CHAPTER 6

11 2 0
                                    

Penelope's P.O.V

Eksaktong alas-cinco ng umaga nang dumating kami ni Ryan sa university. Naglalakad na kami patungo sa pavilion kung saan ang waiting place namin nang bigla na lang umalingawngaw ang boses ni Celine.

"Guys! Wait for me!" sigaw ni Celine, kararating lang nito. Pareho naman kaming napangiwi ni Ryan nang makita ang mga dala niya. Bukod kasi sa sukbit na malaking backpack ay may hila-hila rin siyang malaking maleta.

"Celine, mag-ca-camping lang tayo, hindi lalabas ng bansa," sita ko nang huminto na siya sa harapan namin ni Ryan.

Magsasalita pa sana si Celine kaso naudlot iyon nang tinawag na kami ng mga facilitator sa harapan ng pavilion. Nagsimula na silang i-orient kami sa mga gagawin namin sa araw na ito. Bawat isa sa amin ay binigyan ng garbage bag. Sabi nila, habang paakyat ng bundok ay kailangan naming pulutin ang mga basura na makikita namin sa daan. Pagkatapos, pagdating naman sa site ay magsisimula na kaming itayo ang mga tent at pagsapit naman ng hapon ay simula na ng tree planting.

Hila-hila ako ni Celine patungo sa bus na sasakyan namin. It was very obvious that she's not here for her grades. Ang main purpose ng pagsama niya ay para magsaya at para gumawa ng bagong content sa kaniyang social media platforms.

Nakaupo na kami ni Celine sa loob ng bus nang bigla na lang sabay-sabay na napasinghap ang mga kaklase namin. Nang tumingin kami sa harapan ay nakita namin si Ryan na pumasok. Napakunot ako. Sa pagkakaalam ko ay doon sa kabilang bus siya naka-assign.

Inilibot ni Ryan ang tingin at nang makita kami ni Celine ay nakangiti siyang lumapit sa amin.

"What are you doing here?" usisa ko habang ang tingin ay nasa noo niya.

"Oo nga, this isn't your bus," segunda naman ni Celine.

Bago pa man makapagsalita si Ryan ay nakuha na ang pansin namin ni Celine ng isa sa mga facilitator na umakyat ng bus. Tinawag nito si Celine at sinabing lilipat siya sa kabilang bus.

"Ano?! Bakit?!" gulat na napatayo si Celine. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Ryan at doon sa facilitator.

"I asked the teachers if I could move here. They explained I could only transfer here if someone else from here would move to my former bus as well. I told them that you are eager to exchange with me," si Ryan ang nagpaliwanag. "You see, I promised Mama Rosie that I would look after Pen, so I had to stick with her at all times."

Inis naman na bumaling sa akin si Celine nang marinig ang sinabi ni Ryan. "Pen!"

Sinimangutan ko si Ryan. "Ryan, I think you're overdoing it. I can take care of myself," sabi ko subalit inilingan lamang niya ako pagkatapos, bumaling ulit kay Celine.

"That guy from the varsity team, he's assigned on that bus, too," patungkol ni Ryan sa crush ni Celine na si Samuel. Nginisihan at kinindatan niya si Celine. "I just thought you wanted to know."

Kaagad namang natutop ni Celine ang bibig. Kulang na lang ay literal na maghugis puso ang mga mata niya sa nalaman. Pagkatapos, nagmamadali na siyang lumabas ng bus at tila ba nakalimutan nang kasama niya ako.

Iiling-iling namang naupo na sa tabi ko si Ryan nang nakaalis na si Celine. Nilingon niya ako habang yakap ang kaniyang backpack sabay kindat sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na naman akong napasinok dahil sa ginawa niya. Ilang araw nang ganoon ang nangyayari sa akin sa tuwing nagkakalapit kami ni Ryan o kaya kapag may ginagawa siyang makakapukaw sa atensyon ko.

Wala akong maisip na scientific o kahit na anong rasyunal na explanation sa mga nangyayari sa akin ngayon. Bukod sa madalas kong pagsinok kapag malapit siya ay tila naging abnormal na rin ang pagtibok ng puso ko. Mariing itinatanggi ng utak ko ang posibilidad na in love ako sa kaniya. Imposible iyon dahil ilang buwan pa lang naman kaming magkakilala. Bukod do'n, hindi ako pwedeng magkagusto sa kaniya. Planado ko na ang mga mangyayari sa future ko and falling in love is not on my list... especially sa ganitong edad. I'm too young and innocent for that thing. Maraming kinabukasan na ang nasira dahil sa love na 'yan. Hindi ako makapapayag na maging isa sa kanila.

HER AMERICAN SWEETHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon