Chapter 1

7 1 0
                                    

Day 29

"Meron ka bang gustong puntahan, Sheila?" Palabas ma kami ng school, nang mag tanong sya. Tamang tama at meron akong nakitang fishball stand sa harap ng school.

"Kain tayo ng kwek- kwek- tsaka fishball. Meron din silang ki- kiam" natatawang nag pahila naman siya sakin sa saya ko.

Ni libre nya naman ako kaya mas lalong sumaya ang mukha ko. Na tagalan kami dahil sa dami namin napag usapan.

Nag sulat pa nga sya na pwede namin Gawin for this week after class. Balak pa nga nya talaga akong samahan sa hospital pero tumawag na ang Mommy, nya. Meron silang family dinner dahil umuwi Ang mga Tito and titas nya galing province.

Naiwan akong mag isa Kaya nag lakad lakad muna ako papunta sa Plaza.

Marami ang tao kapag dapit hapon na kaya kailangan mo talagang mag hanap ng pwedeng pag tambayan dahil walang bakanteng bench.

Umupo ako kaharap ang dagat. Katabi ko pa nga Ang malaking puno ng Acacia tree. Bata pa lang ako, nandito na ang punong to. Ilang taon na Kaya to? 20 na ako at malamang mas matanda pa to sakin. Baka nga 100 years na to eh.

Ang sarap talagang tumambay sa tabing dagat. Ma re- relax ka kahit  paano. Malakas man ang hangin atleast alam kung safe ako. Hindi tulad sa bahay, feeling ko hindi ako safe. Para lang kasi akong daga na kailangan makisama para mabuhay.

Biglang nag ring ang phone ko Kaya sinagot ko ito.

"Mom-"

"For Gods sake, Sheila. Anong Oras na hindi ka pa umu- uwi! Anong Oras ba uwian ng istudyante huh? Nag bu- bulakbul ka na naman ba? Kasama mo na naman ba yang kaibigan mo? Kapag hindi ka pa umuwi, makaka tikim ka talaga sakin" hindi ako umimik kaya agad naman binaba ni Mommy, ang tawag.

Ano bang gagawin ko sa bahay? Tutulong kay Manang? Kaya na naman ni Manang, pero hindi ba ako pwedeng mag pahinga? Kahit dito lang? Kahit Minsan lang?

Hindi na nga ako nag tagal at umuwi na ako ng bahay. Kakapasok ko palang at sinalubong agad ako ni Mommy, ng sampal.

"Sheila, kung gusto mo mag bulakbul Gawin mo pero sana man lang nag paalam ka. Gawain ba yan ng matinong babae, huh?" Hawak hawak ko parin ang sampal ni Mommy, at hindi ko alam kung san ako masasaktan.

Sa sampal nya o sa mga masasakit na bintang  nya sakin? Hindi masamang kaibigan si Faith. Siya nga lang ang laging andyan para sakin. Siya lang meron ako.

"Sumagot ka, Sheila. Gawain ba yan ng isang babae?"

"Bakit ba lagi mo nalang akong pina ga- galitan, Mom? Wala naman akong ginawang mali, ah. Oo matagal akong umuwi pero sa plaza lang naman ako tuma- tambay. Saka wala naman ginawang masama si Faith, sa inyo. Mabait syang tao-" Sinampal ulit ako ni Mommy, and this time nakita na ni Kuya at Daddy, Ang ginawa nya. Kakarating lang nila.

"Mom-Amanda" sabay nilang Sambit.

"Yang anak mo, pag sabihan mo. Sinasagot na ako-"

"Akala ko ba Mommy, gusto mo akong pagsalitain? Ngayong nag salita ako, ako na ngayon ang masama? Ang galing nyo rin mam- baliktad" for the 3rd time, hindi ko na kinaya Ang sampal nya at tumalikod na ako.

Tumakbo ako palabas ng bahay. Tinawag pa ako ni Daddy, pero hindi ako nag paawat.

This is the reason why I don't want to come home. Parang hindi ko sila pamilya, kung umasta. Ako yung middle child pero para lang akong sampid sa familyang to.

30 daysWhere stories live. Discover now