nakita ko yung isa deadhead, ay agad ko na itong nilapitan at dinambahan para saksakin ito sa ulo ng pocket knife ko.
"Edi ikaw na. Ikaw na malupit." sabi naman ni Daryl. Inikot ko na lang ang mata ko at sinimulan na punuin ng gas yung kotse. Sila Elle, Ally, at Sphere naman ang pinakuha ko ng pagkain. Naghihintay lang kami ni Daryl dito ng may marinig akong sigaw mula sa loob ng convenience store. Agad namin itong tinakbo ni Daryl.
Naabutan namin dun si Elle, na nakahandusay sa sahig. Pero wala siyang kasugat sugat. Nakahandusay lang talaga siya dun.
"Hey, what's the problem?" tinayo ko siya at nakita kong may hawak siyang sulat. Punung puno na ng dugo 'yung sulat pero nababasa pa din naman ito.
Elle... and whoever may be able to see this.
There's a safe place. Nacontact ko ang daddy ko and he said may lugar daw na kung saan magiging safe lahat. Pumunta kayo sa Malacanang. Nandoon sila lahat. I'm sorry for leaving you. Kailangan ko lang kasi siguraduhin kung nageexist talaga 'yun. Ayoko naman na may mabuwis pang buhay kung hindi man totoo na nageexist talaga 'yung safe place na 'yun. I'm so sorry. But guys, you gotta try.
Elle, I love you... Keep safe.
Daniel
Napamaang ako sa nakita ko. Hindi ko inaasahang ganoon pala ang dahilan ni Daniel kaya siya umalis. Nagjudge agad ako. Ipinakita ko 'to sa iba para malaman nila. Sa wakas, may plano na din kami. Matagal na din kaming paikot ikot lang dito at walang pinupuntahan. Kahit na hindi kami sigurado na nageexist nga 'yung safe place na 'yun, kailangan na ding magbaka sakali. Saka ang tatay ni Daniel ay isang sundalo at hindi niya naman siguro ipapanganib ang anak niya.
Agad ko silang tinipon at nagplano. Lahat naman sila ay pumayag na puntahan ang lugar na 'yun.
---
Nanood muna ako ng last episode ng season 3 ng the walking dead para may inspirasyon. Ang pangit ng UD ko shet sorry na :-( saka nakakalimutan ko na yung mga pangalan! Hahaha omg sorry talaga. Pagtiyagaan niyo na lang huhu
BINABASA MO ANG
The Living Dead
HorrorLJ's. Sa palabas mo lang sila nakikita pero paano ngayon kung.. HARAP HARAPAN NA? Cover by @cutiegogo