"Arcade?" Ang sabi nya special daw Ang pupuntahan namin. Special ba to??
"Oo, Saka gusto ko bumalik sa pagkabata. Yung saya lang Ang maramdaman ko. Diba Ganon Naman pag bata? Iiyak lang pag hindi binigyan ng gusto nila" napa tango Naman ako sa sinabi niya." Kaya Tara na. Let's enjoy the day"
Una naming nilaro Ang basketball. Pa taasan pa kami slng na shot at Ang ending siya Ang talo. Lagi Kasi kaming nag lalaro ni Faith, Dito kapag naba bagot na kami sa plaza sa kakalakad.
SM, Ang Isa sa tambayan namin. Na miss ko na si Faith. Isang araw lang naman kami hindi nagkita. Ganyan talaga siguro kapag nasanay ka na kasama ang isang tao.
Sumunod naman ay nag raising kami. Lagi akong na ba- banga ang bilis naman kasi nang takbo nung sasakyan. Pinag tatawanan tuloy ako ni Nathaniel.
Marami pa kaming nilaro ni Nathaniel, at subrang saya ko. Ngayon ko lang naranasan na lalaki Ang kasama gumala. Lagi kasing si Faith, Ang kasama ko sa mga gala.
"Kaya mo Yan" sigaw ko sa kanya.
Tina- try nya kasing laruin Ang claw machine. Tatlong beses na Ata siya dun pero hindi nya parin makuha Yung gusto ko.
"Sayang" sambit nya. Muntik na Kasi nyang ma kuha kaso na hulog. "Isa pa" Kaya nag swipe ulit siya gamit Ang arcade card.
This time ay nakuha na niya. Napatalon Naman ako sa saya. Inabot nya sakin Kaya niyakap ko ito. Isa itong pink Rabbit. Ang cute.
"Pa pangalanan ko syang First" nagtataka naman siya sa sinabi ko.
"Bakit First?"
"Dahil first time kung Maka tanggap ng present galing sa lalaki and first time kung pumunta or gumala sa mall na lalaki Ang kasama" napangiti siya sa sinabi ko.
"Ibig sabihin ako Ang una sa lahat? Bakit Wala ka bang naging Boyfriend?" Umiling Naman ako.
"Meron Naman nag try na manligae but I'm into study. Ayaw kung mahulog sa den's list. Priority ko Ang pag aaral pero Ngayon? Parang I regret na ginawa ko yun pero Meron namang part sakin na nag sasabi na mas okay din na ginawa ko yun dahil nga prioritys ko yung mga bagay na mahalaga sakin, saka baka masaktan lang ako. Nasasaktan na nga ako sa ibang bagay, da- dagdag pa ba Sila if ever? Ayaw ko nga nun" ilang beses na akung sinabihan ni Faith, tungkol Dyan Kasi nga dapat e enjoy ko Yung life ko as a young one but I refuse.
"Paano kung merong manligaw sayo? College ka na naman Saka matured na Ang mindset ng mga lalaki ngayon " umiling ako sa sinabi niya.
Palabas na rin kami ng Arcade, nito. Umupo muna kami sa bench dito sa gitna ng hallway.
"Ayaw kung meron na namang ma sasaktan if ever ma wala ako. Mas okay nang friends nalang kaysa mas masaktan siya kapag mas lumalim pa Yung feelings namin" Saka ako tumingala sa ibabaw."Okay lang na masaktan ako, wag lang ako Maka sakit ng ibang tao.
"Paano kung handa siyang tanggapin na masasaktan siya sa huli? Paano kung kaya nyang sumugal para sayo" natawa ako sa sinabi nya."Anong nakaka tawa sa sinabi ko?"
"Hindi mo alam Ang sinasabi mo, Nathaniel. Kapag naranasan mo na, Saka mo lang malalaman Ang totoong sakit."umayos ako sa pag kakaupo at tumingin sa kanya."Can I request something?"
"Ano yun?"
"Pwede mo bang ipa experience sakin kung Anong feeling na magkaroon ng Boyfriend? Kung paano umasta Ang mga lalaki sa girlfriend nila" nagulat man ay naka recover Naman agad siya.
"Yun lang ba? Tara na" Saka niya ako hinila patayo."Manuod tayo ng Movie, sa sinehan"
Hinayaan ko lang siya pag hila sakin. Habang nag lalakad, hindi mawala Ang ngiti ko habang nakatingin sa kamay namin na magka hawak kamay.
Kinikilig ako na parang Ewan. Ito na ba yun? Ito na ba talaga?
Pina nuod namin Ang new release na Rewind. Grabe. Iyak ako ng iyak Kainis. Bakit merong ganong part sa Buhay natin? Hindi ba dapat ay masaya siyang panuorin? Pero Wala na, umiiyak na ako.
"Wag mo nga ako pagtawanan!" Naiinis kung sambit Kay Nathaniel. Kasi Naman.
