CHAPTER 24

17 1 0
                                    

"Naku! Nangigigil ako kay Ryan! Ang lakas mang-guilt trip!" gigil na bulalas ni Celine habang nakakuyom ang parehong mga kamao.

Binisita niya si Penelope sa apartment nito at laking gulat niya nang mabalitaan ang mga naganap dito nang nagdaang araw. Ayaw man ni Penelope, kinumbinsi niya itong lumabas ng bahay—o mas tama na sabihing puwersahan niya itong pinalabas. Dinala niya ito sa salon para sa kanilang girl thing.

Napalingon si Celine kay Penelope nang walang natanggap na tugon dito. Tulala lamang itong nakaupo sa stool habang inaayusan ng buhok.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Celine. Naaawa siya sa sitwasyon ng kaibigan. Pansamantala niyang pinatigil ang nag-pe-pedicure sa kaniya at tinabihan si Penelope.

"Huwag mo nang masyadong isipin ang sinabi ni Ryan. Hindi mo kasalanan na naging ganito ang sitwasyon ninyo. Totoo na inilihim mo ang feelings mo sa kaniya noon pero bata ka pa noon, Pen. Bago sa 'yo ang pakiramdam na 'yon at hindi mo alam kung paano i-ha-handle. Kung may dapat man sisisihin sa nangyayari ngayon, siya 'yon. Hindi sana magiging ganito kakomplikado kung hindi siya nakipagrelasyon kay Valerie gayong hindi pa naman pala siya nakaka-move on sa 'yo..." Inis na napakamot sa ulo si Celine. "Ryan's my friend too pero kapag nagkita talaga kami, makakatikim siya sa 'kin! He is a walking red flag! Naku, Pen! Kalimutan mo na lang siya! Samahan mo na lang ako sa pag-hunt ng matitinong lalaki. Ekis na sa akin 'yan si Ryan para sa 'yo."

Hindi na naman nagsalita si Penelope. Halos wala ring na-absorb ang utak niya sa mga sinabi ni Celine. Masyadong magulo ang isip at puso niya. Nagtatalo.

Napasimangot nang husto si Celine sa nakikitang ekspresyon sa mukha ni Penelope.

"Why are you making that face? Don't tell me—"

"Masama ba akong maituturing kung pagbibigyan ko ang sarili ko ngayon, Celine?" mahinang tanong ni Penelope. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya. "Masama ba kung magpapaka-selfish ako kahit ngayon lang?"

Napatanga si Celine sa sinabi ng kaibigan. Naloloka na yata ito sa kaiisip kay Ryan.

Inisip niya munang mabuti ang mga susunod na sasabihin kay Penelope bago maingat na nagsalita.

"Will you be able to handle the consequences kung gagawin mo 'yan?" tanong niya.

Hindi sumagot si Penelope at napayuko na lamang.

"We've been best friends for years, Pen. Alam kong hindi mo kayang manakit ng iba. Ni hindi mo nga kayang tiisin ang isang araw na nagtatampo ako sa 'yo eh. All my life ikaw pa lang ang nakikilala kong over sa kabutihan. Mas inuuna mo ang well being ng iba kaysa sarili mo..." Hinawakan ni Celine ang kamay ng kaibigan. "But if you decide na ang sarili mo naman ang uunahin mo this time, suportado kita."

Pinunas ni Penelope ang tumakas na luha sa kaniyang pisngi at malungkot na ngumiti. "You know me too well, Celine. It annoys me sometimes."

Tumawa nang mahina si Celine at niyakap si Penelope. "You know that I always got your back, right?"

Yumakap din si Penelope rito. "Just forget what I said. I didn't mean it. Valerie is a good person. Hindi niya deserve ang masaktan nang dahil sa amin ni Ryan."

Napabuntonghininga si Celine at mas hinigpitan ang yakap kay Penelope. "You're a good person too, Pen. Hindi mo rin deserve ang masaktan nang ganito dahil kay Ryan. That a**h*l*, humanda siya 'pag nagkita kami."

*****

Kinakabahang bumaba si Penelope sa kaniyang kotse. Bumalik na naman siya ngayon sa kanilang bahay dahil birthday ng kaniyang Mama Rosie.

HER AMERICAN SWEETHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon