Nakarating na kami ni Daryl sa kwarto kung saan kami nag decide na mag-tago. Yun kasi ang pinaka matibay na room. Kasi may mga grills yung classroom na yun. The principal decided to renovate the school, pero etong room palang ang natatapos.
"Guys.. Wala pa sila Sphere? Nasan na sila?" tanong ko. Kelangan kumpleto kami.
"Bakit mo naman tinatanong aber?" parang naiinis na tanong ni Daryl. Problema ng poging 'to? Ay joke.
"Everyone of us are important. Kailangan mag-sama sama tayo para wala ng mamatay. Nakita mo naman ang nangyari sa mga kaklase natin? Kay Mam Reena?"
"Oo Jeh, nakita ko. Sorry. Selos lang."
"AYIEEEEEEEEEEEE!!" at ngayon ko lang napansin na nakikinig pala ang mga ungas kong kaibigan sa usapan namin ni ex-axis.
"Che kayo."
Inirapan ko na lang sila at lumabas sa may corridor para tignan sila Sphere kung nakabalik na. Laking gulat ko ng biglang tumambad ang mukha ni Sphere sa'kin na may dugo. At parang hinihingal pati.
Nagsilapitan sila sa pwesto ko. Ako naman. Pinunitan yung damit ko ng pirasong tela para punasan ang mukha ni Sphere na parang tinalamsikan ng dugo.
"Hep hep! Kaya na ni Sphere punasan ang sarili niya." singit ni Daryl sabay agaw sakin nung telang pinampunas ko tapos inabot kay Sphere.
Selosong ex-boyfriend..
"Anong nangyari Sphere? Ba't ang daming dugo sa mukha mo? Have you been bitten?" nag-aalalang tanong ni Ally. Siya yung isa sa admirer ni Sphere. Oo, madaming admirer si Sphere kasi gwapo siya eh. Swerte ko nga daw dahil nililigawan niya ako. Ano naman paki ko sa mukha niya noh? Ikayayaman ko ba yun?
"Nope. I'm not. I killed a zombie."
Natatawa ako tuwing naririnig ko ang salitang zombie. Hindi pa rin nagsisink-in sa'kin na may outbreak ng zombie nga. Naloloka ako.
"At magulat kayo kung sino.."
Kinabahan naman daw ako dun sa sinabi niya!
"Sino?"
"Who?"
Sabay sabay nilang tanong.
"Si Glyza.."
___________________________________________________
Heto lang nakayanan ni brain!! :(

BINABASA MO ANG
The Living Dead
HorrorLJ's. Sa palabas mo lang sila nakikita pero paano ngayon kung.. HARAP HARAPAN NA? Cover by @cutiegogo