"Pen, do you love me?"
Natigilan si Penelope sa tanong ni Ryan. Tinitigan niya ang binata. Hinihintay na sabihin nito na joke lang ang binitiwan nitong mga salita. Subalit wala. Seryoso lamang si Ryan na nakatingin sa kaniya at naghihintay din ng kasagutan niya.
"Pen?"
"Is this a joke?" nakasimangot niyang tanong kay Ryan. Kung biro nga ang sinabi nito, hindi iyon nakakatawa.
"Why would I make such joke?" dismayado namang balik ni Ryan.
"Then, why are you asking me such a funny question?" ani Penelope habang pilit na itinatago kay Ryan ang kabang nararamdaman.
Napasimangot si Ryan. Hindi nito nagustuhan ang naging tugon niya. "Funny? You find this funny?"
Dahan-dahang lumapit sa kaniya si Ryan dahilan para dahan-dahan din siyang mapaatras. Napasinghap siya nang tuluyan nang nakalapit si Ryan at isinara ang pinto sa kaniyang likuran. Napasandal siya roon.
Yumuko si Ryan at itinapat ang bibig sa kaniyang tainga. "Do you still find this funny?" bulong nito sa kaniya.
Sinamaan niya ito ng tingin. Para kasing inaakit siya ng lalaki sa tono ng pananalita nito. "Are you teasing me?"
Ngumisi si Ryan. "Do you feel teased?"
Inis niya itong itinulak dahilan para matawa ito nang mahina.
Habang tumatawa si Ryan ay gusto namang maiyak ni Penelope. Sinasabi niya na nga ba't pinagtitripan lamang siya ng Amerikano.
Natigil lamang si Ryan nang mapuna ang unti-unting pamumuo ng mga luha sa mata ni Penelope.
"Hey..." Lalapitan sana nito ang dalaga subalit iniiwas nito ang mukha sa kaniya.
"Ryan?" boses ni Valerie mula sa labas. "Are you done?"
"Nandito kami sa studio," sabi ni Penelope sabay bukas ng pinto. Nakita niya sa hallway ang papalapit na si Valerie. "Pinakita ko lang sa kaniya 'yong painting n'yo."
Dirediretso namang pumasok si Valerie. "Talaga? Tapos na agad?" hindi makapaniwala nitong sambit.
Habang tinitingnan ni Valerie ang painting ay sandaling nagkatinginan sina Ryan at Penelope. Kapwa naiilang sila sa isa't isa.
"You really are talented, Pen. I love it!" masayang bulalas ni Valerie.
Nag-iwas na ng tingin si Penelope kay Ryan at lumapit na lamang kay Valerie. "Gusto mo na bang siyang iuwi o ako na lang ang magdadala sa kasal n'yo?"
"I'm planning to display this sa reception kaya mas maganda kung dadalhin na namin ito ngayon ni Ryan," sagot ni Valerie. Bumaling ito kay Ryan. "Why so quiet, love? Come here. Tell me kung ano'ng opinion mo rito sa painting."
Hindi kumilos si Ryan sa kinatatayuan. Nakatingin lamang ito kay Penelope.
"Beautiful," matipid nitong sagot sabay lipat ng tingin kay Valerie. "It's getting late. Umuwi na tayo," sabi pa nito at nauna nang lumabas. Ni hindi ito nag-abalang magpaalam kay Penelope.
*****
"Ngayon na lang po ako pupunta, Tito Greg. Wala naman po akong gagawin ngayong araw," sabi ni Penelope sa tiyuhin na kausap niya sa kabilang linya ng telepono.
Nasa bahay si Penelope ngayon para bisitahin ang Mama Rosie niya dahil masakit daw ang ulo. Napainom niya naman na ito ng gamot kaya umayos na ang pakiramdam nito.
"Are you sure? Pwede naman sa ibang araw na lang kasi sabi sa balita kanina, baka umulan nang malakas mamaya. Medyo malayo ang biyahe papunta rito sa amin, baka mahirapan kang makauwi," ani Tito Greg niya.
BINABASA MO ANG
HER AMERICAN SWEETHEART
RomanceHuling taon na ni Penelope sa high school nang dumating sa buhay niya ang makulit at over-friendly na Amerikanong exchange student na si Ryan. Ayaw niya sa lalaki dahil bukod sa hindi maganadang impresyon nito noong unang beses silang nagkita ay tot...