"Ang cute mo pala pag umiiyak. Iyak ka nga ulit" pinalo ko siya sa braso dahil sa pang a asar nya." O Sige na. Kumain na Muna tayo Bago tayo pumunta sa susunod nating pu- puntahan. Lunch time na"
Nag take ako ng food sa Jollibee at pizza sa Alberto's. Pinaka favorite ko talaga sa kanila Ang Hawaiian at Ham and sausage pizza with Cheese. Worth it na worth it.
Bumili na Rin si Nathaniel, ng Milktea kahit na hindi Naman ako mahilig dun. Hinayaan ko nalang since libre nya naman.
"Bago tayo umuwi, pwede ba ako mag shopping?" Tumango Naman siya.
"Ako pipili para sayo. I'm you're boyfriend today, right" tumango na lang ako dahil kumakain ako ng chicken.
Gaya nga ng sabi ni Nathaniel, pumunta na kami sa next na pu- puntahan namin at yun ay Ang Skating. Hindi pa Naman ako marunong. Mabuti nalang ay magaling Ang Lolo mo Kaya inala- layan niya ako the whole time na nasa loob kami ng skating area.
"Sana pala nag short ako or Jeans para comfortable gumalaw sa skating. Hindi mo Naman sinabi" nakaupo na kami Ngayon sa bench area. Tina- tanggal ko na Yung ginamit ko.
Na kakapagod pero worth it. Ang saya ko. Na experience ko Yung mga bagay na hindi ko na experience.
"Meron ka pa ba gustong gawin, after nito?" Napaisip Naman ako sa sinabi niya.
Arcade, done. Movie, done. Lunch date, done. Skating done. Ano pa bang pwedeng gawin ng mag boyfriend at Girlfriend?
Maaga pa para mag shopping. Ano Kaya kung bumili ako ng matchy matchy namin? Tama. Dadaan narin ako sa bookstore. Malapit na akong matapos sa binabasa kung libro.
Mabuti nga at meron nang soft copy Ang story ni Penguin20. Ang galing nya kasing mag sulat. Isa sa favorite kung story nya ay Ang Hunter Online. Ang galing nila dun sa story. Hindi ko akalain na aabot sa Ganon Yung story. Ibang level.
"Hoy!" Napa igtad ako sa pag gulat niya sakin.
"Wag ka Naman mangulat Dyan, Nathaniel"
"Ikaw kasi, nakatulala ka Dyan. Ano na?" Huh? Anong ano na? Ay, oo nga pala. Tina tanong nya kung Anong susunod namin Gawin.
"Sorry" Saka ako ng peace sign. "Bili tayo ng matchy matchy na stuff. Bilhan na Rin natin si Faith, baka magalit yun pag nakita tayong dalawa na same tapos Wala siya"
Pumasok kami dito sa Shop na hindi ko alam ang pangalan. Nakita ko lang Yung bracelet sa labas kaya pumasok na ako.
"Baby, ano Yan?" Binatukan ko Naman siya sa sinabi niya.
"Baby ka Dyan. Baka Gawin kung mop yang mukha mo sa sahig ka kaka- baby mo" napa kamot Naman siya sa ulo."Isa pa, gagawin ko talaga"
Hindi na siya umimik at nag hanap na lang din ng pwedeng bilhin. Meron na akong Nakita Kaya kinuha ko na. Isa itong bracelet na pwede Kang pumili ng design at pwedeng lagyan ng name.
"Ang cute Naman ng mga paninda nyo, ate" masaya kung sambit habang ginagawa Yung bracelet.
"Kaya nga maraming customer, Ma'am. Lagi nilang pinu- puri Yung shop dahil sa Ganda ng quality. Handmade Kasi kadalasan nandito" oo nga. Napansin ko Rin yun.
Naghanap pa ulit ako dahil medyo ma tatagalan daw si Ate, since marami Ang binili ko sa kanya. Balak ko kasing bigyan lahat ng mga friends ko.
"Naka pili kana?" Tumango Naman siya."Pakita ako"
"Hindi pwede. Baka kunin mo, eh" Saka niya tinago sa likod nya.
"Nathaniel, ti- tingin lang"Saka ko pilit na tignan sa likod nya.
Itinaas nya Naman ito Kaya nag tip toe ako para ma abot pero hindi ko ma abot dahil sa tangkad niya Hanggang sa mahalikan ko siya.
Na freeze kaming dalawa sa nangyari Kaya tumalikod ako. Nakakahiya. Umalis ako sa harap niya at pumunta na lamang sa babaeng gumawa ng bracelet.
YOU ARE READING
30 days
RomanceA month to live was not my plan. It's God plan to me. Maybe he let me live in this world with a purpose and maybe, my purpose to this world are already done. Hindi ko man alam kung ano yun pero Isa lang Ang gusto kung nangyari Bago ako mawala sa mu...